Prosecution panel, na-double whammy


AS MUCH as possible, I’ve been avoiding tackling anything about the ongoing impeachment trial dahil alam ko na utang-uta na ang mga tao diyan, at ang mga ordinaryong mamamayan gaya ng tindera sa palengke o driver ng jeep ay ni hindi magkakainteres dahil wala silang nakikitang impact sa buhay nila anuman ang kalabasan ng proseso.

Kaso naman.  Super duper utang na loob! Tama ba naman na pekeng dokumento ang gamitin ng prosekusyon para ibaon si Chief Justice Renato Corona sa umano ay mga bank accounts nito?

Mismong si Philippine Savings Bank-Katipunan Branch Annabelle Tiongson ang nagsabi na ’yung mga ini-attach na bank records ng prosekusyon sa kanilang request for subpoena ay ’di daw ‘faithful reproduction’ ng mga orihinal na dokumento. Ginamit kasi itong ebidensiya para sa Article II ng impeachment complaint na patungkol sa statements of assets, liabilities and net worth o SALN ni Corona.

Ang saktong sabi ni Tiongson: “These are fake documents. They did not come from our bank.” Ang nakakatawa pa, ini-adopt lang ng prosekusyon si Tiongson bilang testigo nila dahil kinuwestiyon ni former Justice Serafin Cuevas ng defense panel kung kaninong witness ito.   

Para lang palang kumuha ng batong ipinukpok sa ulo ang prosekusyon.

Kapag ganyang peke ang isinumiteng ebidensiya, paano mo ’di pag-iisipan ang iba pang ebidensiya na maaring iprisinta ng prosekusyon?  It would seem na tama ang sinasabi ng ilang critics that the impeachment complaint was indeed done posthaste.

’Yung namang sinasabi ni Rep. Reynaldo Umali ng prosekusyon pa rin, na ‘small lady’ na nag-abot daw sa kanya ng photocopies ng bank documents laban kay Corona ay ’di makita sa CCTV footage ng Senado.  Hmm… Bakit, sinabi ba ni Umali na tao? Eh Kung ‘small white lady pala ’yun? Ano kayo???

***

Nakakakilabot panoorin ang ating mga kababayan mula sa mga nilindol na bahagi ng ating bansa na nag-aagawan sa relief goods na dumarating sa kanilang lugar.

The coverage made by colleague Jorge Cariño on the plight of  our displaced countrymen in Negros Oriental told it all.

Ilang bata ang nakuha ng mga social workers na inabandona panandalian ng mga magulang, may kasama pang baby sa mga ito, para lang makipag-agawan muna sa mga dumating na relief goods.

Habang hawak-hawak ang dalawang lata ng sardinas, umiiyak ang isang ina na sinabing iniwan muna niya ang dalawang anak na parehong musmos pa dahil nga kinaila-ngan niyang makipag-agawan ng makakain para sa kanilang pamilya.

Imagine, tatlong araw na daw silang ’di kumakain? I’m sure mas marami sa atin ang nakaaangat ang buhay at kalagayan kaysa sa mga naapektuhan ng lindol.

Maantig sana ang malalaking negosyante at pulitiko ng bansa para pagtuunan ng pansin ang mga kababayan nating ni tubig ay walang mainom sa mga sinalanta ng lindol.

’Wag ding kalimutan ang sinalanta ng bagyong si ‘Sendong’ dahil hanggang ngayon ay ’di pa rin nakababangon ang ating mga kababayan sa Cagayan de Oro at iba pa.

Sana ay tumulong tayo sa kanila sa kahit na anong paraan pupuwede.  Sabi nga, ’di bale nang ikaw ang tumulong, kesa naman ikaw ang tinutulungan.

Besides, ’di nadadala sa kabilang buhay ang kuwarta.

***                                          

Beauty tip: Do not use anti-dandruff shampoos in mild, dry type of dandruff as this will actually compound the problem. Use such only in moderate to severe dandruff infection. (Source: Dr. RosaryMay Canay-Diaz of the Le Californian Beau Medical Spa/410-8424/450-1388)

***                                  

Jokjok (from Chief Inspector Mar Reyes/chief, City Hall Action and Police Assistance (CHAPA) and MPD-GAS) -- In government, the military and police junior officers, lieutenants & captains play basketball.

When they become senior officers, majors and colonels, they play tennis. When they become corporate heads & generals, they play golf.

Moral lesson? “The higher they go up in position  and rank, their balls become SMALLER.”

***                                                  

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. or please text 0929-5953737.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC