NAGSIMULA nang magbungkal ang Bureau of Jail Management and Penology hinggil sa nasisipat na kapabayaan sa tungkulin at gawain ni Quezon City Jail Warden Supt. Joseph Vela… kaugnay ng pagsiklab ng gulo—teka, hindi naman lubusang sumiklab dahil naagapan nga pala ng mga nakatalagang tanod sa naturang piitan.
Naagapan man ang madugo’t malagim sanang salpukan ng magkaribal na tropa ng Sputnik at Bahala na Gang, naroon pa rin ang alitan ng magkabilang panig… at kapag hindi namagitan ang mga pinuno ng BJMP para mapagkasundo ang dalawang tropa, laging nasa bingit ng giyera patani pati na ang iba pang madadamay na bilanggo.
Maliit lang mitsa ng gulo—nagkairingan, nagkakulitan, nagsigawan ang isang Sputnik at isang Bahala na nagkatagpo sa kapilya ng bilangguan… muntik nang mauwi sa suntukan.
Mapapansin ng sinumang dadalaw sa Quezon City Jail na talagang magkahiwalay ng lugar ng umpukan ang magkalabang tropa—hindi talaga nagsasama-sama… sabi nga’y jailbirds of the same feather flock together.
Binangga daw ng Sputnik ang kasapi ng Bahala… nagkainitan na. Nakarating sa isang pinuno ng Bahala ang nangyari sa kapilya… nagbigay ng hudyat sa mga Bahala para upakan ang Sputnik.
"Sumugod na ang magkabilang grupo pagkatapos na malaman na may nakalaban ang isa sa kanilang miyembro. D’un na nagsimula ang gulo," pahayag ng isang preso.
Pero bago nagpang-abot ang dalawang pulutong, nakahalata ang mga jail guards… nagpaugong ng alarma’t susugod din para mapigil ang bakbakan.
Nangyari ‘to nitong Pebrero 8 pero hindi lumabas ang ulat sa media, itinago marahil. O nasupalpalan na ang mapagkukunan ng balita hinggil dito—kasi nga’y tiyak na basa na naman ang papel ni Vela, at baka masibak pa sa puwesto.
Kung tutuusin, para lang sa 500 hanggang 800 bilanggo ang QC Jail, pero mahigit sa 2,000 ang nakapiit dito—at nakakapanlumo na mismong mga taga-International Committee of the Red Cross ang nagpahayag na sa mga bilangguan sa bansa, karaniwan nang 8-10 bilanggo ang pinagkakasya sa apat na metro kwadradong puwang…
Nabanggit na rin natin dito na may 70 kaso ng tisis o pulmonary tuberculosis sa QC Jail at ilan sa mga maysakit ang may taglay sa tinatawag na antibiotics-resistant PTB—‘yung hindi na kayang gamutin.
Hindi lang riot o madugong pagsiklab ng gulo ang namumuo sa QC Jail. Higit na matindi ang panganib ng PTB epidemic na malaki ang posibilidad na kumalat pati na sa mga kalapit na kabahayan, pati sa kanugnog na Ramon Magsaysay High School-Cubao….
Sana’y higit na masusing pagsisiyasat ang isagawa ng BJMP sa mga milagrong nagaganap sa QC Jail
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more