Bakit walang nahuhuling pusher sa Pangasinan?


NAIS ko lang po iulat sa ating loyal readers ang mga pinaka-huling accomplishment ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Naka-ugalian ko na pong ibahagi sa inyo ang mga resulta ng pagsusumikap ng PDEA at ng Dangerous Drugs Board (DDB) para inyong malaman na hindi naa-aksaya sa amin ang taxpayers’ money!

Naghihimas na po ng malalamig na rehas ang 5th Most Wanted Drug Offender sa Misamis Oriental! Siya po si Aguilo Adobar alias “Payat”, 50 years old at tubong Cagayan de Oro.

Ang suspect ay nadakip ng mga operatiba ng PDEA matapos ang siyam na buwan na paghahanap. Siya ay itunuturing na isang big-time drug pusher sa nasabing probinsya kung kaya’t malaking tagumpay ang kanyang pagkakadakip.

Sinubukang arestuhin ng PDEA agents ang suspect sa isang buy-bust operation noong May 2011 subalit siya’y nakalusot. Nabawi ng PDEA sa nasabing operasyon ang 17 sachets ng shabu at nadakip din ang live-in partner ni Adobar.

Ang nabawing ebidenysa ang naging batayan para maglabas ang korte ng isang warrant of arrest na siyang nahantong sa manhunt. Nagbunga rin ang pagsusumikap ng PDEA nitong February 12!

Kung mapapatunayang nagkasala, habambuhay na pagkakakulong ang naghihintay sa notorious drug pusher ng Misamis Oriental! Congrats sa lahat ng miyembro ng PDEA Regional Office 10 sa pagkaka-bingwit nila sa isa pang salot ng ating lipunan!

****

Isang babae naman na tinaguriang “Bukidnon’s No. 2 Listed Drug Personality” at “No. 4 Drug Personality” din sa buong Region 10 ang nahuli sa kanyang tirahan sa Valencia City, Bukidnon.

Siya ay dinampot habang nagbebenta ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500 sa isang nagpanggap na buyer na operatiba ng PDEA nitong nakaraang Feb. 15.

Sa pagtutulungan ng PDEA 10 at Bukidnon Provincial Special Enforcement Team (BUK PSET), nabawasan ulit ng isang salot ang ating lipunan sa katauhan ng babaeng ito na sa halip pangalagaan ang kanyang pamilya ay naging abala sa pagkita ng masamang pera! 

Bukod dito, napag-alaman din na bago pa naganap ang “buy-bust”, humataw ito sa pagbenta ng 10 sachet ng shabu sa kanilang lugar! Malakas palang bumenta ang babaeng ito! Mabuti na lamang at matitigil na rin siya sa kanyang pande-demonyo!

****

Noon kasi, pag sinabing ‘babae,’ maiisip natin ay larawan ng isang huwaran na ilaw ng tahanan at matiyagang nag-aasikaso sa kanyang asawa at kumakalinga sa kanyang mga anak! Kung dalaga naman, naiisip naman natin ay isang mahinhin na kawangis ni Maria Clara!

Pero  mukhang malayo na talaga ang ating mga kababaihan ngayon kung ikukumpara noong unang panahon! Sabi nga, kung kayang gawin ng lalaki, bakit hindi ng babae???

Kaya’t tumataas na rin ang bilang ng kababaihan na nagiging “notorious” dahil sa negosyong droga! Isa pa ring babae ang nahuli sa Naguilian, La Union at sinasabing kasama rin sa “Target List of Drug Personalities” ng PDEA 1 at isa rin umanong myembro ng Calica Drug Group!

Kita n’yo? Big time na rin talaga ang mga kababaihan pagdating sa droga! Kung sabagay, marami na ring Pinay international drug courier na babae! Maging ang mga huling nahuhuli at binitay sa bansang Tsina, lamang din ang babae!

Ang mahalaga sa lahat, nababawasan ang puwersa ng sindikato sa tuwinang may mahuhuli sa kanilang miyembro! Ibig sabihin mapipigil din ang pagkalat ng droga sa kalsada at ang magiging biktima nito!

****

Mabuti pa sa ibang rehiyon, panay ang huli sa mga pushers! Araw-araw nababasa natin na sunod-sunod ang tiklo ng mga lintik na pakalat ng sindikato!

Bakit kaya sa aking probinsyang Pangasinan wala akong nababalitaan? Maliban dun sa Dagupan na tila involved ang isang barangay captain! Bakit ganun? Samantalang ang daming report na maraming nagkalat na droga sa aming probinsya!

Mas mailap kaya ang pushers sa Pangasinan? O sadyang patay-malisya at walang nakikita ang kapulisan sa aming probinsya? Abala pa rin kaya ang provincial director namin sa pataas nang pataas na koleksyon kaya hindi nakakahuli ng pusher???

****

Binabati ko ang newly-appointed na Deputy Executive Director for Operations (DEDO) ng Dangerous Drugs Board (DDB) na si Asec. Benjamin P. Reyes.

Nagsagawa ng isang maikling programa kahapon sa aming tanggapan para sa kanyang pagiging opisyal na miyembro ng DDB.  Welcome to the DDB Family, Doc Benjie!

(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ).



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 10

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 13
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC