DMF ni Sen. Villar, dapat lang


NAKALULUNGKOT isipin na marami tayong kababayan sa labas ng bansa ang nasa kulungan, nagtatago dahil illegal workers o inaabuso ng kani-kanilang mga amo.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon natin ng embahada o konsulado sa maraming parte ng mundo.

Nandiyan din ang mga taga-Department of Foreign Affairs, Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration.

Kaya naman maraming natuwa kay Senador Manuel Villar Jr. sa pagsusulong niya ng paglikha ng hiwalay na Department for Migrant Filipinos (DMF).

Layunin ni Villar na matugunan nang husto ang mga pangangailangan ng mga kababayan nating nagtatrabaho at nakatira sa ibang bansa.

Sinabi ni Villar na importanteng magkaroon tayo ng DMF dahil sa malaking bilang ng mga kababayan natin sa labas ng bansa.

Ito ay para magkaroon ng isang  namamahalang departamento sa mga overseas workers natin sa ibat-ibang parte ng mundo.

Ito rin ang magiging daan para matutukan nang husto ng pamahalaan ang mga problemang kinakaharap ng mga migranteng Pinoy.

Kung may DMF hindi na kailangang makipag-coordinate pa ang mga opisyal nito sa ibang ahensiya ng gobyerno para mabilis na maaksiyunan ang  problema ng ating migrant workers.

Kaya naman marami ang naniniwala at umaasa  na sa pamamagitan nang pagtatatag ng DMF ay  mawawakasan na ang pagtuturuan kapag nagkaroon ng repatriation at evacuation ng mga migranteng Pinoy.

Madalas kasi sa hindi, nalilito ang mga kawawang kamag-anak ng mga kababayan nating nasa ibang bansa kung kanino hihingi ng tulong sa panahon na may krisis sa mga bansang pinagtatrabahuhan nila.

***

Taun-taon na lang ay sumasakit ang ulo ng mga magulang at estudyante pagdating ng mga buwan ng Marso at Abril.

Ito kasi ang panahon ng graduation ng mga batang nag-aaral sa elementary, high school at kolehiyo.

Tuwing darating ang mga buwan na ito ay kaawa-awa ang mga magulang na may mga anak na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Kung minsan kasi ang mga titser at punong-guro ay nanghihingi ng kung anu-anong bayarin para sa graduation.

Madalas, napipilitang umutang sa mga usurero ang mga magulang dahil ayaw naman nilang mapahiya at mag-mukhang kawawa ang kanilang mga anak.

Kaya nga dapat paalalahanan na ng mga otoridad ang mga school officials na bawal sa mga pampublikong paaralan ang mga marangyang graduation, at bawal rin ang mangulekta ng graduation fees sa mga magtatapos.

Huwag kalimutan ng mga guro at school administrators na galing sa mga pobreng pamilya ang mga nag-aaral sa public schools.

Kailangang parusahan ng gobyerno ang mga mahuhuling lumalabag sa policy na ito ng DepEd.

Tigilan ang paggamit sa mga PTA para magkaroon ng mga bonggang pagtatapos.

Sinabi nga ng mga otoridad na iwasang idaos sa labas ng paaralan ang mga graduation.

Huwag nating pahirapan ang mga magulang dahil sa totoo lang, sobrang hirap ng buhay ngayon ang nararamdaman ng maraming tao sa mundo, lalo na dito sa ating bansa.

Hayaan nating ilaan na lang  ang perang matitipid nila sa ibang mas mahalagang bagay kaysa sa mga marangyang pagtatapos

MGA REKLAMO AT REAKSIYON

Wala na talaga sa wastong katinuan si P-Noy. Akalain mong hikayatin ang taumbayan na mag-People Power vs. Corona. Nasaan ang katinuan mo P-Noy? -- L. MANALANG ng Laguna.

Anong klaseng Pangulo mayroon ang Pinas na siya pang nananawagan ng people power laban kay Corona? -- RIC CABUSAO ng Manila.

Hindi ba alam ni P-Noy na nawawalan ng kredibilidad ang impeachmen proceedings sa Senado dahil sa malimit niyang pagbatikos kay Corona? Naiimpluwensiyahan na niya ang mga senador. Sabi niya wala daw personalan, pero taliwas ito sa kinikilos at gawa niya. Hindi kaya Hacienda Luisita ang tunay na dahilan? -- ED SOTTO ng QC.

Dapat bitay rin ang maging hatol sa mga dayuhan na mahuhulihan ng iligal na droga para patas -- BEN MENDEZ ng Bulacan.

Salamat sa text nina JOVEN NATIVIDAD ng Bulacan, ELMER SANTIAGO ng Pangasinan, BENNY EDRALIN ng Sampaloc, Manila, EDWIN GARCIA ng Pasig, MARIBEL HOLGADO ng Muntinlupa, ALICE FUENTES ng Marikina, GERRIE PAGASPAS ng San Juan, ARTHUR DIEGO ng Malolos, Bulacan; TERE MANALO ng QC, GINA P. ng Bataan, LEONOR GO ng Manila at CHEENA MAHAL ng Century Park, Manila.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag  o mag-text sa #0917-9462777/email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 11
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC