Boxer Casimero, kinuyog na, nanakawan pa


OVER the weekend, I got the chance to talk to Sammy Gello-Ani, the promoter of Filipino boxing champ Johnriel Casimero, thanks to my good, mabait and debonair (ehem) friend, Arnold Clavio alias ‘Igan’ and ‘AAC’, whose partner Mike Enriquez guested both Gello-Ani and Casimero in their radio program.  By the way, warmest greetings too, to his amiable and groovy mommy, Madam Julieta Clavio of Tondo, Manila.

Casimero, for those who are still not aware, is that diminutive boxer who won over Luis Alberto Lazarte in a match held last February 11 in Mar del Plata, Buenos Aires, Argentina and which, sadly ended up in a brawl, when the home crowd refused to accept their compatriot’s defeat.

Matapos ipahinto ng referee ang fight dahil nga nakailang knockdown na si Lazarte sa kamao ni Casimero, umakyat sa tagiliran poste ng ring si Casimero nang nakataas ang mga braso gaya ng ginagawa ng ibang boksingerong nananalo, pero agad pala itong hinila ng mga kasamahan dahil nga napuna nilang mainit ang mga Argentine na manonood.

Seconds later, bottles of mineral water and chairs started flying into the ring na sinundan ng rumble.  Nakita naman natin sa mga naglabasang footage kung paano ilang beses tinangkang sapakin si Casimero pero palibhasa nga boksingero, magaling niyang naiwasan ang mga suntok and he was also effectively shielded by his team.

Sa kuwento ni Casimero mismo, mag-isa siyang nagtago sa ilalim ng ring sa gitna ng kaguluhan hanggang sa dumating ang mga otoridad.  Naging abala din ang kanyang team members sa pagsalag dahil maging sila ay pinag-initan din ng mga pikon. Maging mga pulis pala ay walang nagawa dahil pati sila ay nakatikim din.

Pupuwedeng bumuwelta sana si Casimero ng suntok at siguradong kahit isa sa mga kumag na Argentines ay may tutumba, pero as a professional boxer, ‘di niya ito ginawa dahil mga ordinaryong mamamayan daw `yung mga nagtangkang sumapak sa kanya.

Ang mas masakit,  according to Gello-Ani, eh ni hindi pala nagawang mai-announce ang pagkakapanalo ni Casimero over Lazarte -- nanalo siya via technical knockout during the 10th round of the 12-round match -- bilang bagong International Boxing Federation interim junior flyweight champion at lalo namang hindi naiabot dito ang kanyang championship belt. Kasi nga naunahan na ng riot.

In short, Casimero was practically robbed of his most glorious moment. Ninakaw sa kanya ang katangi-tanging pagkakataon para namnamin ang kanyang pagkapanalo -- ang marinig ang pag-announce ng kanyang pangalan, bago niyang titulo at pati na din ang pagbanggit ng bansa na kanyang kinakatawan.

Inialay pa naman niya ang kanyang laban sa kamamatay lamang na kapatid, bago siya tumulak patungong Argentina. How sad ’di ba?

Anyway, Gello-Ani told me na hanggang ngayon pala ay ‘di pa nila nakikita ni anino ng championship belt ni Casimero dahil hanggang sa umalis sila ng Argentina ay ‘di pa ito naibibigay pa sa kanila.  Ipadadala na lang daw dito sa Pilipinas at hinihintay nila ang pagdating nito sa March 7. Kaloka.

As I was talking to Gello-Ani, he and Casimero were scheduled to fly back to his hometown in Leyte para daluhan ang libing ng nakababata nitong kapatid. Kung minalas-malas pala si Casimero, who just turned 22, malamang na dalawa silang pinagbuburulan, kaya dapat papanagutin ang mga nagpasimuno ng riot, na ayon sa balita, karamihan ay lasing.  Kitang-kita naman sa footage kung sinu-sino ito kaya walang dahilan ang pamahalaan ng Argentina para ‘di ito aksiyunan.

Nung tanungin ko si Gello-Ani kung babalik sila ng Argentina in the future sakaling kailanganin ni Casimero na lumaban ulit doon, ang sagot niya ay ‘Never Again’.  Can you blame him?

Dapat magkaroon ng konkretong aksyon ang gobyerno sa nangyari dahil kung hindi, gaganyanin na lang ang mga Pinoy sa ibang bansa.  ‘Yung aksyon na totoo at ‘wag sana ‘yung puro lang hype.  In short, pa-pogi!

* * *

Beauty tip: Do not use anti-dandruff shampoos daily after the dandruff clears, as these are too harsh. Use no more than once or twice a week.  Moderate and severe types of dandruff are oily type; avoid oily and greasy applications in such cases. (Source: Dr. RosaryMay Canay-Diaz of the Le Californian Beau Medical Spa/410-8424/450-1388)

* * *

Jokjok (from Mat Sarmiento of Tarlac) -- Nurse sa mental: Uuyyy.. Mukhang magaling na pasyente ko ah. Pakanta-kanta na lang habang nakahiga! O teka, ba’t bigla kang dumapa?/ Pasyente: Eh kasi SIDE B na, tanga!

* * *

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. or please text 0929-5953737.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 12
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC