Itatayong bagong motel sa Pasay, tinututulan


KAUGNAY ng pagdiriwang ng Valentine’s Day ngayong araw,  nananawagan ang libu-libong residente sa pangunguna ng kanilang neighbourhood association ng Bgy. 147 (NAB-147)  kay Mayor Antonino “Tony” Calixto, na ipatigil ang napipintong konstruksyon ng isang motel sa kanilang barangay sa pangambang pamumugaran lang ito ng mga pokpok o ‘prostitutes’.

Ayon kay Mario Garcia, pangulo ng NAB-147, nalalagay sa panganib ang kanilang mga anak na babae sakaling magbukas ang isang motel sa kahabaan ng EDSA, ilang hakbang lang ang layo sa hagdan ng MRT Station sa Taft Avenue, Pasay City.

“Kalaswaan lang ang idudulot ng panibagong motel dito sa barangay namin at nanganganib pa na madarang ang aming mga anak na babae sa ganitong trabaho ng kalaswaan,” sabi pa ni Garcia.

Ang tinutukoy ng mga residente na balak pagtayuan ng motel ay kasalukuyan nang ginigiba at hindi magtatagal ay maitatayo na doon ang nasabing motel.

At ayon pa sa pangulo ng NAB 147, may balita sila na ang itatayo sa kanilang barangay ay ang Yes Hotel na may sangay sa Quiapo, Manila at pag-aari umano ng isang Richard Lim.

Ang mga residente sa pangunguna ng NAB-147 ay nakikiusap  kay Mayor Calixto at sa mga konsehal na huwag payagan na maitayo ang bagong motel dahil bababuyin lang umano nito ang kanilang barangay, tulad nang kapansin-pansin na pagtungo sa mga nagkalat na motel  at hotel sa Pasay ng mga menor de edad na prostitute kasama ang mga masalaping customer.

At karamihan sa mga pumapasok sa nasabing mga ‘existing’ motel ay pawang galing sa tinatawag na “complex’ na pugad ng mga menor de edad na mga prostitutes.

* * * *

Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Valentine’s Day, maraming mga motels at hotels sa Metro Manila ang inirereklamo ng mga customers dahil sa sobrang taas ng singil sa kanila sa mga kuartong dati-rati ay binabayaran lang nila ng ’di bababa sa P200 kada tatlong oras na ‘short time’.

Idinadahilan ng mga ‘motel attendants’ na puno ang mga kuarto nila at ang available lang ay yaong mga kuarto nila na ’di bababa sa P900 ang ‘short time stay na tatlong oras.

At ayon pa sa mga ’di makatangging mga customer na nais mapitas sa kauna-unahang pagkakataon ang mga nililiyag, bago man umano sumapit ang pagdiriwang ng Valentine’s Day ay pinagsasamantalahan na ng mga motel at hotel owners ang mga parukyano nila.

Madalas umanong sinasabihan ang mga de-kotseng customers na nagnanais na ‘umakyat sa kalangitan’ na walang bakanteng kuarto at tanging mga VIP rooms lang nila ang bakante subalit sa totoo ay ordinaryong mga rooms lang ang ibibigay ng mga ito sa mga pinagsasamantalahang magsing-irog.

Karamihan na rin sa mga magnobya, magkaluguyo, at magsing-irog ay nagtutungo nalang sa mga mumurahing motel at pumapasok doon ang mga ito nang naglalakad at ’di-nakasakay sa mga kotse o taksi.

Wala silang kiber kung sinuman ang makakita sa kanila sa pagpasok ng naglalakad sa mga mumurahing mga motel, basta ang mahalaga sa kanila ay mairaos ang hinahanap ng mga nagbabaga nilang mga katawang lupa  ang init na iyon.

Samantalang sa ibang magsing-irog ay nagagawa nilang ipadama ang kunwa’y pagmamahalan sa araw ng Valentines sa mga madidilim na parte ng mga ‘public park’ at mga pasyalan, madidilim na bahagi ng ‘seawalls’, mga madidilim na parte at mga ‘rooftop’ ng mga gusali na kakuntsaba ang mga ‘security guard’ at mga mga ipinaradang sasakyan  sa gilid ng mga madilim na kalye.

Anu’t-ano pa man ang mga paraan na ginagawa ng mga mag-sing-irog bago dumating at sa kaarawan ng Velentine’s Day, ay tiyak naman ang ligaya na nadarama nila sa isa’t- isa at hindi alintana ang magiging bunga niyon sa hinaharap kung mabuti man o masama sa kanila.

Kaya para sa mga naka-akyat na sa langit at aakyat pa lang ngayong araw ng mga puso, “Happy Valentine’s Day na lang sa inyong lahat.” Sana ay isipin niyo na sobra na ang ating populasyon at marami na ang naghihirap sa ating mga kababayan kaya gawan niyo na paraan na ’wag  muna tayong magpakarami he…he…  he…

Para  sa kaalaman ng ating mga kababayan, isa pala sa mga kwento kung paano nagkaron ng Valentine’s Day, ay nang parangalan si Junos ang kinikilalang Queen of Roman Gods and Goddesses ng Roman Empire, nuong mga unang panahon.

Si Juno ay itinuring na ‘Goddess of Women and Marriage’ nung Pebrero 14, na kung saan kinabukasan, Pebrero 15, ay ipinagdiwang ang ‘fertility festival’na tinaguriang Feast of Lupercalia o pista ni Lupecalia para pahalagahan ang Gods of Lupercus at Faunus, ang Roman God of Agriculture na katabi ng founder ng Roma na sina Romulus at Remus.

May nagsasabi naman na si Valentine ay pinatay dahil tinangka niyang tulungan ang mga Krtistiano na pinagmamalupitan ng mga sundalong Romania para makatakas sa Roman Prison. 

At ang isa pang version ng Valentines Day ay nang  si Valentine o si Valentinus  ay nakakulong ay umibig ito sa anak ng isang jailer na dumadalaw sa kanya habang siya ay nakapiit. At bago siya mamatay ay sumulat siya sa kanyang kasintahan ng isang ‘farewell  letter’ na may katagang ‘From Your Valentine’ at ang ‘expression’ na iyon ay naging popular na sa mag-sing irog mula ng mga panahong iyon hanggang sa kasalukyan.

At sa araw ding ito nuong 1929, ipinapatay at pinagbabaril nina Al Capone, ang notorious  gang leader noon sa Amerika ang pito katao.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC