Kgg. Na Atty. Acosta,
Mapagpalang araw po sa inyo. Nais ko po humingi ng payong legal hinggil sa child abuse. Mayroon po kasi akong 14-year-old na pamangkin na babae na pinayagan ng kanyang ina na makipagrelasyon sa isang 21-year-old na lalaki. Pinapayagan po siyang matulog sa bahay ng lalaki at okay lang din po sa kanyang ina na nakikipagtalik ang aking pamangkin sa kanyang kasintahan. Ang katwiran ng ina ay wala naman na silang magagawa dahil nagkakagustuhan ang lalaki at ang kanilang anak. Nais ko po sanang malaman kung may pananagutan ba sa batas ang mga magulang niya at kung ano ang maaari kong gawin tungkol dito?
Lubos na gumagalang,
Tristan
Dear Tristan,
Ang sitwasyon po ng inyong pamangkin ay sakop ng Republic Act No. 7610 o Child Abuse Law kung saan pinaparusahan ang mga tao na responsable sa mga kondisyon na makasasama sa normal na pag-unlad ng bata:
“Section 10. Other Acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child’s Development.
(a) Any person who shall commit any other acts of child abuse, cruelty or exploitation or to be responsible for other conditions prejudicial to the child’s development including those covered by Article 59 of Presidential Decree No. 603, as amended, but not covered by the Revised Penal Code, as amended, shall suffer the penalty of prision mayor in its minimum period.”
Ang normal na pag-unlad ng bata ay mas malinaw na tinalakay sa A.M. NO. 004-07-SC kung saan nakasaad na:
“(h) ‘Developmental level’ refers to the specific growth phase in which most individuals are expected to behave and function in relation to the advancement of their physical, socio-emotional, cognitive, and moral abilities.”
Ang pagpayag ng mga magulang ng inyong 14-year-old na pamangkin na siya ay ma-engage at makipagtalik sa kanyang 21-year-old na kasintahan ay nakakasama sa normal na pag-unlad ng nasabing bata. Dahil dito, maaaring may pananagutan ang kanyang mga magulang sa ilalim ng nasabing batas.
Tungkol naman po sa maaari ninyong gawin, kayo po ay maaaring magsampa ng kaso sa hukuman laban sa mga magulang ng bata. Ito ay nakasaad din sa nabanggit na batas:
“Section 27. Who May File a Complaint. – Complaints on cases of unlawful acts committed against the children as enumerated herein may be filed by the following:
(a) Offended party;
(b) Parents or guardians;
(c) Ascendant or collateral relative within the third degree of consanguinity;
(d) Officer, social worker or representative of a licensed child-caring institution;
(e) Officer or social worker of the Department of Social Welfare and Development;
(f) Barangay chairman; or
(g) At least three (3) concerned responsible citizens where the violation occurred.”
Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong katanungan.
Ang inyo pong lingkod-bayan,
PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan
Paunawa:
Manood ng “Public Atorni” araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 4:30 ng hapon sa TV5.
Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m.mula Lunes hanggang Biyernes. Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.
Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 11
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more