Comm. Ruffy dapat mag-ingat sa mga ‘paikot’ at ‘palundag’


BAGO ang lahat, isa munang mainit at umuusok (kahit one-day late) na pagbati ng kaarawan kay kaibigan, kapatid at kasamang Benny Antiporda sa kanyang kaarawan kahapon.

Sa kabila ng mga pagsubok, harinawang patuloy kang manatiling matatag dahil napakaraming tao ang umaasa sa iyong tulong at agapay.

As NPC lifetime member and respected columnist and editor Cipriano ‘Cip’ Roxas puts it, you are ‘Benny of Perpetual Help’ in the ranks of the Philippine media and the downtrodden in our society and which is why you should always take care of yourself. Mabuhay ka, brod!

Congratulations na rin at good luck kay 202nd Brigade chief, Col. Leo Baladad, sa kanyang paglipat at promosyon sa Bicol region bilang assistant division commander (ADC) ng 9th Infantry Division.

Paumanhin sa hindi ko pagdating sa turnover of command noong Martes pero, “nakauna” naman ako noong Linggo, Tita Bel Desolo ng Abante, sa simpleng ‘farewell dinner’ na ibinigay ni Col. Leo sa kanyang command staff kasama ang kanyang mistah at bagong 202nd Brigade chief, Col. Ivan Samarista.

Malaki ang naging kontribusyon ng liderato ni Col. Leo sa peace and order situation sa Calabarzon. Sa kanyang angkin na talino at galing, marami ang naniniwala na malaki rin ang kanyang magiging kontribusyon sa peace and order situation sa Bicol na balwarte pa rin ng mga rebeldeng komunista.

“Kapado” na rin naman ni Col. Ivan ang sitwasyon sa AOR ng brigada kaya alam kong hindi nagkamali si P-Noy sa pagtalaga sa kanya bilang kapalit ni Col. Leo.

‘Yun nga lang, Calabarzon DRDA Abner Dimabuyo, tila agad “minalas” itong mistah ninyo ni RD James Melad dahil kahapon, “mis-encounter” agad ang pasalubong sa kanya sa insidenteng kinasangkutan ng tropa ng Special Forces Coy d’yan sa erya ng  Magdalena, Laguna?

Mantakin mo nga naman, PNP-NOC chief, Chief Supt. Mel Mabilin, just two days into his job and your mistah is already in a very difficult-to-explain situation, tsk,tsk!

Dalawa ang patay at dalawa ang sugatan sa mga “armadong” grupo ng kalalakihan na “nakasagupa” ng mga sundalo na armado lang naman pala ng mga ripleng “de bomba” (air rifle)!

Eh, dapat talagang mabusisi nang husto ang nasabing insidente, mabigyang ayuda ang mga biktima at kung may nagkasala, parusahan.

Wala pang maibigay na pangalan ng mga biktima ang militar at kahit si Laguna PD Gilbert Cruz ay nagsabing “under investigation” pa ang pangyayari.

At kung “minamalas” ang pag-uusapan, kasama ako sa minamalas, CHED chairman, Emmanuel Angeles, matapos MANAKAW sa LOOB ng campus ng Malayan College, “sister school” ng Mapua d’yan sa Cabuyao, Laguna, ang pambayad sa tuition fee ng anak kong dalaga noong Miyerkules.

Ang masakit, nang magsumbong siya sa nakatokang security guard, aba’y siya pa ang pinagalitan ng hunghang, ehek, ng kumag!

Teka, mga bosing, hindi ba dapat kami ang magalit dahil kasama sa binabayaran naming mga magulang sa commercialized education ng Malayan/Mapua ang paniwala na “secured” ang pasilidad nito sa mga mandurugas at mga magnanakaw?

At kahit nangako ang eskwelahan na “iimbestigahan” ang insidente, suntok na marahil sa buwan ang resulta nito. In short, “susuka” na naman kami ng panibagong kuwarta para naman hindi “ipitin” ng Malayan/Mapua ang anak ko pagdating ng kanyang examination. Hay, buhay!

* * * *

Hindi dapat makinig si BOC Comm. Ruffy Biazon sa lahat ng sumbong at intriga na natatanggap niya partikular ‘yung mga laban sa kanyang mga binitbit, ehek, mga piniling tauhan, upang tulungan siya sa napakabigat na responsibilidad na nakapatong ngayon sa kanyang mga balikat.

Dapat maging “aware” si Comm. Ruffy na may “gumugulong” na programa ngayon ang mga tulisan niyang “subordinates” sa loob at labas ng OCCOM, upang “hatiin” ang pagkakaisa nila ng kanyang mga pinagtitiwalaan.

Ang grupong ito, sabihin pa, ay wala namang “loyalty” sa kanya at kahit pa nga kay P-Noy dahil hindi naman nila “utang na loob” sa kanya at kay P-Noy ang kanilang mga puwesto ngayon sa BOC, kaya ayos lang sa kanila na maghabi ng mga intriga.

Sa nalaman ko, dalawang abugado na sa tanggapan ni Comm. Ruffy ang “nasipa” dahil sa mga bintang ng pagliko sa tuwid na landas na gusto niyang tahakin nilang lahat.

May katotohanan man o wala ang mga bintang na ito, ang malinaw ay nagsisimula ng “lumundag” si Comm. Ruffy sa mga banat laban sa kanyang mga piniling tauhan.

Nagsisimula nang maagaw ang kanyang atensyon ng mga intrigero at intrigera.

At kung patuloy na maniniwala si Comm. Ruffy sa mga “bulong brigade” sa kanyang paligid, baka dumating ang araw na mag-isa na lang siya at ang mga bagong “pinagtitiwalaan” niyang tauhan ay ang mga tahiran at tulisang opisyales ng ahensiya, isang senaryo na siyang “objective” ng isinisiwalat ko ngayon.

‘Yun bang...gusto nilang “mapaikot” ng husto si Comm. Ruffy dahil nga kahit mabilis ang kanyang “learning curve” sa kanyang higit apat na buwan sa puwesto, “bagito” pa rin siyang masasabi pagdating sa mga katarantaduhan at raket sa Aduana ang pag-uusapan.

Marami pa siyang dapat malaman at siyempre, ayaw nilang dumating pa ang araw na mabisto na niyang lahat ang mga tagong paraan ng paggawa ng kuwarta d’yan sa pantalan.

Ang mga pamamaraan kasing ito ang siyang dahilan kung bakit maraming empleyado at opisyal sa BOC, mga “secret millionaires” lahat!

Mangyayari lang siyempre ang planong “pagkontrol” kay Comm. Ruffy ng mga “cobra” at “buwaya” d’yan sa BOC kung “magigiba” nilang lahat ang kredibilidad ng kanyang mga pinagtitiwalaan. Ganyan kasimple ang “plano” nila, Comm. Ruffy.

At isa sa ‘target’ ngayon ng intriga at “demolition job” ay sina Atty. Jett delos Santos at si kaibigang ‘Glenda,’ na bahagi ng “trusted circle” ni Comm. Ruffy at pareho niyang “loyalista.”

What can I say except, malaking “kabobohan” sa panig ni Comm. Ruffy kung kahit ang dalawang ito, papayagan niyang mawala sa kanyang tabi at palitan ng kung sino-sino na lang.

Mas lalo kasi siyang magiging “kawawa,” sa toto lang!

(For reaction, text at 09274711475 or email at This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ).



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 11
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC