MALUGOD po namin kayong inaanyayahang dumalo at mapagpala sa EMI Parenting Seminar sa February 22-23, Miyerkules at Huwebes sa oras na ika-7 ng gabi sa EMI Center – NLEX Valenzuela Exit, Paso de Blas, Valenzuela City. Tumawag o mag-text sa 0922-8620829.
WALANG paligoy-ligoy tuwirang sinagot ni Jesus ang tanong sa kaniya ng isang eksperto sa Kautusan, “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” [Mateo 22:36] At sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos.” [Mateo 22:37-38] Ayon mismo sa ating Panginoong Jesus ang pinakamahalagang utos ay ibigin ang Diyos. Ang tao ang pinakamataas na uri sa lahat ng nilikha ng Diyos. Ayon sa Biblia, ang tao’y nilikha ayon sa wangis ng Diyos [Gen. 1:26]. Ang tao’y nilikha mababa lamang nang kauti kaysa Diyos. Ang wika ng Salmista, “Ano ang tao upang siya’y iyong alalahanin? At ang anak ng tao upang siya’y iyong kalingain? Gayunma’y ginawa mo siyang mababa lamang nang kaunti kaysa Diyos [Elohim], at pinutungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.” [Mga Awit 8:4-5] Nilikha ng Diyos ang tao para sa Kanya. Ang tamang tugon dito’y mahalin ang Diyos. Ngunit ng pumasok ang kasalanan, ang kakayahan ng tao na tumugon sa pagkakalikha sa kanya’y nasira.
Sinira ng kasalanan ang kakayahan ng tao na tumugon ng tama sa pagkakalikha sa kanya. Ang tao’y nilikha para ibigin ang Diyos ngunit dahil sa kasalanan ito’y napalitan ng pag-ibig sa sarili. Kung kaya’t ang naging tugon ng tao’y ibigin ang sarili sa halip na ibigin ang Diyos. Ang ideya na ito ay ating maririnig maging sa awit ng mundo. “Because the greatest love of all is happening to me…I found the greatest love of all inside of me…The greatest love of all is easy to achieve… Learning to love yourself… It is the greatest love of all” Sa bagsak na kalagayan ng taong hiwalay sa Diyos ang pinakadakilang bagay na maaari niyang gawin ay ang ibigin ang sarili – at wala nang iba pa.
Kung ang pinakamahalagang utos ay ang ibigin ang Diyos - Paano natin Siya maiibig sa ating bagsak na kalagayan bilang makasalanan? Sa ganitong kalagayan wala tayong kakayahan ibigin ang Diyos. Hindi nga natin maaaring hanapin at matagpuan ang Diyos sa ganitong kalagayan – lalo pa ang Siya’y mahalin. Ang kakayahang ito’y hindi maaaring magawa ng taong makasalanan.
Kung kaya’t ang pinakamalaking mensahe ng Biblia ay ang Diyos ay nagkatawang-tao bumaba dito sa lupa upang tayo’y hanapin at iligtas. Hindi tayo ang humanap sa Diyos. Ang wika ni Apostol Pablo, “Ayon sa nasusulat: ‘Walang matuwid, wala kahit isa; Walang nakauunawa, walang humahanap sa Diyos.’” [Roma 3:10-11] At wika mismo ng Panginoong Jesus patungkol sa Kanyang sarili, “Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.” [Lucas 19:10]
Ang sabi sa Juan 3:16, “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ang Bugtong na Anak ng Diyos na kasama ng Diyos mula pa sa walang hanggang nakaraan [Juan 1:1] ay nagkatawang-tao [Juan 1:14]. Bakit kailangan Niyang magkatawang-tao? Hindi ba tayo kayang iligtas ng Diyos nang hindi siya nagkakatawang-tao? Ang sagot ay hindi. Hindi maaaring labagin ng Diyos ang tuntunin na Siya rin ang may akda. Ang sabi ng Diyos sa Kanyang Salita, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” [Roma 6:23] Upang mabayaran ang ating kasalanan kailangan ng kamatayan. Kung hindi siya mamamatay para sa atin tayo ang mamamatay para sa ating mga kasalanan. Ito’y kamatayang pisikal, espirituwal at walang hanggang kahatulan [Hebreo 9:27].
Narito ang Mabuting Balita – Si Jesus ay namatay para sa ating mga kasalanan! “Si Cristo’y namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat—ang walang kasalanan para sa mga makasalanan—upang iharap kayo sa Diyos.” [1 Ped. 3:18] Kailangan Niyang magkatawang-tao para mamatay ngunit kailangan din Niyang maging Diyos upang ang kanyang kamatayan ay magkarooon ng walang hanggang halaga para sa katubusan ng lahat ng mga makasalanan.
Ang pinakamahalagang utos ay ang ibigin ang Diyos – Ito’y hindi maaaring magawa ng sinuman hangga’t hindi niya tinatanggap ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ang wika ni Apostol Juan, “Tayo’y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.” [1 Juan 4:19] Ang kakayahang ibigin ang Diyos at tumugon sa layunin ng pagkakalikha sa atin ay magsisimula lamang sa pagpasok ng pag-ibig ng Diyos sa ating puso sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Tanggapin mo ang pag-ibig ng Diyos – at dito magsisimulang masunod mo ang pinakamahalagang utos – ito ay ang ibigin ang Diyos.
Kung nais mo tanggapin ng Panginoong Jesus sa iyong puso basahin mo ang panalangin na ito at ariing isang personal na panalangin. “Panginoon Jesus, ako po ay makasalanan. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at tinatanggap kita sa aking puso bilang Panginoon at sariling Tagapagligtas. Sa pangalan ni Jesus, amen”
ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8620829. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 11
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more