Melvin Sia, bakit pinayagang magpiyansa?


SANA hindi tuluyang makaiwas sa hustisya si Melvin Sia, ang Tsinoy businessman na inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pag-angkat ng walong kilo ng shabu!

Dismayado ako dahil pinahintulutan ng korte ang pansamantalang paglaya ng suspect nitong February 3 batay sa inihaing writ of habeas corpus petition ng kanyang abogado!

Buong akala ko non-bailable ang kasong drug trafficking sa bansang ito -- lalo na kung napakaraming droga ang nabawi sa suspect!

Magugunita na si Sia ay dinakip ng PDEA agents sa kanyang townhouse unit sa Green Meadows habang nasa akto nang pagtanggap ng package na naglalaman ng eight kilos ng metamphetamine hydrochloride (shabu) na ipinuslit sa pamamagitan ng isang courier service.

Sinunod naman ng ating mga operatiba ang lahat ng legal procedures sa pagsasagawa ng controlled delivery operation para matukoy at madakip ang nasa likod ng drug shipment. Hindi ko tuloy maunawaan kung bakit tila kumiling pa rin ang husgado sa argumento ng suspect!

Ang kaso ni Sia ay mayroon katumbas na kaparusahang life imprisonment sakaling  mapatunayan siyang guilty. Dahil sa bigat ng parusa na posibleng ipataw sa kanya, malaki ang posibilidad na tuluyan nang sumibat ng bansa ang suspect.

Umaasa tayo na magbababa ang Department of Justice (DOJ) ng isang hold departure order laban sa suspect. Subalit dapat din i-monitor ng mga awtoridad ang kilos ni Sia dahil posible itong magtago!

Para lang sa kaalaman ng ating readers, isa pang package para kay Sia na dumating sa bansa via courier service ang natuklasan ng Bureau of Customs (BOC).

Ito naman ay naglalaman ng kemikal na piperonal, ang main ingredient sa paggawa ng ecstasy! Ang package ay na-turn-over na ng BOC sa PDEA para magamit na ebidensya upang lumakas ang kaso kontra sa suspect.

Lumalabas sa aming imbestigasyon na bukod sa importasyon ng shabu, si Sia ay nag-aangkat din ng mga controlled precursors o raw materials sa paggawa ng iba pang uri ng droga.

Gayunpaman, si Sia ay malayang kumikilos sa ating lipunan sa mga oras na ito. Bakit?

* * * *

Binanggit ko sa aking huling column na malaki na ang ipinagbago ng Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ni Commissioner Ruffy Biazon. Hindi sikreto na ang BOC ang isa sa “pinaka” kung hindi ang pinaka corrupt na ahensya ng pamahalaan. Kaya batid natin ang bigat ng mga pagsubok na kinakaharap ngayon ni Comm. Biazon sa kanyang hangarin na ituwid ang sistema sa Aduana.

Sa okasyon ng 110th anniversary ng BOC sa halip na mga pag-puri, sermon ang inabot ng mga kawani ng BOC mula sa kanilang guest of honor na si Pangulong Aquino!

Iginiit ng Pangulo na aabot sa P40 billion ang nawawalang koleksyon ng pamahalaan taun-taon dahil lamang sa talamak na oil smuggling. Sinabi rin ni P-Noy na kanyang ipakukulong ang mga customs officials na mapapatunayang nakikipagsabwatan sa smugglers!

Nitong nakaraang linggo pormal ng sinibak sa pwesto si Deputy Customs Commissioner Gregorio Chavez dahil sa grave misconduct and abuse of authority. Ito’y matapos matuklasan na kinikikilan umano nito ang Sanyo Seiki Steel Corporation.

Marami pang kawatan na naiwan si dating Com. Morales! Ang ilan nga ay na-promote pa na halos ka-level ni Deputy Commissioner Danny Lim sa halip na tanggalin at kasuhan!  Nariyan pa rin ang dating bag man at tirador niya sa oil smuggling!

Pinatawan muna ng 90-day suspension si Chavez noong unang sumingaw ang alleged extortion hanggang nauwi na ito sa dismissal from service batay sa bigat ng ebidensya.

Pito pang customs officials ang nasibak din sa pwesto kasama niya. Pare-pareho sila na hindi na kailanman maaaring humawak pa ng anumang posisyon sa gobyerno.

Bagama’t minsan ay parang malupit, sa ganitong paraan lamang natin maitutuwid ang baluktot na sistema sa BOC. Tandaan natin na ang pagkunsinti sa smuggling ay pagkunsinti na rin sa economic sabotage!

Pinagkakait kasi nila sa taong-bayan ang mga serbisyo na mabibili ng taripa na makukolekta sana ng gobyerno. Saludo tayo kay P-Noy at kay Comm. Biazon sa kanilang pagsusumikap tuldukan ang katiwalian sa Aduana!

* * * *

Kasalukuyang ginaganap ngayon sa Tumaga, Zamboanga ang “Orientation Seminar on Barkada Kontra Droga (BKD) & Life Skills Training Program” sa pakikipag-tulungan ng Department of Education (DepEd).

Ang programa ay pinangunahan ng DDB Training Team na nagsimula nitong nakaraang Martes at magtatapos ngayong araw, Feb. 9.  Ito ay binubuo ng mga teachers, guidance counselors at principals mula sa DepEd Reg. 9 at ARMM.

Layunin ng programang ito na mapalaganap ang barkadahan laban sa droga sa lahat ng paaralan sa buong bansa at gayundin ang pamamaraan kung paano makaiiwas sa tukso ng droga lalo na ang ating mga kabataan.

(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC