P-Noy tiwala kina Biazon, Lim


MUKHANG hindi na masyadong pinapansin ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers ang mga reckless bus drivers dyan sa  killer highway o Commonwealth Avenue at maging sa Quirino Highway, Macapagal Ave., EDSA. Quezon Ave., at iba pang malalaking daan.

Rumaragasa at walang kiber sa pag-swerve kaliwa’t kanan ang mga tsuper ng mga pampasaherong bus sa nasabing mga kalye na madalas ay nakakasagi ng maliliit na sasakyan lalo na sa hating gabi at madaling araw.

Ayon sa aking mga espiya, mga nakadroga ang karamihan sa mga bus drivers na rumaragasa sa mga nasabing kalye sa  madaling araw at sa hatinggabi at hindi alintana ng mga ito kung sila ay may napipinahan at napipinsalang maliliit na sasakyan.

Kahit na umano sa oras na dapat ay maraming nagbabantay na MMDA traffic enforcers sa lansangan ay nilalabag  ang speed limit na 60 kph  sa pag-uunahan sa pagkuha ng mga pasahero.

Hihintayin pa ba nating magkaroon muli ng malaking sakuna bago tayo muling magsikilos at pairalin ang ‘ningas-kugon’ na pagbabantay sa mga lansangan?

* * * *

At sino naman itong traffic enforcer na may dalawang motorsiklo na gabi-gabi mula alas-9 hanggang kinabukasan ng madaling araw ay masipag na nagbabantay ng mahuhuli sa panulukan ng Buendia St. at Taft Avenue dyan sa Pasay City?

Inaabangan nitong si traffic enforcer, na nagtatago sa dilim, ang mga sasakyang galing ng Buendia mula Roxas Boulevard na kakaliwa sa Taft Avenue, na inaabot ng ‘red signal light’ at bigla niyang bubulagain pagtapat sa kanya.

Hindi po tinitikitan ni traffic enforcer sa dilim ang kanyang mga hinuhuli at pwersado itong nagde-demand ng lagay at kung hindi ay tatakutin niya ang motorista na dadalhin sa presinto matapos taniman ng drugs o deadly weapon ang hinuhuli.. tskkk… tskkkk., tskkkk.

* * * *

Ipinakita ng Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang buong tiwala at suporta kina Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon at Deputy Commissioner Danny Lim, nang siya ay dumalaw sa tanggapan ng BOC noong Lunes.

Sa kanyang talumpati ay ipinakita ni P-Noy ang kanyang buong tiwala kina Comm. Biazon at DepCom Lim, na makakamit ng mga ito ang bagong ‘collection target’ ng bureau na P360 bilyon ngayong taon.

At ito ay nangangahulugan na dapat ay makakulekta ang BOC ng P1.3 billion araw-araw upang makamit ang target collection na ito.

Kayang-kaya po itong makamit ng bureau, G. P-Noy, kung walang magnanakaw at walang maliligaw sa inyong tuwid na landas sa mga kasalukuyang namumuno sa bureau at “kung”, takenote, makikipag-cooperate ang mga big-time at small-time player o importer na magparating ng kanilang mga importasyon.  

Hindi po sapat, Pangulong P-Noy, na purihin at suportahan lang nyo ang dalawa niyong pinagtitiwalaang opisyal ng bureau at ietsapwera ang mga ‘rank and file’.

Kung wala pong  kooperasyon sa ibaba ay tiyak pong hindi makakamit ang target. Paano po kung pabagalin ng mga nasa ibaba at magtamad-tamaran ang mga ito sa  kanilang mga trabaho?

Na sa halip na 500 entry ang iproseso ng mga ito sa isang district port sa isang araw ay 100 entry na lang ang ipruseso ‘di bagsak din po ang koleksyon.

Sana bukod sa pagbatikos nyo Sir, sa tulad ng isang ordinaryong clerk na si Paulino Elevado, na natuklasang may Porche, Hummer at Range Rover luxury vehicles at naghabol pa at namaril ng ilang kabataan sa isang highway, ay pinuri nyo rin sana ang ilang matatapat na kawani ng Bureau na tumutupad sa kanilang mga tungkulin.

Marami pong tapat at silent workers dyan sa bureau na kahit di nyo lagyan o bigyan ng ‘tong-pats’ ay tinutupad ang kanilang tungkulin.

Kung napansin sana ni P-Noy sa kanyang pagdalaw sa bureau ang mga ito (dedicated and honest customs employees) at binigyan din ng pagpapahalaga marahil ay hindi mahihirapan ang mga kasalukuyang namumuno sa Bureau na makamit ang inaasahang P360 bilyon collection target ngayong taon.

Bagama’t marami pa ring katulad ni Elevado sa bureau sa kasalukuyan, ang mga ito ay unti-unting maaalisan ng maskara sa magiging tulong ng mga tapat at may dedikasyong kawani ng bureau.

Kaya bago maging huli ang lahat G. Pangulo, balikan nyo at bigyang pagpapahalaga ang mga tapat na kawani ng bureau na ang hinihintay ay pagkilala, pagtitiwala at suporta nyo sa kanila.

’Wag na po nating batikusing masyado ang isang tulad ni Elevado na nang matuklasan ang gawain ay nakasira sa dati nang sirang imahen ng customs, tutal alam na naman ng nakakarami ang masamang gawain nito at ang hustisya na at iba pang kinauukulan ang hayaan nating humabol at humusga  kay Elevado at mga tulad niya.

Isa lang umano si Elevado sa mga ordinaryong clerk ng bureau na may mga tagong yaman at ang nakamkam na malalaking halaga ng salapi ng mga ito ay bunga naman ng kanilang ‘closeness’ sa mga corrupt ding opisyal ng BOC na kinunsinti silang mangurakot.

At ngayong lumitaw na at nagpakita na itong si Elevado na bukod sa pagkakaroon ng Porche ay mayroon pa pala itong mamahaling sasakyan tulad ng Hummer at Range Rover. Mapapadali na ang pagbibigay ng hustisya at paghabol dito kung saan ba talaga nanggaling ang salaping kinita nito sa kabila ng pagiging ordinaryong clerk ng Bureau of Customs.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC