GALIT na galit umano itong si Customs Commissioner Ruffy Biazon noong Lunes nang dumalaw si Pangulong Benigno Aquino III sa Bureau of Customs dahil nabigong maiprisinta kay P-Noy ang ipagmamalaki sana niyang dalawang unit ng mamahaling Ferrari na nasakote ng mga awtoridad ng BOC kamakailan.
Ang dahilan inalpasan kasi ng tatlong tiwaling tauhan ng bureau, na nakilala lamang sa mga pangalang ‘Leather Coat’, Chico at isang Jet, ang dalawang Ferrari noong nakaraang Biyernes (Pebrero 10), apat na araw bago dumalaw si P-Noy sa BOC noong Lunes Peb. 13, 2012.
’Di pa matiyak ang kinita ng tatlong kurakot, pero ayon sa aking mga espiya sa Aduana, milyun-milyon daw ang kinita ng mga ito mula sa dalawang Ferrari luxury sports car na kanilang ipinuslit.
Sangkot din kasi umano ang tatlo sa “smuggling” ng “palm oil.” Kaya umano nila ginagawa ang mabilisang pagkita ng limpak-limpak sa Bureau ay alam nila na hindi na sila magtatagal.
Nasa ‘hot chair’ ang tatlo at ’di na umano nagpapapasok sa kani-kanilang tanggapan na bukod sa pagtulong sa pagpupuslit ng mamahaling mga luxury vehicles ay sangkot nga din sa smuggling ng ‘palm oil’ ang mga ito.
At ayon sa aking mga espiya, posible din umanong sangkot ang tatlo at iba pang tulisan sa customs sa patuloy namang smuggling ng ‘finished products’ ng oil ng ilan sa mga ‘big-time’ players ng langis sa Aduana.
Kung noon ay ‘catalytic gas’ o ‘crack gas’ ang palusot o idinideklara ng isang malaking oil company para madugas ng bilyun-bilyong halaga ng ‘excise tax,’ iba namang termino ang kanilang ginagamit ngayon upang makaiwas sa pagbabayad ng ‘excise tax’.
Ang termino na ginagamit ng ilan sa malalaking ‘oil company’ na sangkot sa ‘oil smuggling’ ngayon upang mapalabas na ‘crack gas’ ang kanilang ipinupuslit sa customs ay pansamantala munang itinatago ng mga taga bureau upang hindi masunog ang kanilang imbestigasyon.
Ang bagong modus-operandi sa pagpapalusot ng ‘finished oil products’ ay masusing pinag-aaralan ng mga eksperto sa langis sa BOC.
Nauna rito, isang malaking oil company, ang Pilipinas Shell, ay may nakabinbin ngayong kaso sa Tax Appeal, kaugnay ng may higit sa umano’y P7 bilyon ‘excise tax ‘ na hindi nila nabayaran sa Pamahalaan noong panahon ni dating Customs Commissioner Napoleon Boy Morales.
At ayon sa mga tauhan ng tanggapan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) na nag-imbistiga sa kaso, hindi umano nagbayad ng ‘excise tax’ ang Pilipinas Shell sa mga inaangkat nilang finished products ng langis sa pamamagitan ng pagde-deklarang ang mga iyon ay ‘crack gas’ na hindi sinisingil ng ‘excise tax’.
****
Congratulations pala kay Prudencio Jun Reyes, na bagong hirang na Deputy Commissioner for Assessment Operation ng Bureau of Customs.
Napakalakas talaga nitong si Jun Reyes sa mga malalapit sa kusina ni P-Noy. Ito ay hindi dahil sa pagiging kasapi siya ng Iglesia ni Cristo kundi dahil umano sa magaling itong “MANGULEKTA” ng mga ‘tax and duty’ sa mga walang planong magbayad ng taxes sa pamahalaan, partikular sa Bureau of Customs.
Si Jun Reyes ay isa sa mga ‘midnight appointees’ nang nakaraang administrasyon ni dating Pangulo na ngayon ay Kongresista Gloria Macapagl-Arroyo na nakapiit ngayon.
Kasama niya na nahirang sa pamamagitan ng umano’y ‘midnight appointees’ ni PGMA sina Fiscal Imperial at isang Atty. Bergado na pawang mga miyembro umano ng Iglesia ni Cristo.
At si Jun Reyes din po ang katulong ni dating congressman at Local Water Utilities Adminsitration (LWUA) Director Prospero Pichay sa LWUA.
Walang maihahalintulad sa kasipagan itong si Jun kaya marahil ito ang napisil at napili ng mga malalapijt sa kusina ni P-Noy upang maging isa sa mga deputy commissioner ng Bureau of Customs. he…he….he…
****
Sa mga nagnanais makatulong sa ating bayan sa pammagitan ng pagsisiwalat ng lahat ng uri ng anomaliya o kasamaang inyong nalalaman gayundin sa nagnanais na pupurihan ang mga taong kilala nyo na nakagawa ng kabutihan sa ating kapwa at bayan, mangyaring makipag-ugnayan kayo sa akin sa pamamagitan ng telepono ko bilang 09179993555 o kaya’y sa 09995080777.
Pwede din kayong mag-e-mail sa aking e-mail address na
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
MARAMING SALAMAT PO!!!!
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 10
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more