SA mga tunay na negosyante, ang kanilang sandata para mag-bid sa government projects ay ang kakayahan at competitive na presyo at produkto. At para sa kanila kung patas ang laban, maluwag sa dibdib na tatanggapin kung matalo kasi marami pa namang pagkakataon na pwedeng uling subukan. You win some, you lose some, ika nga.
Pero ayon sa nakakarating sa ating impormasyon, hindi lahat ng bidders ay ganito ang attitude o paningin sa government procurement projects.
Nababalitaan ko kasi na may ilang bidders na tila sindikato kung gumalaw at organisado sa pagpupumilit na makasungkit ng kontrata sa gobyerno sa kahit anong paraan.
Paano sila umatake? Kung hindi sila ang nanalo sa maayos na bidding, hindi doon natatapos ang kwento. Doon pa lang sila magsisimula ng panggugulo sa pamamagitan ng pananakot at pagsasampa ng asunto dahil kesyo dinaya sila at hindi naging parehas ang proseso.
Dalawang klase ang nagsasampa ng kaso sa mga korte o sa Ombudsman. Yun talagang may sapat na ebidensiya upang makatayo ang kaso sa korte o yung nagpaparatang lang sa pinag-initang biktima. Para lang nangingisda at bahala na kung sino ang mahagip ng lambat o mabingwit ng pain. Fishing expedition baga.
May espasyo kapag eskandalo
Sa kabilang dako, dalawang klase din ang nag-aakusa. Yung talagang hustisya at pagtutuwid ang layunin. Subalit meron ding gusto lang mang-harass o magsasampa ng asunto upang palambutin ang isang kawani o official ng gobyerno na ayaw makipagsabwatan sa modus operandi ng sindikato.
Ayan tuloy, nagmimistulang law firm ang tanggapan ng ilang tiwaling bidders na ito sa dami ng abogadong tagapagsampa ng kaliwa’t kanang kaso sa piskalya. Suki na talaga silang matatawag.
At hindi ito simpleng harassment. May kasabay pa itong demolition job sa media para palabasin na inapi sila at biktima ng katiwalian.
Paano kung sinakyan pa ito ng media na tila laging may espasyo para sa eskandalo kahit hindi pa naman nila nakukuha ang side ng inaakusahang partido? Yari si opisyal o kawani! Suspendido, walang sweldo at nalilito kung tama ba siya sa desisyong ipaglaban ang tama.
Nakakalungkot ang ganitong sitwasyon sa isang empleyadong gusto lang talaga ng matinong trabaho.
Bakit ika ninyo nangyayari ang ganito na kung sino pa ang wala sa lugar siya pa ang nasa opensiba?
Sa sistema kasi ng hustisya at lipunan natin, ine-engganyo ang pagsusuplong kahit sa text, tawag, white o poison paper. Hindi ka nga obligadong magpakilala kung ayaw mo. Parang ang kailangan lang ay lead o pagsisimulan.
Namamana sa dilim
Ang tanong: Kukunsintihin ba natin ang ganitong klase ng fishing expedition? Paano kung tayo ang tamaan ng tila pamamana sa dilim? Paano naman ang karapatan ng inaakusahan? Sa ibang bansa, kasinghalaga ng trabaho ng prosekusyon ang masusing pag-aaral kung ang akusasyon ba ay may merito talaga. Dahil ayaw talaga nilang magpahamak ng inosenteng tao. Ganun ang pagpapahalaga nila sa karapatan at reputasyong inaalagaan ng mamamayan nila. Sana ganoon din tayo.
At kung mapalusot na ng sindikato sa korte ang kaso dahil na rin sa kahinaan ng sistemang legal, doon na magsisimula ang gapangan kung paano palalambutin ang nagmamatigas na kawaning noong una ay ayaw makipagsabwatan.
Napag-alaman din natin na doon ulit babanggitin ng sindikato ang paghingi ng pabor na kung maaari ay pabayaan silang mag-bid sa iba pang projects kahit kulang ang kanilang kakayahan o kaya naman ay gipitin ang isang lehitimong bidder para ang sindikato ang makaungos.
Anong choice meron ang kawani o opisyal? Sino ang maaari niyang lapitan para hingan ng proteksyon sa ganitong sitwasyon? Paano natin itutuwid ang daan kung bahagi ng ganitong baluktot na sistema ang ilang korte at ang legal system na may karupukan.
Sana ay magkaroon ng batas para mas maging masusi at maingat sa pagsasampa ng asunto at magbibigay din ng mabigat na parusa sa mga pekeng whistle blower o professional accusers.
Kung laging tatanggapin ng korte ang asuntong hindi dumaan sa mahigpit na proseso ay natural na matatambakan sila ng trabaho. At malamang, kapag overloaded ang isang huwes, may epekto ito sa kalidad ng kanyang desisyon at sa buong judicial system.
At sana naman may mga private law firms na pwedeng puntahan ang ating mga kawani sa ilalim ng kanilang corporate social responsibility program. Bigyan naman natin ang mga inaakusahang government employees o officials ng patas na laban para maengganyo sila na ipaglaban ang matuwid na daan.
Dahil kung hindi ito matutuldukan, iikot lang tayo sa walang katapusang kultura ng kurapsyon at pambansang pasakit.
(Email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
).
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 11
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more