Isa sa mga tula ng ating bayaning si Andres Bonifacio ang aking hinahangaan. Ito ay ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.”
Nalapatan na rin ito ito ng iba’t ibang himig at may isa rin akong pinakagusto rito.
Ganito ang nilalaman ng tulang sa tingin ko’y siyang pinamakataas na anyo ng pag-ibig:
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa?
Wala na nga, wala.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad sa bayan ng taong
may dangal na ingat,
Umawit, tumula,kumanta't sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa
Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong,katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?
Ito'y ang Inang Bayang tinubuan:
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong
kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.
Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
Pati ng magdusa'y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.
Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.
Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Ng kahoy ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
Muling manariwa't sa baya'y lumiyag.
Ipahandug-handog ang buong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay na langit!
-- This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more