Mag-impok sa bangko ng Pag-ibig


Ang pagsasama ng mag-asawa ay katulad ng pagpasok at paglabas ng pera sa bangko. Ang tawag dito’y ‘Love Bank.’ When your spouse brings you good feelings, love deposits are put into your love bank. However, when your spouse brings bad feelings love units are withdrawn. Tayo ay natural na naaakit sa mga taong nagpapagaang ng ating damdamin at napapalayo naman sa mga taong nakakasakit sa atin. Ito ang natural na galaw ng ating damdamin bilang tao. Ang emosyonal na reaksyon sa relasyong mag-asawa ay nakasalalay sa balanse ng pag-ibig na naka-deposito sa kanilang marital love bank.  

Kung ang marital relationship ay katulad ng pagbabangko ng pera, ano ang mga dapat nating ideposito sa love bank? Ito’y madaling tandaan, ang keyword ay GAINS. Malaki ang pakinabang o gains ng marriage kapag ang mga ito’y naideposito sa marital love bank.

Una, “Gift-Giving.” Ang pagbibigay ay mahalagang bahagi ng pag-ibig. You can give without loving but you cannot love with giving. Ipinamalas ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang Bugtong na Anak. (Juan 3:16; 1 Juan 4:10) Gayundin sa buhay mag-asawa, kailangang matutunan ng mag-asawa ang maging generous sa pagbibigay ng regalo sa isa’t-isa. Tiyaking huwag makalagpas ang mga mahalagang petsa ng birthdays at anniversary. Hindi kinakailangan sobrang mahal ng regalo at lagpas sa iyong kakayahan. Remember, it’s the thought that counts.

Pangalawa, “Added Time.” This means extra time. Not that you don’t have time with your spouse. The fact that you still see each other, it means that you have time. However, marriage requires added time or extra time. Tayo’y biktima ng mabilis na galaw ng mundo at dahil dito halos wala ng panahon ang mga mag-asawa upang mag-usap. Ang mga babae naturally are very relational talkers. Gustong-gusto nila ang panahon ng kuwentuhan. Ang mga ito’y natural na makuwento. Kung kaya’t kailangang gumawa ng panahon at magdagdag ng panahon para sa mas makabuluhang kuwentuhan. Ang bawat mainam na panahon na iyong ibinigay sa iyong asawa ay malaking deposito ng pag-ibig sa inyong love bank.

Pangatlo, “Instant Appreciation.” Ang daglian na pag-appreciate sa iyong asawa ay napakalaking deposito ng love units sa inyong love bank. Ang pag-appreciate ng kanyang mga nagagawa sa loob ng bahay o maging larangan ng kanyang trabaho. Ang mga ito’y maaring pag-appreciate ng kanyang mga katangian o kahusayan. The Bible says, “What you say can preserve life or destroy it; so you must accept the consequences of your words.” (Prov.18:21)

Pang-apat, “Natural Help.” Ang pagtulong ay dapat natural sa mag-asawa. Hindi na ito kailangang ipakiusap, hindi dapat pilitin, lalo’t hindi dapat pabayaran. The Bible says “Husbands, in the same way be considerate as you live with your wives, and treat them with respect as the weaker partner and as heirs with you of the gracious gift of life, so that nothing will hinder your prayers.” (1 Peter 3:7) Sa tuwing ang tulong na ibinibigay ay kusa at sagana, ito’y nangangahulugan ng malaking deposito ng love units sa inyong love bank.

Pang-lima, “Sexual Fulfillment.” Ang sex ay banal na kaloob ng Diyos sa mag-asawa. Itinuturo ng Biblia na ang higaan ng mag-asawa ay banal. (Hebreo 13:4) Hindi dapat pabayaan ng mag-asawa ang kanilang seksuwal ng relasyon. The Bible teaches, “Do not deprive each other of sexual relations. The only exception to this rule would be the agreement of both husband and wife to refrain from sexual intimacy for a limited time, so they can give themselves more completely to prayer. Afterward they should come together again so that Satan won’t be able to tempt them because of their lack of self-control.” (1 Cor. 7:5)

Ang ikinagaganda ng pagsasama ng mag-asawa ay tuwirang nakasalalay sa balanse at pondo na kayang maideposito sa kanilang marital love bank. Siyempre kung walang pag-ibig na naideposito, wala ring interest at ang masaklap na bahagi nito’y wala ka ring ma-withdraw. Sa ganitong senaryo ang relasyong mag-asawa ay nauuwi sa pagkalugi.

Maaring maiwasan ang pagkalugi ng inyong love bank. Mag-invest ka sa iyong marriage.

Sundan bukas ang ikalawang bahagi.

ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.-emi.ph



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC