ALAM natin ang sindak, pag-aalala at pangambang naghahari sa puso at isip ng mga naninirahan sa lahat ng panig ng Bisaya at Mindanao na biglang-biglang niyanig ng lindol na 6.9 ang lakas na nagwasak hindi lamang ng mga bahay at gusali, kundi pati ng mga lansangan at tulay. Ang masaklap pa nga, tila mandin hindi pa naging sapat ang malakas na lindol na nagpabuka ng lupa at sumindak nang walang katulad sa lahat sapagkat manaka-naka, nararamdaman pa ang malimit na pagyanig na aftershocks kung tawagin na hindi naiiwasang magpakaba sa dibdib ng mga taong sindak pa rin dahil sa kahindik-hindik na naging karanasan nila.
Ang totoo, sa alaala ng mga Pilipino, tila ang lindol na ito ang malaking pinsala sa ari-arian at maraming buhay ang kinitil, lalo na sa Negros Oriental, ang masasabing siya yatang lindol na pinakamalawak ang naidulot na pinsala sa Pilipinas. Dati-rati, ang lindol ay kaakibat na lagi ng pagputok ng bulkan. Tulad ng tinatawag na “Ruins of Cagsawa” sa Bikol na simboryo na lamang ang nakalitaw dahil nailubog ng pagputok ng bulkan at ngayon ay “tourist attraction.”
Ang malakas na lindol noong 1990 ay nagpabagsak sa isang kilalang otel sa Baguio City at sa gusali sa Nueva Ecija kung saan napakarami ang nasawi ay masasaklap na alaala ng mga pinsalang nagagawa ng lindol. Sa kasawiang palad, sa kabila ng mga makabagong kagamitan at maunlad na kaalaman sa agham na natutukoy kung saang panig ng daigdig ang tinatawag na faults o mga bitak sa kailaliman ng lupa na kapag natibag, lindol ang nagiging bunga, hindi natataya o nahuhulaan kung saang panig ng mundo at kung kailan lilindol.
At iyan ang nangyari sa Guihulngan, La Libertad at iba pang bayan ng Negros Oriental at ng Bisaya at Mindanao na naramdaman din sa Albay. Sinasabing noong 1948 o 55 taon na ang nakalilipas nang huling lumindol sa mga pook na ito dahil sa paggalaw ng tinatawag na undersea fault. Sa gitna ng pagkagimbal ng sambayanan, tila bulaklak na nanariwa ang damayan at malasakitan ng mga Pilipino. Sa pasimula, sila-sila lamang na magkakapit-bahay ang nagtutulung-tulong. Naging maagap din sa paglayo sa tabing dagat ang lahat dahil karaniwang ang malakas na lindol ay lumilikha ng mga dambuhalang alon o tsunami na higit na mapanganib. Sa kabutihang palad at sa awa ng Diyos, hindi naman nagka-tsunami sa Negros Oriental.
Ang masaklap na sinapit ng Guihulngan at La Libertad ay nagsilbing panggising sa mga Pilipino. Pinaalalahanan na naman ng Phivolcs ang lahat na tiyaking wala sa tapat ng fault lines ang bahay nila upang huwag mapahamak sakaling lumindol. Walang sinuman kung kailan at saan lilindol kaya may sagutin ang bawat isa sa atin na tandaang ang kaligtasan ng buhay ng mga kasambahay ang unang sikapin sa harap ng ano mang panganib, lalo na kung lumilindol. Sa harap ng ano mang uri ng panganib, dapat maging buo ang loob. Huwag bigyang puwang ang sindak na baka maging daan pa ng kapahamakan ng sino man sa ating mga mahal sa buhay.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more