Sa wakas at isang Senador Aquilino “Koko” Pimentel lll ang nakapansin sa isang libong tambakan pa ng basura na bukas pa at makikita sa may isang libong lokal na pamahalaan at gumawa siya ng isang resolusyon o Senate Resolution 702 na nag-aatas sa mga komite ng Senado sa kalusugan, demograpiya, lokal na pamahalaan at iba pang kinauukulang komite na magsagawa ng imbestigasyon sa hindi pa isinasarang mga tambakan ng basura sa buong bansa.
Nabagabag si Sen. Koko Pimentel dahil alam niyang ang taong 2012 ay tinawag na “wet season” o magiging maulan sa kabuuan ng taon. Ilang ulit kong binanggit sa kolum ko na mismong ang PAGASA ang nagsabing katulad noong 2011 na halos isang buwan lang ang naging panahon ng tag-araw, mangyayari muli ito sa 2012.
Kaya marahil nag-aalala si Pimentel na malaking dagdag na pinsala sa kapaligiran at sa Inang Kalikasan sa kabuuan, ang “wet season”, dahil kadalasang matatagpuan ang mga tambakan ng basura sa mga tabing-ilog, kabundukan, tabing-dagat, o kaya’y sa gitna ng isang residential area o komunidad ng mga tao.
Natatandaan kong ang ama ni Sen. Koko na si Sen. Nene Pimentel ang Senate President ng Senado nang maging batas ang RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Nilagdaan ito ni dating Pangulong Arroyo noong Enero 2001. Kaya mainam talagang pagbalik-aralan ni Sen. Koko ang batas na ito.
Iminumungkahi ko na hindi lang sana pag-aralan at paimbestigahan lang ang naturang batas kundi susugan o amyendahan na rin ang labing-isang taong gulang na batas na marami ring butas at nagiging kasangkapan ng iilang masisiba sa gawaing korapsyon o katiwalian. Naging palasak na ang salitang “may pera sa basura.” Ito’y hindi dahil naipagbibili ang mga non-biodegrable o mga ‘di nabubulok na tira-tirang bagay na tinatawag ngayong “kalakal” kundi dahil milyon at bilyon ang kinikita ngayon sa pagpapanatili ng mga open at controlled dumpsites na binigyan lang ng ibang pangalan. ‘Ika nga’y pinalitan lang ang make-up o pinalitan lang ang katatula ng palabas sa sinehan pero patuloy pa ring dumarai ang daga sa loob ng sinehan.
Ayon sa RA 9003, ang mga open dumpsites ay dapat nang isinara noon pa mang 2004 at ang controlled dumpsites ay dapat isinara noon pang 2006. Kaya iligal na ang pananatili ng mga tambakan ng basura saanmang lugar sa bansa.
Kung sa loob lang ng isang araw ay na-impeach si Chief Justice Corona, sana ay gayon din kabilis ang pagpapatupad ng mga batas pang-kalikasan!
Libo-libong mamamayang Pilipino ngayon ang laging kinakabahan sa sunod-sunod na kalamidad na ngayo’y tinatawag nang delubyo nang marami dahil libong Pilipino na ang namatay sa mga landslides, mudslides, matinding baha, lindol at marami pang kalamidad.
Hindi mapipigilan ng mga talumpati sa Senado ang mga darating pang kalamidad.
Ang nagaganap na mga kalamidad ay hindi biro. Hindi ito uso-uso lang na puwedeng ipanghingi ng pondo sa ibang bansa upang may magamit kuno sa mitigation o pagpigil sa mga darating pang sakuna. Kung maniniwala ako sa isang matagal nang aktibista, ito raw ay upheaval of nature. Ito na nga naman ang resulta nang matagal nang pagwalanghiya ng iilang ganid na tao sa ating Inang Kalikasan.
Panahon nang susugan ang RA 9003 na sinimulan na rin sa Senado ngunit wala na ring nangyari pagkaraan ng ilang pagdinig sa hindi ko malamang mga dahilan. Sana’y mabuhay muli ito ni Koko Pimentel at matuloy ang pagdinig hinggil sa amendments ng RA 9003.
May napansin lang ako sa mga ulat hinggil sa resolusyon ni Pimentel. Hindi dapat alisin ang salitang ecological sa solid waste management. Kapag inalis ito, papasok lahat ang mga tindero, maglalako ng mga iba’t ibang “teknolohiya” sa waste management na lalong makasisira ng ating kalusugan, lupa, hangin, at tubig, kabundukan, kagubatan at karagatan. (
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
)
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 11
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more