Nagsalubong na naman ang kilay ni Mayor Fred Lim dahil sa akusasyon ng limang Koreano laban sa apat na pulis-Maynila na naka-assign sa MPD Stations 3 at 4 na umano ay dinukot sila at kinikilan ng tig-US$6,000 kada isa. Matindi naman kasi ang diumano ay ginawa ng apat na ito, na pinamumunuan daw ng isang Capt. Glenn Gonzales.
Mantakin ba namang sa dami ng pagdadalhan sa mga Koreano ay du’n pa mismo sa kanilang police station dinala at du’n din ginawa ang iligal na negosasyon. Sa opisina ng Station Anti-Illegal Drugs Unit ng MPD Station 3 ito nangyari, sa tungkil ng ilong ni Station 3 chief Col. James Afalla na, expectedly, ay nagde-deny na me alam siya sa nangyari. Talagang pambabastos sa uniporme, sa istasyon at maging sa kapwa mga pulis ang ginawa nila.
Take note pa. Not once, but twice ipinarada sa istasyon ang mga Koreano. Una ay nu’ng pagkatapos silang kidnapin ng mga ito at puwersahang isinakay sa van habang naglalakad papunta ng mall sa Ermita. Mula sa istasyon, pagkatapos takut-takutin na kakarguhan ng drug possession, isinakay sila ulit sa van at isinama sa hotel kung saan sinubukan muna ng mga suspek na utuin ang mga kasamahan ng Koreano.
Nu’ng walang naglabas ng pera sa mga Koreano sa hotel, ibinalik ang mga kinidnap sa istasyon at doon ay pinatawagan na sa mga ito ang kanilang kamag-anak sa Korea at pinag-deposito ng pera sa isang account bago ni-release isa-isa.
Nananawagan si Mayor Lim sa iba pa na pupuwedeng naging biktima din ng mga pulis na nakilala ng mga Koreano sa pamamagitan ng litrato sa kanilang mga personal data sheet.
This brings to mind a story I encountered nito lang January 30 or 31. Me hawig ang nangyari sa reklamo ng Hapon na si Sereiji Hiroshi, 66.
Naglalakad din siya papuntang Robinson’s Place sa Ermita nang puwersahan siyang isakay sa van ng mga armadong kalalakihan.
Ninakawan ito ng P80,000 na dalang cash at pagkatapos ay dinala naman sa may Mall of Asia sa Pasay City.
Pareho ang area na pinangyarihan, parehong banyaga ang biktima at pareho ng style na puwersahang isasakay sa van habang naglalakad habang tinututukan ng baril.
Mabuti na lang at nagtiyagang magreklamo ang mga Koreano at naisipang magpatulong sa kanilang embahada, ’di gaya nu’ng Hapon. Pinasibak ni Mayor Lim ’yung apat na loko at pinaha-hunting ngayon para papanagutin at ipabalik ang pera ng mga Koreano. Pinabuwag din niya lahat ng SAID sa mga presinto dahil sa insidente.
Diniskuwento din ng mga lokong pulis na maaaring matalas ang memorya ng mga Koreano na kahit turista lang ay nakuhang tandaan kung saan sila dinala at matagumpay naman nila itong naituro sa kanilang consul at mga kasamang imbestigador.
Ang tanong: Ilan na kayang turista ang nakaranas ng ganito pero ’di na nagreklamo dahil sa kakulangan ng panahon o takot? O, ’di ba? Isn’t it more fun in the Philippines?
***
LADLAD SA LAGUNA -- Congratulations kay Laguna Gov. Jeorge E.R. Ejercito Estregan. I heard from my good, old friend Vic Pambuan, now the public information officer in that province, that Ejercito is embarking on an innovative project -- ang pagtatayo ng samahan ng mga bading at tomboy sa Laguna.
Isang pangkalahatang samahan ng mga bading at tomboy ang kasalukuyang binubuo ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna para makatuwang ng gobyerno sa mga proyekto nito at para ma-address na rin ang mga pangangailangan ng sektor na ito na kabibilangan ng mga tinaguriang `third sex’.
Balak pala ni Gov. Ejercito na bigyan ng mahalagang papel ang grupo na tatawaging “LADLAD” kaya naman pina-mobilize na nito ang kanyang sectoral concerns office para humikayat sa mga bading at tomboy ng Laguna na sumali.
Maganda ang proyektong ito dahil sa totoo lang, madami sa ating mga kapatid na tibo at bading ang magaling pero ’di lang nabibigyan ng tamang oportunidad dahil may mga sangay pa din ang ating lipunan na ’di bukas ang isipan sa katotohanang napakadami na ngayong miyembro ng third sex.
Ewan ko lang si Pareng Vic Pambuan kung kelan maglaladlad. Jowk!
***
Beauty tip: For dandruff sufferers, avoid dyes on the scalp hair. The normal resident bacteria of the scalp which keeps away the yeasts will be destroyed by dyes and harsh shampoos. (Source: Dr. RosaryMay Canay-Diaz of the Le Californian Beau Medical Spa/410-8424/450-1388)
***
Jokjok (from Emmanuel Palafox of Bulacan, Bulacan) --Wife: Doctor, my husband talks in his sleep non-stop. What should I do? What’s the cure for it? What’s wrong with him? You’re his doctor. You should know./ Doctor: That’s easy. All you have to do is this -- “Give him an opportunity to speak when he’s awake!!!”
***
Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
or please text 0929-5953737.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 10

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 13
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more