Illegitimate child may karapatang magmana


Kgg. na Atty. Acosta,

Mapagpalang araw po sa inyo.

Nabalitan ko na lamang po na matagal nang patay ang aming ama. Nais ko po sanang idulog ang isang katanungan tungkol sa aking karapatan bilang isang illegitimate child. Ako po ba ay may karapatan sa mga ari-ariang kanyang naiwan?

Bagama’t ako ay nahihiya sa mga tunay na anak, kaya lang po ako ay kapos rin at ang aking ina ay may iniindang karamdaman. Sana po ako ay inyong matulungan. Ako po ay natatakot sa mga tunay na anak sa kadahilanan pong sila ay malalaking personalidad. Sana po ako ay inyong matugunan. 

Lubos na gumagalang,

Geneve

 

Dear Geneve,

Nais naming ipaalam sa inyo na mayroong karapatang magmana ang isang illegitimate child sa kanyang ama kung ang nasabing anak ay kinikilala ng kanyang ama bilang isang anak.

Sa pagpapalagay na kayo ay kinilalang anak ng inyong namayapang ama, ang inyong karapatan bilang tagapagmana ng kanyang naiwang pag-aari ay nasasaad sa Civil Code of the Philippines at sa Family Code of the Philippines.

Ayon sa Artikulo 895, 983 at 999 ng Civil Code of the Philippines sa titulo ng Succession at sa Artikulo 176 ng Family Code of the Philippines:

“Art. 895. The legitime of each of the acknowledged natural children and each of the natural children by legal fiction shall consist of one-half of the legitime of each of the legitimate children or descendants.

The legitime of the illegitimate children shall be taken from the portion of the estate at the free disposal of the testator, provided that in no case shall the total legitime of such illegitimate children exceed that free portion, and that the legitime of the surviving spouse must first be fully satisfied.

“Art. 983. If illegitimate children survive with legitimate children, the shares of the former shall be in the proportions prescribed by Article 895.

“Art. 999. When the widow or widower survives with illegitimate children or their descendants and illegitimate  children or their descendants, whether legitimate or I illegitimate, such widow or widower shall be entitled to the  same share as that of a legitimate child.

“Art. 176. XXX The legitime of each illegitimate child shall  consist of one-half of the legitime of a legitimate child.”

Samakatuwid, mayroon kayong karapatan bilang anak sa labas ng inyong ama. Subalit ang kabahagi ng isang illegitimate child ay katumbas lang ng kalahati ng kabahagi ng isang legitimate child.

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan.

Ang inyo pong lingkod-bayan,

PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan

Paunawa:

Manood ng “Public Atorni” araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 4:30 ng hapon  sa TV5. Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes.  Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.

Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 10
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC