SA harap ng lumolobong populasyon ng Pilipinas, may mga indikasyon na bumababa ang ating agricultural productivity. Ito’y nangagahulugan na habang dumarami ang mga bibig na pakakainin bumubulusok pababa ang ating kapasidad na gumawa ng pagkain!
Ito ang dahilan kung bakit mahal ang pagkain sa ating bansa kaya’t maraming Pilipino ang hindi sapat ang kinakain sa pang-araw-araw.
Batay sa Law of Supply and Demand, kapag marami ang nangangailangan ng isang produkto subalit kaunti lamang ang supply ng nasabing produkto...tiyak sisipa pataas ang presyo nito!
Panahon na po na tugunan natin ang mababang agricultural productivity ng ating bansa. Kailangan na kumilos ang mga kinauukulan at ibayong itaguyod ang sektor ng agrikultura!
Ang pagpapataas ng ating agricultural output ay isa pang isyu na dapat pansinin ng Kongreso! Sa ganang akin, mas mahalaga ito kaysa sa maraming bagay na inaatupag ng mga mambabatas ngayon!
Kailangan gumawa ng mga panibagong batas at amyendahan ang ilan sa mga umiiral na batas para makatugon sa mga bagong suliranin ng agricultural sector.
Nagrereklamo na ang Food Producers and Exporters Organization, Inc., (PHILFOODEX) dahil kulang na umano ang supply nila ng raw materials para sa paggawa ng processed food.
Ayon kay PHILFOODEX President Roberto Amores, ang mababang supply at mataas na presyo ng raw materials katulad ng asukal ang dahilan kung bakit bumabagsak ang food exports ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Amores, ang mataas na presyo ng elektrisidad at kakulangan ng infrastructure ay kasama din sa krus na pinapasan ng food processors.
Samantala, maraming negosyante rin ang nagmumungkahi na amyendahan ang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) para maka-attract imbes na mag-taboy ng investments sa agricultural sector.
Sinabi ng aking kumpare na si Federation of Philippine Industries (FPI) Chaiman Jess Arranza na mas makakabuti kung alisin na ang forced acquisition ng privately-owned agricultural lands para huwag na matakot mag-invest ang private sector.
Ayon kay Jess, dapat unahin ng gobyerno ang pamamahagi ng government lands at idle lands para mapakinabangan at mataniman na ang mga ito.
Ang mga ito’y ilan lamang suhestyon na maaaring timbangin ng Kongreso. Ang importante ay magsabatas na sana ng mga makakahulugang solusyon sa mababang produksyon ng pagkain.
Nais ko lang igiit na ang mataas na food production output ang pang-matagalang tugon sa karalitaan.
****
Nagpasya na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sampahan ng kaukulang kaso ang mga taga-pangasiwa ng one-hectare property sa Ayala Alabang Village na ginawang shabu laboratory ng isang Chinese drug ring.
Magugunita na ni-raid ng mga operatiba ng PDEA ang nasabing lugar sa 504 Acacia Drive noong nakaraang January 6, at doon natagpuan ang isang fully operational shabu lab. Arestado sa nasabing operasyon ang limang Intsik na operators ng laboratoryo.
Matagal at masusing pinag-aralan ng PDEA Legal Prosecution Division kung ano talaga ang pananagutan ng Fuerte Holdings, Inc., ang kumpanyang may-ari sa nasabing property.
Batay sa mahigit isang buwan na paninimbang sa mga nakalap na ebidensya, kumbinsido ang PDEA na nagkaroon ng matinding negligence o kapabayaan sa panig ng Fuerte Holdings.
Dahil dito ang limang officers at dalawang property administrators ng nasabing kumpanya ang sabit ngayon bilang co-principals sa kaso. Itinuturing silang parang kasabwat ng mga naarestong suspects at makakasuhan din ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi na mahalaga kung alam o hindi ng management ng Fuerte Holdings ang naganap sa loob ng kanilang bakuran. Ang malinaw ay naging pabaya sila kung kaya’t isang malaking drug manufacturing operation ang naganap sa kanilang property.
Responsibilidad ng isang landlord na magsagawa ng kaukulang background check sa kanilang mga tenants. Sa kasong ito, parang hindi man lamang naghinala ang Fuerte sa mga foreigners na bigla na lamang sumulpot at nagbayad ng isang buong taon na upa! At tila hindi sila gumawa ng anumang hakbangin para alamin ang nangyayari sa loob ng kanilang property!
Sana magsilbing halimbawa ito sa lahat ng mga nagpapa-upa ng bahay, townhouse, condo o apartment. Kahit ibang mga tao na ang nakatira sa inyong property mayroon pa rin kayong sagutin sa kung ano ang nagaganap sa loob nito dahil kayo ang owner!
Tungkulin n’yong pangalagaan ang inyong real estate assets, ang siguruhin na ligtas ang inyong tenants at na walang labag sa batas ang nagaganap sa inyong property!
Yan ang leksyon na ating mapupulot sa kasong ito!
****
Isa pa ring biyuda na food vendor na may edad 53 ang kinasuhan sa Pasay City Prosecutor’s Office dahil sa pagbebenta ng shabu bilang kanyang “sideline!” Sinasabi sa report na ito na ang pangalawang pagkakataon na s’ya ay inaresto dahil sa droga.
Nang una s’yang mahuli sa isang “buy-bust operation” dalawang taon na ngayon ang nakakaraan, s’ya ay hindi natuluyang kasuhan at pinakawalan dahil sa ilang “technical” na mga kadahilanan.
Kaya’t sa pagkakataong ito, sinisiguro ng PDEA na wala nang kawala ang batikang biyudang ito at hindi na matatakasan ang kamay ng batas!
****
Taos-puso ko pong ipinaaabot ang aking pakikiramay sa pamilya na iniwan ni dating Leyte Governor Benjamin “Kokoy” Romualdez at dating Philippine Ambassador to Washington at Beijing sa panahon ng rehimeng Marcos. Siya ay sumakabilang buhay kamakalawa sa edad na 81 dahil sa sakit na leukemia.
Isang mabait na kaibigan si Ambassador Romualdez na ama ng kaibigan ko ring mambabatas mula sa 1st District of Leyte at Philippine Constitution Association (PHILCONSA) President na si Ferdinand Martin Romualdez. Siya rin ang nakababatang kapatid ni dating unang ginang at ngayon ay Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos…… Ang aking simpatiya sa pamilyang Romualdez.
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
).
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 10

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 13
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more