NATAWAG ang aking pansin sa kaso ng dalawang dayuhan na naging dahilan upang mabilad ang ‘double-standard’ na katarungan na ibinigay ng mga namumuno sa dalawang ahensiya ng ating pamahalaan sa ilalim ng Department of Justice (DOJ), na ayon sa aking mga espiya ay pinagkakitaan umano ng milyun-milyong piso ng mga awtoridad ng nasabing mga tanggapan.
Ang tinutukoy ko ay ang kaso ng pagkakatakas sa St. Luke’s Medical Center sa Global City sa Taguig City, ng isang Korean national na nasa ilalim ng kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) at ang pagkaka-kidnap naman ng isang babaing ‘undocumented’ Japanese national na umano’y pinagkaperahan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa kaso ng Korean national na si Kim Tae Dong, 54, ito ay tumakas sa kanilang bansa matapos umanong lokohin ang kanyang mga kababayan ng mahigit sa US$ 8 million o mahigit sa P360 million, na kung saan siya ay nagtago sa Pilipinas.
At kaugnay nito, hiniling naman ng Korean Embassy sa pamahalaan ng Pilipinas na hanapin at dakpin ang ‘fugitive’ na si Kim Tae Dong, na madali naman nilang nasakote at nadala sa piitan ng BI na nasa ilalim ng kustodiya ni BI Intel Chief Atty. Mangrobang.
Habang nasa kustodiya ng BI ay hiniling ng fugitive na si Dong na siya ay maipagamot dahil sa hypertension, diabetes at abdominal pain na agad naman pinagbigyan ng pamunuan ng BI sa ilalim ni Commissioner David.
Nakakapagtaka po ang napakabilis na pagpayag ng mga opisyal ng BI na madala agad ang fugitive sa St. Luke’s sa Taguig, na kabaligtaran ng nangyari sa ating dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kung ilang linggo ang nakalipas bago ito payagan ng pamahalaan na ma-ospital gayung mas malala ang kalagayan ni PGMA kesa sa fugitive na si Dong.
Ang hindi po maganda dito, habang naka-confine ang fugitive sa St. Luke’s ay bigla itong naglaho nuong bisperes ng Pasko (Dec. 24, 2011), dahil sa kapabayaan ng mga taga immigration na dapat magbantay dito.
Ang balita ng aking mga espiya ay “P50M question’ umano ang pagkakatakas ni Dong sa kustodiya ng BI sa St. Luke’s Global City at ang ipinagtataka ng marami ay ni hindi natinag sa kanyang pwesto ang tauhan ni Comm. David na si Atty. Mangrobang, gayung klarong-klaro ang kapabayaan nito sa pagkakatakas ng ‘fugitive’ tskkk.. tskkk..tskkk…
* * * *
Malaki naman ang pagkakaiba ng kaso ng undocumented Japanese woman na si Noriyo Ohara, 32, sa kaso ni Kim Tae Dong, dahil ang Japanese national ay kinidnap umano ng mga tauhan ng NBI, matapos magtungo sa Pilipinas upang magtago sa Japanese crime syndicate na humahabol sa kanya.
Nagtungo po si Ohara sa Pilipinas, at matagumpay na nakaiwas sa mga miyembro ng Japanese crime syndicate matapos kupkupin ng isang mabuting pamilya sa Bugallon, Pangasinan, na nagsilbing kanyang mga ‘foster parents’.
Pero ang kanyang pagtatago ay nadiskubre hindi ng mga Japanese crime syndicate na humahanap sa kanya, kundi ng mga NBI agents na iniisip na sila ay magkakapera sa Haponesa dahil sa pagiging ‘undocumented alien’ nito.
Ang pagkakatuklas sa kanyang kinaroroonan ng mga tauhan ng NBI ang simula ng kanyang kalbaryo dahil matapos siyang kidnapin ng mga kumuha sa kanya ay ipinatutubos sa halagang P100 milyon na bumaba sa halagang P16 milyon. Naganap ang bayaran sa mismong gusali at tanggapan ng NBI.
Si Ohara ay na-detain sa NBI sa isang kaso na ang Bureau of Immigration ang siyang dapat humawak.
Mabuti naman at sa paghahanap ng hustisya ng mga ‘foster parents’ ni Ohara ay na-expose ang mga katarantaduhan ng mga sakim na nais magkapera sa kanya, na naging daan upang matanggal sa pwesto ang mga gahamang dapat ay magbigay proteksyon sa publiko.
Sa kaso ni Ohara nabigyan ito ng hustisya, pero sa kaso ng Korean fugitive na matapos tumakas sa pagamutan ay tila wala yatang hustisya na naibigay sa dapat bigyan.
Bakit kanyo, nang tumakas ba si Dong ay nag-utos ba agad ang DOJ na magsagawa agad ng imbestigasyon? At bakit hinayaan ng DOJ na mismong mga taga BI ang nagsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa fugitive na sila ang may hawak?
Sa kaso ni Ohara ay ang DOJ ang humawak ng imbestigasyon sa mga tauhan ng NBI na hininala nilang kumita ng milyon.
Pero sa kaso ng fugitive na si Dong, na napabalitang ang matagumpay na pagtakas nito ay bunga ng may US$2M at P50 milyong nagpalipat-lipat sa mga kamay ng taga-BI. Bakit hindi ang DOJ o ibang independent body ang nag-imbestiga.. tskkk...tskkkkkk.
Ang matagal na pagkaka-confine ng Korean fugitive sa St. Luke’s Medical Center na naging dahilan ng kanyang pagtakas ay dapat panagutan ng mga namumuno sa Bureau of Immigration at wala nang iba.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more