KAHAPON sa unang bahagi ng aking lathalain ay natutunan natin ang marriage ay katulad ng pagpasok at paglabas ng pera sa bangko. Ang tawag dito’y ‘Love Bank. Ibinahagi ko sa inyo kahapon ang ‘Love Bank Deposit.’ Do you still remember the keyword? GAINS. Ngayon naman ay tignan natin ang mga aksyon na sa tuwing nangyayari ito’y nagwi-withdraw ng love units sa inyong marital love bank. Ito’y madali ring tandaan, ang keyword ay LOSER. You become a loser every time you do these things.
Una, “Lying.” This causes massive love bank withdrawals when discovered. Because of the closeness of marital relationship most likely it will be discovered, It’s just a matter of time. Ang marriage ay nakatayo sa pundasyon ng pagtitiwala. At sa tuwing ang pagsisinungaling ay nabubuking dahan-dahan nitong sinisira ang pagtitiwala. Ang sabi nga ni Benjamin Franklin, “A lie stands on one leg, truth on two.” Ito ang dahilan kung bakit hindi tumatagal ang pagsisinungaling. Sinusugan pa ito ni Abraham Lincoln, “No man has a good enough memory to make a successful liar” Ang sabi ni Apostol Pablo, “Do not lie to each other, since you have taken off your old self with its practices” (Col.3:9)
Pangalawa, “Oppressive Anger.” This means cruel, domineering, tyrannical, unreasonable and harsh anger. Hindi masama ang magalit ngunit hindi naman kinakailangan maging malupit kapag nagagalit. The book of Proverbs says, “Stupid people express their anger openly, but sensible people are patient and hold it back.” (Prov. 29:11) Mayroong mga tao na kapag galit ay masakit magsalita. Masyadong mapang-alipin ang mga pananalita na kung minsan nagmimistulang maid o boy ang kanyang asawa kapag kinagagalitan. Ito’y malakas makasira ng self esteem o pagpapahalaga sa sarili and this brings love units withdrawals. Aristotle said, “Anybody can become angry—that is easy; but to be angry with the right person, and to the right degree, and at the right time, and for the right purpose, and in the right way—that is not within everybody’s power and is not easy.”
Pangatlo, “Self-governing Attitude.” This defines as the conduct of one spouse that ignores the feelings and interests of the other spouse. You have to remember that marriage is partnership. Dahil ang marriage ay partnership, lahat ng iyong desisyon ay nakakaapekto sa buhay ng iyong asawa o buong pamilya. Kung kaya’t dapat lang na ang mga malalaking desisyon ay dapat ninyong pag-usapan at desisyunang dalawa, at hindi ng isa lang. Ang pagsasarili sa parte ng lalake man o ng babae ay nakakasakit sa relasyong mag-asawa. Ang ugali na gustong lagi siyang inuunawa ay very immature and unproductive attitude. Ang sabi Stephen Covey sa kanyang libro na ‘The Seven Habits of Highly Effective People’ – Habit #5 “Seek first to understand, then to be understood.” Sikaping unawain muna ang iyong asawa bago hanaping ikaw ay maunawaan niya.
Pang-apat, “Exasperating Habits.” These are the habits you openly told your spouse that please don’t do that. And the spouse keeps on doing, the idea is that he or she just don’t seems to care. Sa tagal-tagal na ng pagsasama ninyong mag-asawa, marahil natukoy mo na yung mga habits na paulit-ulit mong sinasabi sa kanya na please lang huwag mo na yung gagawin. Pero patuloy naman niyang ginagawa. Ang mga ito’y malakas umubos ng pondo ng pag-iibigan ng mag-asawa. Halimbawa, ang pakikipag-barkada at ginagabing pag-uwi. Ito’y gawi na dapat tigilan ng sinumang nais gumanda ang relasyong mag-asawa.
Pang-lima, “Rude Behavior.” Ang pagiging magaspang sa pakikitungo sa asawa. Ang kagaspangan sa pakikitungo ay maaring maipakita sa iba’t ibang kaparaanan. Una, “Verbal Rudeness” – ito’y ang mga masasakit na pananalita known as verbal abuses. Pangalawa, “Mental Rudeness” – ito nama’y ang unnecessary worries ng hindi pagsasabi ng iyong mga whereabouts. Pangatlo, “Physical Rudeness” – pisikal na pananakit sa asawa. Pang-apat, “Sexual Rudeness” – this refers to abuse, misuse and non-use of marital-sexual relationship. Kagaspangang seksuwal ang ika’y tikisin at pagkaitan ng iyong marital sexual privilege. Pang-lima, “Financial Rudeness” – ito’y sumasaklaw sa kakarimpot o kawalan ng pinansyal na suporta sa asawa at pamilya.
Ang ikinagaganda ng pagsasama ng mag-asawa ay tuwirang nakasalalay sa balanse at pondo ng inyong marital love bank.
Happy Heart’s Day!
ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more