Robredo, saludo kay Chief Acosta


SALUDO si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa kanyang citation letter kay Chief Public Attorney Persida V. Rueda- Acosta.

Sa pangalawang pagkakataon, pinuri ni Robredo sa kanyang liham si Acosta sa itinayo nitong mga legal clinic sa Northern Mindanao at Dumaguete City kaugnay ng bagyong si Sendong upang tiyakin ang legal assistance at proper forensic documentation sa mga kaanak ng biktima ng kalamidad lalo na sa mga nawawala pa.

Ipinahatid din ni Undersecretary Severo S. Catura ng Presidential Human Rights Committee na nasa ilalim ng Office of the President sa Malakanyang kay Acosta kamakailan ang pasasalamat sa mabilis na aksyon na iginawad ng PAO sa kaso ni Aida Pabalay mula sa Cebu.

Walk-in na kliyente si Ms. Pabalay ng PAO na humingi ng legal assistance na support mula sa kanyang asawa.

“The efficient manner in which your office has acted on this referral boosts our campaign to advance human rights as a tool in serving justice,” ayon kay Undersecretary Catura sa kanyang letter of citation.

Sa dami ng kanyang tinututukan sa PAO kabilang ang kanyang araw- araw na reality on-air mediation show na Public Atorni (Asunto o Areglo) na napapanood sa TV5 ganap na ika-5 ng hapon, magtataka ka talaga kung saan hinuhugot ni Chief Acosta ang kanyang bilis- aksyon.

“Time management lang, commitment sa kanyang tungkulin, at gabay ng Poong Maykapal,”  ito ang isinagot ni Chief Acosta nang siya ay tanungin.

Ang pahinga bale lang ni Chief Acosta ay ang kanyang maiksing pagtulog sa gabi. On weekends ay family day, at kabilang dito ang taping ng kanyang Public Atorni.

Mismong si Chief Acosta ay nasosorpresa sa kanyang natatamong popularity sa ngayon.

Trabaho lang, wika ng PAO chief at wala siyang pakialam sa rating game.

Maige  ito dahil sa nakikilala ang PAO na dati ay isang “obscure” na ahensya subalit mahalaga pala lalo na sa ating masang Pinoy lalo na sa aspeto ng social justice, at peace and order.

* * * *

Handang-handa na 101 percent ang ating presidentiable sa halalan sa 2016. Handa din umano siya sa mid-term election sa 2013 sa inihahanay na mga senatoriables. Fully  booked lagi ang kanyang iskedyul lalo na tuwing weekends.

Sa dami ng kanyang iskedyul, hindi na napaunlakan pa kahit na ilang minuto lamang ang isang 18-man Nigerian delegation na pinamunuan mismo ni  Sen. Ibikunlo Amosun na governor ng Ogun State ng Nigeria. Kasama sa delegasyon si First Lady Olufunso Amosun ng Ogun State na may populasyon na apat na milyon.

Bukod kay G. Sam Low na chairman at CEO ng Edmark International, a joint Malaysian Filipino firm na may business interests sa Pilipinas , Malaysia at Nigeria, kabilang din sa tumanggap kay Amosun sina  Steve A. O Egurube, ambassador of Nigeria to the Philippines; at Engr. Ric Camaligan na director of Philippine GP Technology at consultant ng SMDC films.

Gaano nga kaya kaligtas sa Nigeria na malaki ang business opportunities para sa lahat dahil sa yaman nito at sa dami ng populasyon na “ready market” na umaabot sa humigit-kumulang sa apat na milyon sa Ogun State pa lamang.

* * * *

Kung si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay Master “pick-up lines” senator, maituturing si P-Noy na lovable Master Showman.

Idinaan na lamang ng Pangulo sa katatawanan ang ilang “tongue twister” na acronym sa kanyang talumpati sa Technical Education and Skills Development Authority sa paglulunsad ng TSTP o Tesda Specialista Technopreneurship sa Taguig City kamakailan ang kanyang pagkakamali sa pagbigkas ng acronym ng ilang programa ng Tesda.

Bukod  sa TSTP, nahirapan si P-Noy sa ilang “tongue twister”  na mga acronym katulad ng TVET na acronym na  ang ibig sabihin ay  Technical, Vocational and Educational Training program

“Napakadali hong bigkasin nun. Marami tayong maaakit sa programang ‘yan. Kailangan pa natin ng glossary ‘pag dating ng panahon,”  wika ni Aquino

“Ang lapit pa naman ho natin sa Valentine’s, baka akala nila konektado ang TSTP sa Valentine’s,” dagdag pa ng natutuwang Pangulo na in “happy mood”  at in high spirits sa gitna ng impeachment trial at  hidwaan ng Executive at Judiciary

*****

Unsolicited advise to P-Noy. Pears are good for his health. Unfortunately, no birthday bash for our birthday boy. Hopefully, a Valentine date this time with the amazing  Grace that P-Noy found!

Tips for lovers. Take dark chocolates  and peanuts  for good mood since these food are mood stabilizers, enhancing our serotonin in our brain.

For more colorful and excitement, good amount of protein and spices mixed with food are recommended.

Sex however should be taken with caution by people with HB in consultation with their medical doctors.

Chia seeds spells the difference owing to its nutrients  for raw materials that helps in hormonal production, meaning estrogen and testosterone hormones.

For good heart health , take  the potassium-rich banana, or for breakfast, beef broth with “si-but” or seven herbs from Chinese drug store mixed with gynura procumbens leaves, according to nutritionist and wellness expert Jeff Panela of Right Harvest International.

To tickle your funny bone:

Boy: Alam mo, para kang sisig.

Girl: Ganun ba ibig sabihin, masarap ako at hot?”

Boy: Mali, masarap kang tadtarin at iluto sa apoy.

For comments and inquiries: 0922874628 or facebook:  e_- beatfamasrc@ yahoo.com.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 10
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC