TALAGANG nakalulungkot isipin na marami pa ring Pilipino na malalakas ang loob na maging drug mules.
Ito ay sa kabila ng pagkakabitay ng ilan nating kabayan sa Tsina dahil sa pagdadala ng shabu o cocaine na mahigpit na ipinagbabawal sa nasabing bansa.
Ayon sa balita, dalawa na namang Pinoy ang hinuli ng mga pulis sa Macau dahil sa pag-iingat ng 46 na gramong shabu sa kanilang apartment.
May mga drug paraphernalia pang nakumpiska sa kanilang tinutulyan.
Isang pinaghihinalaang buyer na isa ring Pinoy ang inimbitahan ng mga pulis para tanungin tungkol sa kaso.
Sa kasalukuyan ay may 19 na Pinoy ang nakakulong ngayon sa Macau dahil sa drug-related offenses.
Hindi lang buhay at pamilya nila ang sinisira ng mga drug mules.
Sa ginagawa nila ay sinisira rin nila ang imahe ng bansa at milyun-milyong kababayan natin na nakatira at nagtatrabaho sa iba’t ibang parte ng mundo.
Oo, alam natin na karamihan sa kanila ay biktima, sanhi ng kawalan ng trabaho at kahirapan sa bansa. Pero para sa atin, ibang usapan na pagdating sa droga.
Dito lang sa ating bansa, napakarami ng pamilya at buhay ang nasira gawa ng paggamit ng iligal na droga.
Ang masakit pa nito, nakakahiya na ang sinasapit ng marami nating kababayan sa tuwing darating sa airport ng ibang bansa. Nasaksihan natin kung papaano sila tratuhin at tanungin ng mga immigration officials sa ibang bansa.
Ang tingin siguro ng mga otoridad sa ibang bansa ay walang gagawing mabuti ang mga Pinoy, lalo na ang mga babaing turista.
Hindi natin masisisi ang mga ito, marami kasi tayong kababayan na lumalabas ng bansa na turista pero ang balak ay maging OFW.
Ang mahirap kasi, may mga kababayan tayo na tumatanggap pa rin ng mga padalang pakete na may lamang iligal na droga para kumita at mabawi siguro ang perang inutang para gamitin sa kanilang paglabas ng bansa.
Ito ay sa kabila ng katotohanan na marami nang nahuli sa pagdating nila sa ibang bansa.
Ang mga paketeng ito ay padala ng mga taong nasa likod ng drug trafficking.
Kaya naman maging ang Bureau of Customs at Bureau of Immigration ay nananawagan sa ating mga kababayan na huwag tumanggap ng mga padalang pakete para makaiwas sa problema.
Madala na kayo, dahil kapag nahuli, malamang na bitay ang abutin niyo!
***
Muli na namang ipinakita ni Manila Mayor Alfredo Lim na wala siyang sinisino pagdating sa pagpapatupad ng batas.
Sa katunayan, nananawagan si Lim sa publiko na pumunta sa headquarters ng MPD para kilalanin ang mga nahuling hijacking suspects.
Isa kasi sa limang suspects ay si POl Sherwin Casauran, pulis ng NCRPO na nakatira sa Sampaloc, Manila.
Tinangay ng grupo ni Casauran ang isang trak na minamaneho ni Federico Soriano na naglalaman ng mga produkto ng Unilever na nagkakalahalaga ng P2.4 milyon.
Kasamang tinangay nina Casauran sina Soriano at kanyang pahinante na si Gerlad Ballesteros na itinali at ibinaba sa isang ilang na lugar sa Montalban, Rizal.
Kaugnay nito, inatasan ni Lim si MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez na kasuhan din ng kidnapping ang pulis na si POI Sherwin Casauran at ang apat niyang kasabwat na pawang mga residente ng Sampaloc.
Ang nakalulungkot pa nito, Ibayong pagsisikap na nga ang ginagawa ng liderato ng PNP sa pangungunana ni Gen. Nick Bartolome, para pagandahin ang nasirang imahe ng kapulisan tapos isang bugok na Casauran lang ang sisira.
MGA REKLAMO AT REAKSIYON
Kung mayroon mang dapat ma-impeach, ito ay ang Pangulo at kanyang mga kaalyado na walang inatupag kundi maghiganti. Sila ang tunay na nagpapahirap sa ating bansa -- JOSE MANALO ng Manila.
Dapat tanggalin na sa Pangulo ang pagtatalaga ng justices sa Korte Suprema. Siyempre, tatanaw ng utang na loob ang mga matatalaga sa naglagay sa kanila sa puwesto -- LITO AMADOR ng Manila.
Tama lang ang ginawa ng defense panel na paghingi ng TRO sa SC. Masyado kasing below the belt ang ginagawa kay CJ Corona. Maraming labag sa batas ang pinapayagan ng Impeachment Court. Kung magkagulo, si P-Noy ang dapat managot. Siya ang puno’t dulo nito -- ED SOTTO ng QC.
P-Noy, asikasuhin mo muna ang mga problema ng bansa, tulad ng nasalanta sa lindol, baha, ekonomiya, kagutuman, krimen at kawalan ng trabaho, imbes pakikipag-date kay Grace Lee -- RIC CABUSAO ng Manila.
Salamat sa text nina: ANNE PADUA ng QC, ARLENE MANALO ng Pasig, SHERYL ROMANO ng Marikina, ROBERT GO ng Manila, LIZA ONG ng Manila, ANDY PAYAWAL ng Bulacan, CYNTHIA MARTINEZ ng Cebu, ALVIR REYES ng Parañaque, DARWIN ANTONINO ng Nueva Ecija at GINA PAMINTUAN ng Makati.
(Para sa inyong komento at suhesityo, tumawag o mag-text sa #0915-9462777/email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more