Kgg. na Atty. Acosta,
Kapapanganak lang po ng kapatid ko. Sa kasamaang palad, hindi po sila kasal ng ama ng bata. Ngayon, naguguluhan po kami kung ano ang ilalagay na apelyido sa kanyang anak. Halimbawang isunod po namin ang apelyido ng bata sa ama, maaari po bang makuha nila sa amin ang baby? Pumapayag naman po ang ama at pamilya nito na ipagamit ang apelyido nila ngunit may mga kondisyon gaya ng pagbisita ng baby sa kanilang bahay.
Ito po ba ay isang basehan para makuha sa amin ang bata?
Lubos na gumagalang,
Jojo
Dear Jojo,
Dahil sa hindi kasal ang inyong kapatid sa ama ng kanyang anak ay maituturing na isang illegitimate child ang kanilang anak. Sa pangkaraniwan, ginagamit ng illegitimate child ang apelyido ng ina na alinsunod sa Artikulo 176 ng Family Code of the Philippines na nagsasabi na: “Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother and shall be entitled to support in conformity of this code. x x x”
Ngunit sa paglabas ng Republic Act 9255 o “An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father,” binigyan ng karapatan ang illegitimate child na gamitin ang apelyido ng kanilang ama kung sila ay kinikilala nito sa pamamagitan ng record ng kanyang birth certificate o sa kahit na anong pampublikong dokumento o sulat kamay niyang dokumento.
Nabanggit ninyo sa inyong liham na sumasang-ayon naman ang ama at pamilya nito na gamitin ng inyong pamangkin ang kanilang apelyido. Wala pong masama sa paggamit ng kanilang apelyido. Sa katunayan, ang paggamit ng apelyido ng ama ng isang illegitimate child ay isang patunay na siya ay kinilala nito bilang kanyang anak.
Hinggil naman sa inyong pangamba kung ang paggamit ng apelyido nila ay magiging dahilan sa pagkuha nila sa bata, nais naming ipaliwanag na hindi po ganoon ang mangyayari. Bagama’t nakasunod sa apelyido ng ama ang bata, mananatiling isang illegitimate child pa rin ito. Tanging ang inyong kapatid o ina ng bata ang may sole parental authority dito, alinsunod sa Artikulo 176 ng Family Code of the Philippines. Samakatuwid, walang karapatan ang ama ng inyong pamangkin na kunin at panatilihin sa kanyang pangangalaga ang bata lalo na kung hindi sumasang-ayon ang ina nito.
Bukod sa Artikulo 176, malinaw rin sa ikalawang talata ng Artikulo 213 ng kaparehong batas na ang isang bata na hindi tatanda sa pitong (7) taong gulang ay hindi hahayaan na mawalay sa kanyang ina lalo na kung hindi mapapatunayan sa hukuman na may sapat na dahilan upang ihiwalay ito.
Malinaw sa mga nabanggit na artikulo na sa sitwasyon ninyo, tanging ang inyong kapatid o ang ina ng bata ang may karapatan sa kustodiya nito. Ang tanging paraan lamang para makuha nila ang inyong pamangkin ay kung may pambihirang pagkakataon na magpapakitang walang kakayahan ang ina na gampanan ang kanyang mga obligasyon at tungkulin sa bata. Ito ay ipinahayag ng Korte Suprema sa kaso ni Joey D. Briones v. Maricel P. Miguel et al. (G.R. No. 156343. 18 October 2004), kung saan sinabi nila ang mga sumusunod: “Only the most compelling of reasons, such as the mother’s unfitness to exercise sole parental authority, shall justify her deprivation of parental authority and the award of custody to someone else. In the past, the following grounds have been considered ample justification to deprive a mother of custody and parental authority: neglect or abandonment, unemployment, immorality, habitual drunkenness, drug addiction, maltreatment of the child, insanity, and affliction with a communicable disease.”
Nais naming linawin na bagama’t nasa inyong kapatid ang sole custody ng inyong pamangkin ay hindi nangangahulugan na mawawalan ng visitation right ang ama nito.
Sa kasong Silva v. Court of Appeals (G.R. No. 114742. July 17, 1997), ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang ama ng isang illegitimate child ay mayroong inherent at natural rightbilang magulang ng naturang bata. Ayon sa korte, “Parents have the natural right, as well as the moral and legal duty, to care for their children, see to their proper upbringing and safeguard their best interest and welfare. This authority and responsibility may not be unduly denied the parents; neither may it be renounced by them. Even when the parents are estranged and their affection for each other is lost, their attachment to and feeling for their offspring remain unchanged. Neither the law nor the courts allow this affinity to suffer, absent any real, grave or imminent threat to the well-being of the child.”
Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan.
Ang inyo pong lingkod bayan,
PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more