Pati dollar account ni CGMA ’di na rin puwedeng buksan!


ASAHAN ang mainit pang pagsasadula ng Coronavela sa Senado ngayon dahil dedesisyunan nila mamayang hapon kung susundin ba ng impeachment court ang ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court para hindi pabuksan ang mga dollar account ni Chief Justice Renato Corona.

Nagtataka naman kasi tayo kay CJ Corona dahil kamakailan lang, ang yabang-yabang niyang magsabi na kapag may nakita raw na ari-arian na wala sa kanyang SALN (Statement of Assets and Liabilities and Networth) ay: “Sa Inyo Na!”, eh bakit ngayon lahat ng paraan ginagawa nila para hindi mabulatlat ang kanyang dollar account?

Akala ko ba ‘katotohanan’ at gustong isalba ni CJ Corona ang hudikatura kaya hindi siya nag-resign, eh mukhang hindi pagsalba ang nangyayari ngayon kundi itinutulak pa ng kampo ni Don Renato na magkaroon ng banggaan ang lehislatura at hudikatura? Isang banggaan na posibleng magdulot ng ‘constitutional crisis.’

Kung tutuusin, puwede namang hindi sundin ng Senado o impeachment court ang SC dahil wala naman silang ‘police power’ para ipatupad ang kanilang kautusan pero dahil maayos ang paghawak sa impeachment court ni Senate President Juan Ponce Enrile bilang presiding officer, hindi ito mangyayari dahil idadaan pa rin nila sa masinsinang ‘caucus’ ang magiging desisyon nila patungkol sa ipinalabas na TRO.

Sabi nga ni Senator-Judge Gregorio “Gringo” Honasan, mayroon nang nasaktan, mayroon nang banggaan, pero umaasa pa rin siya na sa bandang huli ay magkaayos ang SC, Senado at Kongreso.

Para sa akin, tama ang posisyon ni Quezon (4th district) Rep. Erin Tañada ng prosecution team na hindi magandang pangitain ang ipinalabas na TRO ng SC patungkol sa limang dollar accounts ni Corona.

Posibleng maging precedent ito o maging batayan sa mga susunod na araw para naman hindi rin mabulatlat ang mga pinaghihinalaang ‘dollar account’ ni dating Pangulo at ngayo’y naka-‘hospital arrest’ na Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Posibleng maging batayan din ito ni dating First Gentleman Mike Arroyo para hindi rin mapabuksan ang ‘dollar version’ ng kanyang Jose Pidal account dahil na rin sa nangyayaring ‘mafia’ sa Supreme Court.

Walo pong mahistrado ang bumotong pabor sa TRO, habang lima naman ang gustong pabuksan ang Corona dollar accounts.

Sa pagkakabunyag sa mga ari-arian ni CJ Corona at pamilya nito, posible kayang ipa-lifestyle check na rin ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang ating mga justices?

Kasi, kung may ganitong ari-arian si CJ Corona, posibleng hindi na rin mabilang ang ari-arian ng iba pa nating justices.

***

Kung bubuksan lang naman talaga ang dollar account ni Corona, matatapos na kaagad ang impeachment trial para maasikaso naman ng ating mga mambabatas ang iba pa nilang gawain.

Marami na kasi silang napapabayaan, tulad na lang itong matinding problema ng ‘shabu laboratory’ sa bansa.

Posibleng hindi ito napapansin ng ating mga mambabatas dahil sa pagiging ‘busy’ sa impeachment trial, pero nakakaalarma na ang sunud-sunod na raid na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ni ret. police Gen. Sonny Gutierrez dahil hindi na illegal drug shipment capital ang Pilipinas ngayon, kundi manufacturing base na tayo ng ipinagbabawal na gamot.

Noong Enero 7 at 14, dalawang shabu laboratory ang ni-raid sa mismong Ayala Alabang Village kung saan aabot sa P37 million na halaga ng shabu ang narekober; January 19 naman ang raid sa Caloocan City kung saan ay P1 billion halaga ng shabu chemicals ang nakuha; at January 30 ay halagang P40 million ng shabu naman ang nakuha sa Bgy. Ugong Norte sa Green Meadows.

Ang catch dito, ang lahat ng shabu chemicals                     na nakuha sa nasabing  raid ay nakapangalan sa isang WA Bitangcor Enterprises na isang ‘bogus’ company nang i-tsek nina Customs Commissioner Ruffy Biazon at Deputy Commissioner Danny Lim.

Ang mabigat pa, isang mataas na opisyal daw sa Malakanyang ang padrino ng WA Bitangcor  kaya nairehistro ito sa Interim Customs Accreditation and Registration Unit (ICARE) ng BOC.

Sigaw ng mga taga-PDEA, dapat ay magkaroon ng senate o Congress inquiry para mahubaran ng maskara ang nasa likod ng WA Bitangcor.

***

Isang impormante ang tumawag sa atin kahapon ng umaga, limang barko raw ang hinold sa Pier 10 ng Manila North Harbor dahil naglalaman ito ng multi-million pisong halaga ng troso.

Ilan sa barkong ito ay MV Chrysler at MV Hummer. Karamihan sa mga troso na hinihinalang produkto ng illegal logging ay galing daw sa Aurora, Surigao at Isabela.

Ang consignee nito ay Pacific Timber Export Corporation na may hinihinalang dokumento (R3-06-12312032). Sino kaya ang kakuntsaba nito sa DENR?

Sana sa mga oras na ‘to ay hindi pa rin nakakalabas ang mga naturang troso dahil alam naman natin na ‘illegal logging’ ang isa sa kalaban ng taumbayan kaya nasisira ang ating kalikasan na nagiging sanhi ng matinding trahedya.

Sabi nga, kung technical smuggling ay puwede pang palagpasin sa Customs, pero ‘wag naman ang  illegal drugs at illegal logging dahil maraming buhay ang nabubuwis sa katarantaduhang ito.

***

Nakunan daw ng video si Sec. Sonny Coloma habang nagwa-wangwang sa Rizal.

Ang dami na talagang nagkakalat sa Malakanyang. Nu’ng una, sina DILG Usec. Rico Puno, LTO chief Virgie Torres, Sec. Roland Llamas, ngayon naman si Coloma.

Hay tuwid na daan. Buti na lang in-love si P-Noy kaya lagi raw malamig ang ulo nito.

Pero easy lang kayo, kasi bago raw umalis sa puwesto iyong isang mataas na opisyal sa Palasyo, buong ningning daw nitong isinumbong kay P-Noy ang kalokohan ng isa pang mataas na opisyal ng Malakanyang na pati smuggling ay pinatulan na rin ng mamang ‘to.

’Wag kayong magtaka kung sa mga susunod na araw, magkagalit ang magkaibigan kasi kung may tuwid na daan si P-Noy, ang amigo naman nito ay may tuwid na bulsa as in lahat ng ‘tongpats’ ay diretso sa bulsa ng abogadong mama!



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC