SA isang demokratikong bansa na kagaya ng Pilipinas, napakahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag.
Sa kanilang pagganap ng tungkulin ay madalas na nasasagasaan nila ang mga makapangyarihan sa lipunan.
Sila’y tinatakot, pinapapatay at madalas ay kinakasuhan ng libelo para lang perhuwisyuhin at patahimikin. Kung minsan, sila ay nakukulong dahil sa kawalan ng pangpiyansa at walang perang pambayad ng abogado.
Kaya dapat lang na suportahan ng mga mamamahayag, sa pamamagitan ng Nationbal Press Club, ang Senate Bill No. 83 ni Senador Jinggoy Estrada.
Ang nasabing Panukalang Batas ay naglalayong tanggalin ang parusang pagkakulong sa mga taong nagkasala ng libelo. Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang sinumang mapatunayang lumabag sa mga batas libelo ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon at magmulta ng P6,000.
Ayon kay Estrada, hindi dapat makulong ang mga lalabag sa libel laws dahil “such stiff penalty curtails freedom of expression.” Ayon pa kay Estrada, samantalang maaaring ibahagi ng isang journalist ang kanyang kuro-kuro tungkol sa mga kontrobersiyal na isyu sa tao, nananatili siyang “unprotected from the risk of imprisonment if convicted of libel.”
Ang parusang pagkakulong, sabi ni Estrada, “threatens journalists and other media personnel who criticize or expose alleged wrongdoings in government.”
Tama si Sen. Jinggoy, nakalulungkot isipin na sa kabila ng katotohanang isang demokaratikong bansa ang Pilipinas ay dito pa ang may pinakamaraming mamamahayag na pinapatay.
Sa totoo lang, maraming journalists ang atubiling magsiwalat ng mga kalokohan sa gobyerno dahil sa takot na sila’y makasuhan ng libelo, lalo na ang mga peryodista na nasa mga liblib na pook. Napakaliit na nga ng kinikita, madali pa silang saktan o patayin dahil sa kakulangan ng pulis sa kanayunan.
Umaasa tayo na bibigyang prayoridad ng Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na ito.
Tanggalin natin ang armas ng mga tiwaling lingkod-bayan para manakot ng mga miyembro ng Fourth Estate.
* * * *
Ang malakas na lindol na pumatay ng mahigit 100 katao sa iba’t ibang lugar sa Visayas noong Lunes ay isang nakalulungkot na pangyayari.
Kitang-kita sa mga larawang lumabas sa mga diyaryo kung paano nag-panic ang taumbayan, lalo na ang mga bata, kababaihan at matatanda habang lumilindol.
Ang masakit pa, nang kumalat ang balitang baka magkaroon ng tsunami sa iba’t ibang lugar, kasama na ang Cebu, ay lalong nataranta ang mga tao.
Sariwa pa kasi sa kanilang isipan ang lindol at tsunami na kumitil ng maraming buhay sa Japan.
Maliwanag na nag-panic ang mga kababayan natin habang inuuga ng 6.9 magnitude na lindol ang maraming bayan at syudad sa Visayas.
Kaya naman dapat magkaroon ng nationwide inspection ng mga tulay at gusali, kabilang na ang mga lugar na palaging maraming tao na kagaya ng school buildings, shopping malls, sinehan, hotels, restaurants at transport terminals.
Hindi ito ang huling lindol na tatama sa Pilipinas dahil ang ating bansa ay nasa tinatawag na “Ring of Fire.”
Ang mga lingkod-bayan ay kinakailangang may political will para i-condemn ang mga istrakturang nanganganib bumagsak kapag lumindol kahit ’di kalakasan.
Dapat ring siguraduhin ng gobyerno na huwag gumamit ng mga inferior materials sa paggawa ng mga gusali, tulay, kalsada, dam, dike at iba pang infrastructure, kasama na ang proyektong pinondohan ng pork barrel ng mga mambabatas.
Marami kasing naniniwala na maraming proyekto ng DPWH ay sub-standard dahil sa laki ng mga komisyon na ibinibigay sa mga kongresista, gobernador at iba pang lokal na opisyal.
Muli, sana, magsilbing leksiyon sa ating lahat ang nangyaring lindol sa Kabisayaan.
MGA REKLAMO AT REAKSIYON
Paano uunlad ang ating bansa kung ang mismong Pangulo natin ay walang inatupag kundi ang kanyang lovelife at pagpapa-impeach sa mga opisyales na inaakala niyang kaalyado ni GMA -- JOSE MANALO ng Manila.
Sec. Llamas, kung may delikadeza ka, magbitiw ka na lang ng kusa. Paano niyo maitutuwid ang landas kung kapit-tuko ka sa kabila ng iyong kapalpakan -- ETOY BULURAN ng Malolos, Bulacan.
Dapat itigil ni P-Noy ang panggigipit kay Corona. Mga bata niya puro abusado ‘di niya kayang sibakin -- BUDDY TAGUBA ng Montalban, Rizal.
Salamat sa text nina ED SOTTO ng QC, BENJIE DARIO ng Pasig, FLOR HERNANDEZ ng Laguna, ALLAN POBLETE ng Marikina, MYRNA PERALTA ng Pampanga, REMY OLIVEROS ng San Juan, GINA NONATO ng Manila, FERDIE LAPUZ ng Makati at DAVE PEREZ ng QC.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0915-9462777/email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more