MAY kasabihan na “justice delayed is justice denied.” Mas lalong totoo ito sa ating bansa dahil habang tumatagal na nakabinbin sa korte ang isang kaso, mas humahaba ang pagkakataon na magkaroon ng hokus pokus! Kaya kami ay nagagalak at tila bumibilis na ang proseso ng paglilitis sa mga drug-related cases.
Isang magandang halimbawa ay ang magandang pagtatapos ng kaso ni convicted drug-trafficker Asha Atieno Ogotu. Ang babaeng Kenyan na naaresto ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang nagtatangkang magpuslit papasok ng Mactan International Airport ng isang malaking shipment ng shabu noong September 2011.
Lumabas sa imbestigasyon na ang droga ay pinasok ni Ogotu sa Pilipinas mula sa Doha, Qatar. Iginiit niya na hindi niya alam na mayroon palang kontrabando sa kanyang mga bagahe.
Lumang tugtugin na ang alibi ni Ogotu kaya’t hindi na ito binigyang timbang ng korte. Sa loob lamang ng tatlong buwan, nagbaba na ng guilty verdict ang Lapu-Lapu Regional Trial Court Branch 27.
Life imprisonment at P3 million fine ang sentensya na ipinataw sa Kenyan drug trafficker. Napakabilis nito kung ating ihahambing sa ibang mga drug cases na inaabot ng ilang taon bago madesisyunan!
Isang symbolic victory din ito sa ating kampanya kontra sa illegal drugs dahil mabibilang mo lang sa daliri ang mga dayuhan na nako-convict sa ganitong uri ng mga kaso.
Madalas ang mga foreigners na involved sa drug cases ay nade-deport lamang. Marami na ang nagdududa sa ating sistema ng pagbibigay ng hustisya. Hindi na tuloy takot dito ang mga international drug syndicates.
Malaki ang pasasalamat ng PDEA at ng Dangerous Drugs Boad (DDB) sa pagiging fast and impartial ni Judge Toribio Quiwag sa kanyang pagdinig ng kaso ni Ogotu. Dapat papurihan din ang mga arresting officers dahil sa maayos na pangangalap ng ebidensya at pag-iingat sa chain of evidence na humantong sa mabilis na resolusyon ng kaso.
Ganyan po talaga kapag maayos ang takbo ng justice system -- mabilis naku-convict ang mga nagkasala at mabilis din napapawalan-sala ang mga inosente!
Sana maipatupad na ang mga pagbabago sa ating sistema na magre-resulta sa mabilis na resolusyon sa lahat ng drug cases. Nasaksihan natin sa nabanggit na kaso na posible pala ito kung lahat ng ahensya at sangay ng gobyerno ay maagap na tutupad sa kani-kanilang mga tungkulin.
Sana ang speedy conviction ni Ogotu ay hindi lamang isang one time wonder kungdi simula na ng magandang pagbabago sa ating mas malawak at maayos na sistema!!
* * *
Nais ko din ibalita sa ating loyal readers na mabilis at maganda din ang naging resolusyon ng kasong isinampa ng PDEA laban sa isa pang drug trafficker na si Sammy Yusop.
Matatandaan niyo na iniulat ko sa column na ito na si Yusop ay operator-driver ng isang delivery service sa Cagayan de Oro (CDO) na nagtangkang magpuslit ng 1.5 kilos ng metamphetamine hydrochloride (shabu) sa loob ng isang television set nitong November 2011.
Subalit natiktikan ng PDEA ang pagpasok sa CDO ng nasabing drug shipment sa pamamagitan ng courier service. Isang controlled delivery operation ang kaagad inilunsad ng ating mga operatiba na nauwi naman sa pagkaka-aresto ni Yusop at pagkabawi ng droga.
Sa loob din ng wala pang tatlong buwan, napatunayang nagkasala ng paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang akusado. Habang-buhay na pagkablinggo din ang kanyang bubunuin dahil sa kanyang kagustuhan na magkamit ng easy money!
Gayunpaman, batay sa intelligence information, si Yusop ay bahagi lamang ng isang mas malaking illegal drugs operation sa CDO. Nangangahulugan, hindi pa tapos ang ating trabaho!!
* * *
Kami sa DDB ay sumusuporta sa Results-based Performance Management System (RBPMS) na isinusulong ng Aquino administration. Panahon na upang itulak o i-motivate ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tuparin ng mabuti ang kani-kanilang tungkulin at kung silaý mabibigo ay makatatanggap sila ng kaukulang penalty. Dapat mabura na ang public perception na ang mga kawani ng gobyerno ay puro tutulog-tulog dahil silaý kampante sa kanilang security of tenure!
Sa ilalim ng RBPMS ang budget na inu-ukol sa bawa’t tanggapan ng pamahalaan ay mino-monitor ng mabuti para siguruhin na mababawasan ang pondong naaaksaya. Maaaring tingnan natin ito bilang isang uri ng paghihigpit ng sinturon. Subalit pwede rin itong maging isang pagkakataon para makapaglagak ng mas malaking pondo para sa mga ahensya o sa mga proyektong mas nangangailangan.
Sa tingin ko, ang RBPMS ay hindi naman mahahantong sa pagbagsak ng serbisyo-publiko dahil sa ibayong pagtitipid ng goverment agencies. Hindi rin naman nito maaapektuhan ang sahod at iba pang benepisyo ng mahigit sa isang milyong government employees dahil kumpyansa tayo na may simpatiya ang Pangulo sa mga manggagawa ng estado. Kailangan lang siguro ang mas matalinong alokasyon ng limitadong pondo ng bayan.
Ang pagpapatupad ng RBPMS ay nagbubukas din ng oportunidad para mag-focus ang gobyerno sa pagpapalakas sa mga under-funded agencies katulad ng PDEA. Malinaw na maganda ang performance ng PDEA kung ibabatay sa limitadong sakop ng manpower nito. Ngunit walang kwestiyon na lubos na kulang ang tauhan para saklawin ang problema ng iligal na droga sa buong kapuluan. Ang manpower at maging ang logistics ay hindi proportionate sa laki at lawak ng drug problem sa Pilipinas ngayon.
Sa kabila ng magkakasunod na mga matatagumpay na operasyon ng PDEA katulad ng ating ibinalita sa ibang bahagi ng column na ito, mayroon pa rin nagsasabi na underperforming ang ahensya. Masasabi ko lang sa ating mga kritiko na hindi natin mapapatay ang isang halimaw kung ang ating sandata ay isa lamang barbeque stick!
Government must invest to achieve results, ika nga sa wikang Ingles. Ang anumang karagdagang ayuda na maaaring ilaan sa PDEA ay hindi dapat ituring na expense kungdi isang investment tungo sa lipunan na malaya sa drug addiction!!
* * * *
Sinimulan naman kahapon ang tatlong araw na “Drug and Alchol-Free Workplace Policy” ng Clark International Airport Corporation kung saan ang piling miyembro ng ating DDB Training ay naroon upang magbahagi ng kanilang expertise.
Ang inisyatibong ito ay ayon sa department order ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nilalaman din ng isang memorandum circular ng Civil Service Commission na naglalayong mailayo sa pag-aabuso ng bawal na droga ang mga manggagawa ng ating pamahalaan.
Natutuwa ako sapagkat ang ganitong inisyatibo ay isang maliwanag na pakikiisa at suporta sa ating kampanya laban sa iligal na droga. Mas magiging epektibo ang pagta-trabaho kung ang ating mangagawa ay siguradong drug-free.
* * * *
Binabati ko ng “Belated Happy, Happy Birthday” nu’ng “Araw ng mga Puso” ang isa sa ating mahusay na senador at matagal na nating kaibigan na si Manong Johnny Enrile. Manong, nawa’y palawigin pa ng Diyos ang inyong buhay upang patuloy pa kayong makapag-lingkod sa ating bayan.
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o ’di kaya ay mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
)
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 10
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more