Kgg. na Atty. Acosta,
Magandang araw po. Gusto ko pong magbenta ng property na hulugan sa paraang ako ay may security o masisiguro ko na magbabayad ang aking binentahan. Anu-ano po ang mga kailangan na dokumento para sa transaksyong ito? Sana po ay matulungan ninyo ako. Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Bomby
Dear Bomby,
Hindi po ninyo nabanggit kung anong uri ng property ang inyong binabalak na ibenta. Dahil dito ay general lamang din po ang payo na aming maibibigay sa inyo. Kung nais po ninyong magbenta ng property na hulugan o installment basis, mainam na kayo at ang inyong pagbebentahan ay mag-execute ng Deed of Conditional Sale. Ang nasabing dokumento ay magsasaad ng mga kondisyon ng inyong transaksyon, kasama na ang kondisyon na malilipat lamang ang pag-aari o ownership ng inyong ibinebentang property sa inyong pinagbentahan kung nabayaran na niya ang buong halaga na inyong pinagkasunduan.
Pagkatapos pong mag-comply ng inyong pinagbentahan sa mga kondisyon ng inyong bentahan ay saka lamang kayo mag-e-execute ng Deed of Absolute Sale na nagsasalin sa kanya ng pag-aari o ownership ng property na inyong ibinenta. Maaari po kayong magpatulong sa isang notaryo publiko sa paggawa ng mga nabanggit na dokumento. Patungkol naman po sa kagustuhan ninyong matiyak na kayo ay mababayaran, maaari po ninyong isama sa mga kondisyon ang pag-i-isyu ng post-dated checks (PDCs) ng inyong pinagbentahan bilang kanyang bayad. Sa paraang ito, pwede po ninyo siyang panagutin sa batas sakaling tumalbog o hindi mapondohan ang mga PDCs. Ang mga PDCs ang magsisilbing inyong security.
Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Ang inyo pong lingkod-bayan,
PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan
Paunawa:
Manood ng “Public Atorni” araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 5 ng hapon sa TV5.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 10

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 13
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more