KAILANGAN na sigurong kumilos ni DILG Secretary Jesse Robredo para mabigyan ng solusyon at matapos na ang laganap na bentahan ng “fake” Liquefied Petroleum Gas (LPG) regulator sa buong bansa.
Base kasi sa official records ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang paggamit ng fake LPG regulator ang nagiging sanhi ng sunog.
Ang masakit na katotohanan bukod sa pagkasira ng ari-arian, milyun-milyong piso ang nawawalang buwis sa gobyerno at buhay na hindi na maibabalik. Ito ay dahil sa proliferation at laganap na bentahan ng fake LPG regulator.
Dapat seryusohin ni Sec. Robredo ang problemang ito dahil kung magpapatuloy at hindi masusugpo baka hindi lang milyun-milyong pisong buwis ang mawala sa gobyerno kundi bilyun-bilyong mga ari-arian at buhay ang mawawala.
Kamakailan lamang, isang Filipino-Chinese ang naaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa pagbebenta ng fake LPG regulator.
Sa official record ng (PNP-CIDG) sa ilalim ng liderato ni Chief Supt. Atty. Samuel Pagdilao, naaresto ang isang nakilalang Carlos Polican.
Si Polican ay inaresto ng mga kagawad ng CIDG sa kanyang tindahan sa Pasay City noong January 27.
Pero hindi pala simpleng istorya ang pagkakahuli kay Polican. Si Polican kasi ay opisyal ng TEXFIRE Philippines, isang organisasyon na tumutulong sa Bureau of Fire Protection (BFP) para bigyan ng protection ang publiko at negosyo laban sa mapaminsalang sunog.
Hindi lang ’yan, siya ay dati ring secretary general ng Association of Philippines Volunteers Fire Brigades, Inc. (APVFBI).
Sa halos lahat ng social networking kalat na kalat ang balitang ito, dahil opisyal na nangangampanya laban sa sunog tapos mababalitaan nakumpiskahan ang kanyang tindahan sa Pasay City ng mga fake LPG regulator. Ika nga Only in the Philippines.
Kaya maging sa mga social networking, hinahamon si Polican ng kanyang mga kapwa official at miyembro ng TEXTFIRE na huwag na niyang hintayin na sibakin siya sa association kundi kusang magbitiw na lamang siya dahil pati ang organization ay nadadamay sa controversy.
Kailangan kumilos din itong si Partylist Rep. Arnel Ty ng LPG Marketers Association (LPGMA) upang sa ganun ay makapagsagawa ng batas na higit na magbibigay proteksiyon sa mga lehitimong negosyante at kaukulang kaparusahan sa mga mahuhuling nagbebenta ng fake LPG regulators.
Sa pangunguna din ni Nelson Ty, dating fire volunteer at barangay chairman sa Binondo, hinamon din niya ang leadership ng TEXTFIRE Philippines na si Gerie Chua na kaagad sibakin itong si Polican sa kanyang pwesto.
Mga Sir! Sa ngalan ng taong bayan na biktima ng mga sunog huwag na kayong magpatumpik-tumpik pa. Kilos na po agad para sa kabutihan ng lahat, kapwa ng mga mamimili at ng mga negosyante.
* * * * *
Speaking of sunog, fire prevention month na sa susunod na buwan, kaya sa March 1, ayon sa liderato ng BFP magsasagawa sila ng mga motorcades sa iba’t ibang lugar upang bigyan babala o paalalahanan ang taongbayan na mag-ingat.
Maglalabas din umano sila ng mga information campaign kung paano makakaiwas sa sunog at kung magkaroon ng sunog ano ang mga dapat at kailangang gawin.
Lahat po tayo ay ayaw maging biktima ng sunog kung kaya’t ang lahat ay hinihimok ng BFP na sumubaybay sa kanilang mga programang gagawin kung paano makakaiwas sa sunog.
* * * * *
Inilunsad kamakalawa ng Land Transportation Office (LTO) ang Motorcycle Safety Learn to Ride Program upang ipaalam sa publiko na puspusan ang ginagawa ng ahensiya para sa kaligtasan ng taongbayan.
Sa speech ni Assistant Secretary Virginia Torres, ang programa ay bilang tugon na rin sa dami ng mga aksidente ng mga motorcycle.
Ang programa ay libre at ginagawa tuwing araw ng Sabado sa LTO-Central Office sa East Avenue, Diliman, Quezon City.
Ayon kay Torres, ang mga instructors dito ay mga professional at experts sa motorcycles kung kaya’t tiyak na maraming matutunan ang mga sasali dito.
* * * * *
Kawawa naman daw itong city treasurer ng Quezon City, inalisan na raw ng karapatang gampanan ang kaniyang trabaho mula nang itatag ni Mayor Bistek Bautista ang Task Force Assessment Group (TFAG).
Wala naman daw magawa ito dahil good soldier siya at itinuturing nyang superior si Mayor Bautista kaya susunod lang daw siya dito kung ano ang gusto ni mayor.
* * * * *
Para sa mga reactions pwede po kayong mag e-mail sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 11
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more