P5-M scholarship sa biktima ng lindol


MAGALING ang naisip ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Joel Villanueva, na maglaan ng pondo para sa ‘scholarships’ ng mga nabiktima ng malakas na lindol sa Negros Oriental.

Naglaan po ng P5 milyong pondo si Director General Villanueva para nga sa ‘scholarships’ ng mga biktima ng lindol partikular sa Guihulngan City.

Ayon kay Secretary Vilanueva, ang P5 milyong pondo ay para sa mga kwalipikadong aplikante sa ‘scholarship program’ upang sila ay makabangong muli.

Ilan sa mga kursong iaalok nila ay metal arc welding, carpentry, masonry, plumbing, pag-o-opereyt ng payloader at backhoe.

Dagdag pa ng TESDA director general, bukod sa nasabing mga kurso ay kasama na din ang mga kursong ‘commercial cooking’ at ‘enterprise information management’.

Nagpalabas na rin ng kautusan at abiso ang secretary general para sa agarang pag-iinspeksyon sa lahat ng TESDA school and training centers sa Central Visayas.

Ang hakbang na ito ni Villanueva ay naaangkop upang tuluyang matulungan ang mga kababayan natin sa Negros Oriental partikular nga sa Guihulngan City, na tila nawawalan na ng pag-asa sa mabagal na pagtugon sa kanilang mga hinihinging tulong mula sa ibang ahensiya ng ating pamahalaan.

Mabuhay ka TESDA Director General Sec. Villanueva, sa mabilis mong pag-aksyon para tulungan ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng edukasyon at technical training na pakikinabangan ng ating mga kababayan sa Central Visayas sa habang panahon!    

*****

Samantala, ibayong suporta pala ang ibinibigay ng mga mangangalakal  at mamumuhunang kumpanya sa bansa sa Dual Training System o DTS na inilunsad ng TESDA kamakailan.

Ayon kay Secretary Villanueva, sa ilalim ng DTS ay hahasain sa mga kaalaman ang mga aplikante na makakasama sa Dual-Training System, kaugnay ng sistema sa  edukasyon at teknolohiya, upang makamit ng mga ito ang mga pamantayan na angkop sa tinatarget ng mga kumpanya.

Paliwanag pa ni Sec. Vilanueva, layunin ng programa na matiyak na may trabaho ang isang trainee, bukod pa sa matatanggap nitong ‘allowance’ habang siya ay nasa pagsasanay sa kumpanya na katumbas ng 75 porsiyento sa umiiral na minimum wage law.

Dagdag pa ni Secretary Villaueva, nakipagkasundo na rin ang TESDA Pampanga sa Clark Development Corporation at tulad ng ibang mga kumpanya, ay nagpahayag na rin ito ng intensyong tumulong sa nasabing DTS program sa tulong ng maraming kumpanya at mamumuhunan sa bansa.

Malaki ang tiwala ni Sec. Villanueva na malaki ang maitutulong ng ‘Dual Training System’ ng TESDA at mga kumpayang nakikipagtulungan dito, para magkaroon ng mas marami pang trabaho ang  mga nagtatapos sa TESDA gayundin ang kasiguruhang sila ay makapag-trabaho sa ibang bansa.

*****

Nais ko namang personal na papurihan ang aking kaanak na si Redentor Antiporda Eusebio, MSCE-BS Civil Engineer, na pinarangalan kamakailan ng Technological Institute of the Philippines (TIP) matapos siyang hiranging “2012 TIP Outstanding Alumni Awardee” ng naturang paaralang kanyang pinanggalingan.

Kinilala si Redentor bilang isang napakahusay sa larangan ng structural design at teknolohiya ng nasabing paaralan.

Sa mga nananais namang handugan ng pagkilala at pagbati ang mga kababayan nating nakakagawa ng kabutihan dito sa ating bayan at maging sa ibang sa ibang bansa man, wag kayong mangimi na ako ay tawagan sa aking mga celfon number na nabanggit at e-mail address kong This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. -- MARAMING SALAMAT PO!!!   



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 10

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 13
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC