Power struggle sa Coronavela


NANGANAK na nang husto ang mga kwento sa Coronavela.

Kung baga sa tunay na kuwento ng telenovela, iba’t ibang kabanata na ang nasusubaybayan natin ngayon.

Nu’ng una ay mga tanong kung dapat bang ipa-subpoena o hindi ang mga peso at savings dollar account ni Chief Justice Renato Corona. Na-subpoena ito pero peso savings account lamang ang pinabuksan dahil naglabas ng TRO (Temporary Restraining Order) ang Supreme Court na sinunod naman ng Senado bilang impeachment court.

Nanaig ang depensa sa tagpong ito dahil hindi na nahubaran nang husto ang sinasabing $700,000 mula sa limang dollar account ni Corona sa PS Bank, bagaman nabuko naman na may P36 million savings account  si Corona, hamak na malaki kumpara sa idineklara sa SALN ni CJ noong taong  2010 na P3.5 million.

Kaya nga pati time deposit ay nabulatlat na rin sa Senado kung saan ay isa sa account nito ang isinara noon mismong araw na aprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang impeachment case laban kay Corona.

Sumunod na eksena, sabi ng depensa, hindi raw puwedeng kilalanin ng impeachment court ang mga isinumiteng bank records kasi peke para gawing batayan.

Halos isang buong linggo noon nakaraan, dito umikot ang eksena sa Coronavela. Pati na si little lady na naging si ‘tinker bell’ ay napag-usapan sa tinaguriang ‘trial of the decade.’

Pati CCTV ng Senado ay nabulatlat para lamang i-trace kung talaga bang may little lady na nag-abot kay Misamis Oriental Rep. Reynaldo Umali.

Sa madaling sabi, nalihis na ang tunay na isyu -- kung nagdeklara ba talaga ng tama si Corona o hindi sa kanyang SALN?

Noong nakaraang linggo, ipinangako sa press conference sa Club Filipino ng mga abogado ni Corona na ilalabas nila sa ‘takdang panahon’ ang mga bank statements ni CJ.

Pero isang linggo na halos ang nakalipas, hindi pa rin nangyayari ang mala-Aiza Seguerra version nila na ‘Pagdating ng Panahon,” dahil Day 20 na ng trial,  wala pang ipriniprisinta ang grupo ni defense lawyer Justice Serafin Cuevas.

Hindi sa kinakampihan ko ang Pangulong Noynoy Aquino. Pero kahit hindi presidente ng Pilipinas ang nagsasalita, karamihan sa mga simpleng tao ngayon  mayaman o mahirap man ay naiinip na kung kailan ba talaga ilalabas ang bank account ni Corona?

Tulad nila, isa rin tayo sa umaasa na tutuparin ni CJ Corona ang pangako nito sa mga nauna niyang talumpati na para sa katotohanan, wala siyang mga tagong yaman, wala siyang kasalanan sa taumbayan at kung may makita man ang kahit sino na mga ari-arian na wala sa kanyang SALN ay: “Inyo Na!”

Bakit nga ba kuya?

Ano ba talaga ang dahilan at kailangang ibitin pa ang madlang people sa pagharap ng katotohanan patungkol sa mga bank statements?

Ano ba talaga ang mas mahalaga? Ang malaman kung sino ang nagbigay ng ‘leakage’ sa mga bank statements o  malaman ang laman ng bangko ni Corona na magbibigay linaw kung nasa SALN ito o wala?

Lilinawin ko lang po sa ating mga mambabasa. Hindi tayo anti-Corona. Pero isa lamang tayo sa milyun-milyong Filipino na naniniwala na kung talagang wala tayong itinatagong masama, hindi na natin kailangan patagalin ito.

Kung puwede nga, alang-alang sa ikalilinis ng pangalan ni Corona, ay siya na mismo ang magbukas nito sa impeachment court para mapahiya nang husto ang Aquino administration. Isa pa, naliligalig na ang bansa dahil lamang sa isyung ito. Marami pang mabibigat na problema ang Pinas na dapat pagkaabalahan ng ating pamahalaan -- mula ehekutibo, lehislatibo at hudikatura.

Isa pa sa naging tampok sa Coronavela ay ang pagiging bias daw nina Senate Minority Leader Alan Cayetano, Senators TG Guingona, Serge Osmeña, Kiko Pangilinan at Franklin Drilon. Halata raw nagiging abogado na ang mga nabanggit na senator-judge sa hanay ng prosekusyon.

Pero sina Senator-Judge Miriam Defensor Santiago at Senator-JudgeJoker Arroyo? Hindi ba na halata rin namang kinakampihan nito ang defense team?

Si Senator Santiago nga, pumapasok lamang sa trial para pagalitan nang todo-todo si lead prosecutor Neil Tupas at pagkatapos tumaas ang presyon ng dugo, biglang-bigla itong mawawala sa trial.

Sabi tuloy ng ilang nagdaramdam na kongresista, hindi naman prosekusyon ang nililitis sa impeachment trial, bakit sila ang pinag-iinitan ni Santiago. Ano ba naman kung mali at palpak ang inihaharap nilang ebidensiya o estratehiya?

Problema na ng prosecution dahil kung talagang mali at palpak sila, tiyak butata ang aabutin nila sakaling ma-aquit si Corona.

Samantala, pinag-uusapan na rin ngayon kung sinu-sino ba talaga ang boboto pabor o hindi kay Corona para ma-convict o ma-acquit ito.

Partikular sa tinututukan ngayon ay ang mga administration senators na sina Chiz Escudero at Ralph Recto. Marami kasi ang nagulat kung bakit bumoto ang dalawang magiting na senator-judge para sundin ang TRO ng Korte Suprema na ’wag pabuksan ang dollar account ni Corona.

Alam ng lahat na nanalo si Recto sa tiket ng Pangulong Aquino kahit na hindi ito lehitimong miyembro ng Liberal Party. Si Chiz naman ang sinasabing nasa likod kung bakit nanalo ang Noy-Bi noong 2010 presidential elections. Alam din ng lahat na malapit, magkadikit at magkumpare sina Chiz at Pangulong Aquino bukod pa sa bahagi si Escudero sa tinatawag na ‘Samar faction’ sa Malakanyang, habang sina Drilon naman ang nasa ‘Balay group.’

Siyempre, nirerespeto natin ang bawat desiyon ng sinumang senator-judge dahil maipapakita rito ang kanilang kredibilidad na sa proseso ng impeachment, wala munang kaibigan, kaalyado, kumpare o kapartido. Ang importante siyempre ay ang matibay na ebidensiyang ihaharap sa korte kung karapat-dapat bang hatulan ng guilty si Corona o hindi.

Kaya lang, kagulat-gulat ang boto ng dalawang senador dahil ang usapin ay ang pagbubukas ng foreign bank accounts na maglalantad sana sa katotohanan.

Si Recto ay isang Batangueño na katulad ni Corona, samantalang si Chiz naman ay kaibigan ni Vice-President Jejomar Binay na kilalang malapit na kaibigan din ni dating Senador Kit Tatad.

Si Tatad nga pala ang nagbunyag diumano na aabot sa P100 million ang ‘bilihan’ ngayon kada isang senador bumoto lamang sila na huwag pabuksan ang dollar account o hindi ni Corona.

Sa kabilang banda, tinutukan din lalo ang boto ni Escudero kasi dahil sa pagiging malapit nito kay Binay, hindi maiwasang pagdudahan na ‘pro-Corona’ ang ating boy scout na Bise-Presidente.

Kasi, may ‘election protest’ po ngayon ang katunggali ni Binay na si dating senader at ngayo’y Transportation Sec. Mar Roxas.

Diumano, kaibigan ni Roxas si Justice Antonio Carpio na sinasabing magiging kapalit ni Corona sakaling ma-impeach ito sa puwesto. At pang-iintriga pa ng iba, nag-aalala raw si Binay na makapuwesto si Carpio kasi baka mabigyang desisyon kaagad ang election protest ni Roxas ng SC.

Si Chiz ay kaibigang matalik din ni Executive Secretary Jojo Ochoa na ka-brod naman ni CJ Corona sa Uthopia fraternity. Si Ochoa ang itinuturo umano ni Tatad na kumausap sa ilang senador para alukin ng P100 million, bagay na itinanggi na ni Sir JAO.

Samantala, may nakaamba naman na malawakang ‘evangelical rally’ sa iba’t ibang bayan at lugar ang nirerespeto nating Iglesia ni Cristo sa Pebrero 28. Ayon kay Ka Jhun Juanta ng INC, ‘Grand Evangelical Mission’ o taon ng puspusang pagpapalaganap ng evanghelyo at hindi ito pro-Corona rally.

Habang parami nang parami ang tagpo sa Coronavela, palalim nang palalim naman ang sugat na namamagitan kay Pangulong Aquino at sa INC ni Ka Eduardo Manalo.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 11
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC