Huwag niyong pilitin si Mayor Lim


KALIWA’T KANAN pa rin ang mga problemang kinakaharap ng bansa, nangunguna na diyan ang hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo. Kaakibat siyempre ng pagtaas ng produktong petrolyo ay ang pagtaas naman ng halos lahat ng bilihin at serbisyo.

Pero ayon sa mga survey, nananatiling mataas ang performance rating ni Pangulong Noynoy Aquino. Ito ay pagpapatunay na naniniwala pa rin ang taumbayan na tapat si P-Noy sa kanyang hangaring mawala ang kurapsyon sa gobyerno sa pamamagitan ng pagtahak sa tuwid na landas.

Ang masakit  lang, mukhang  may mga kawani pa rin ng Bureau of Customs na hindi naniniwala kay P-Noy dahil patuloy pa rin ang kanilang panloloko sa gobyerno.

Kamakailan ay tumanggap ng impormasyon si Rep. Mitos Magsaysay  na may 186,000 metric tons  o  3,600,000 na sakong bigas  na inangkat mula sa mga bansang Pakistan at Vietnam ang  binabaan umano ang purchase price.

Kaya daw pala bumababa ang tax collection ng BOC ay dahil sa ganyang sistema. Kaya nga dapat daw itong malaman ni P-Noy.

Ayon pa kay Magsaysay, kapag ang National Food Authority  ang siyang bumibili ng broken rice mula sa Estados Unidos, ang presyo daw ay umaabot ng  $465 bawa’t metriko tonelada, samatanlang kapag pribadong sektor daw ang nag-iimport, ito ay idinedeklara lamang sa $110 per MT.

Kaugnay nito, nalulugi daw ang pamahalaan. Imbes daw kasi $465 o $380 ang papatawan ng 40% na customs duties, sa $110 na lang daw naniningil ang BOC ng kaukulang buwis.

Kaya naman, inatasan ni Rep. Magsaysay si BOC Commissioner  Ruffy Biazon na isumite sa Kongreso ang lahat ng dokumento na nauukol sa programang minimum access volume noong isang taon.

Ayon pa kay Magsaysay, kailangan daw makita kung lahat ng cutoms duties na sinisingil ay base sa USD $110  at hindi sa USD$380.

Sayang nga naman ang nawala o mawawala pang buwis na kailangang-kailangan ng gobyerno. Tinataya kasing aabot ng $20 milyon hanggang $23 milyon ang nawawalang  buwis sa gobyerno sa nasabing iregularidad. 

Kung totoo ang impormasyong tinanggap ni Magsaysay, marapat lamang na busisiin ito. Maliwanag na panloloko ito na dapat imbestigahan ng Kongreso at Malakanyang.

Pananabotahe at pambabastos ito sa kampanyang “tuwid na landas” ni Pangulong Aquino.

***

Gustuhin man ni Mayor Alfredo S. Lim na ituloy ang pamimigay ng dagdag na P500 financial assistance sa mga guro at ibang national employees sa Maynila ay hindi niya ito magagawa.

Ayon kasi sa isang memorandum, sinabi ng Commission On Audit na walang “legal basis” ang pamimigay ng tulong pinansiyal na ito.

Kaya  agad namang ipinaliwanag ni Ric de Guzman, chief of staff at acting media bureau chief ni Lim, hindi tamang sabihin na may utang ang siyudad sa mga guro dahil hindi naman obligasyon ng lokal na pamahalaan na bigyan ng dagdag na P500 ang mga ito.

Ayon pa kay De Guzman, walang utang ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga ito dahil  kusang-loob lamang na ipinagkaloob ito ni Mayor Lim.

Anyway, tuloy pa naman daw ang pamimigay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng P2,000 regular financial assistance para sa mga guro sa siyudad.

Ipinaliwanag pa ni De Guzman, na ang ipinagkakaloob sa kanila ay subject lamang sa availability ng pondo o maaaring ibigay kung kaya ng kanilang pondo.

Sa totoo lang, maraming beses na daw itong naipaliwanag sa mga guro ng mga city hall authorities at ng city schools superintendent na si Dr. Ponciano Menguito.

Kaya maliwanag, hindi kagustuhan ni Lim na tanggalin ang nasabing allowance.

Huwag niyo namang pilitin si Mayor Lim na labagin ang isang lawful order ng COA.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0915-9462777/email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 10
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC