Vito, maaaring makabili ang iyong kapatid ng lupa


Kgg. na Atty. Acosta,

Nais ko pong humingi ng payong legal hinggil sa pagbili ng lupa ng aking kapatid. Ang aking kapatid ay isang dating natural-born citizen ng Pilipinas na ngayon ay isa nang British citizen. Hindi po siya dual citizen ng dalawang bansang nabanggit. Gusto ko lang pong malaman kung maaari po ba siyang makabili ng lupa’t bahay na may sukat na 105 sq. meters sa Maynila.


Lubos na gumagalang,


Vito


Dear Vito,

Ang mga sumusunod na probisyon ng ating Saligang Batas ang may kinalaman tungkol sa karapatan ng isang dating natural-born citizen na magkaroon ng lupa sa ating bansa.

“Sec. 7. Save in cases of hereditary succession, no private lands shall be transferred or conveyed except to individuals, corporations, or associations qualified to acquire or hold lands of the public domain.

“Sec. 8. Notwithstanding the provisions of Section 7 of this Article, a natural-born citizen of the Philippines who has lost his Philippine citizenship may be a transferee of private lands, subject to limitations provided by law.” (Emphasis supplied)

Gayundin, ang Section 2 ng Batas Pambansa 185 ay nagsasaad na:

“Sec. 2. Any natural-born citizen of the Philippines who has lost his Philippine citizenship and who has the legal capacity to enter into a contract under Philippine laws may be a transferee of a private land up to a maximum area of one thousand square meters, in the case of urban land, or one hectare in the case of rural land, to be used by him as his residence. In the case of married couples, one of them may avail of the privilege herein granted; Provided, That if both shall avail of the same, the total area acquired shall not exceed the maximum herein fixed.

In case the transferee already owns urban or rural lands for residential purposes, he shall still be entitled to be a transferee of an additional urban or rural lands for residential purposes which, when added to those already owned by him, shall not exceed the maximum areas herein authorized.”

Ayon sa nasabing probisyon ng ating Saligang Batas, kung ang isang tao ay natural-born citizen ng Pilipinas  at naging citizen na ng ibang bansa, maaari pa rin siyang makabili ng pribadong lupa sa Pilipinas.

Subalit ang karapatang ito ay may mga limitasyon. Ang mga limitasyong ito ay nasasaad sa Batas Pambansa 185.  Ayon sa nasabing batas, ang mga dating natural-born citizen ay maaari lamang makabili ng pribadong lupa na hindi hihigit sa isang ektarya kung ito ay rural land at isang libong metro kwadrado kung ito ay urban land at  gagamitin niya bilang kanyang tirahan. Samakatuwid, maaari pong makabili ang inyong kapatid ng lupa sa Maynila na may sukat na 105 metro kwadrado.

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Ang inyo pong lingkod- bayan,


PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC