MATATANDAAN ng loyal readers ng column na ito ang aking balita tungkol sa pagkaka-aresto sa isang babaeng Kenyan na nagtangkang magpuslit ng tatlong kilo ng shabu papasok ng Mactan International Airport noong Setyembre ng nakaraang taon.
Bilang update sa ulat na iyan, nais kong ibalita na convicted na si Asha Atieno Aguto, 25 years old, Kenyan national, sa salang paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Habambuhay na pagkaka-bilanggo at P3 milyon multa ang kaparusahan na ipinataw ng hukuman kay Aguto. Ang hatol ay ibinaba kamakailan ni Judge Toribio Quiwag ng Lapu-Lapu City Regional Trial Court Branch 27 batay sa mabigat na ebidensya kontra sa babaeng dayuhan. Hinimatay umano si Aguto nang binasahan siya ng sintensya.
Iginiit ng prosecution na tinangka ni Aguto na i-smuggle papasok ng Pilipinas ang tatlong kilo ng methamphetamine hydrochloride (shabu) sa loob ng kanyang bagahe nang siya’y dumating mula sa Doha, Qatar.
Sa kabilang panig, walang naiharap na anomang katibayan si Aguto na magdudulot ng anumang pagdududa sa kanyang kasalanan. Naniniwala ako na naging fair at impartial ang korte sa pagtimbang ng kaso laban sa nasasakdal.
Maituturing na isang malaking tagumpay ito sa kampanya natin kontra sa iligal na droga sapagkat bihira na mahatulan dito sa ating bansa ang mga dayuhan.
Ito’y kahit nalalaman nating lahat na mga international syndicates ang pinakamalalaking drug traffickers sa Pilipinas! Sana ang kaso ni Aguto ay magsilbing buena-mano sa marami pang successful convictions laban sa mga dayuhan na nagkakalakal ng kamatayan sa ating lipunan!!
* * * *
Salamat kay Department of Justice (DOJ) Usec. Francisco “Toti” Baraan! Muntik na naman tayong mapalusutan ng isang malaking kaso laban sa isang Filipino-Chinese businessman na pinag-hihinalaan importer ng shabu mula sa China.
Mantakin n’yong isang “non-bailable case” ang kaso nito na pinalaya ng Quezon City Prosecutor’s Office sa dahilang ito raw ay nangangailangan pa ng mas malalim na imbestigasyon!
Sa halip na bale-walain at matapos i-review ang resolusyon, iniutos ni Usec. Baraan na sampahan ang suspek ng two counts “for importation of prohibited drugs,” six counts “for importation of controlled precursors or essential chemicals” at one count “for possession of dangerous drugs.
Sa kanyag pagre-review, nakita ni Usec. Baraan na naipakita ng PDEA na nasubaybayan nito at nai-follow-up ang mga transaksyon maging sa e-mail at ang pagpapa-release ng mga package hanggang sa ika-9 na package ng droga.
Paano na lang kung hindi naging maagap si Usec. Baraan??? Malamang na nakalabas na naman agad ng bansa ang suspek!
Pag ganito ang sitwasyon, napapa-isip ang inyong lingkod at nanghihinayang sa programang isinasagawa natin kung saan ang ating participants ay mga judges, prosecutors at law enforcers!
Patuloy po ang ating pag-ikot sa iba’t-ibang panig ng bansa para sa seminar na ito na hinihiling pa nga ng ibang law enforcement agencies nang sa ganun ay patuloy na makatulong sa pag-papalakas at pagpapatibay ng kaso laban sa droga.
Ginagastusan po natin ang bawa’t seminar dito sa DDB kung kaya’t hindi ko maiwasang manghinayang pag may ganitong kuwento! At hindi ko rin talaga maiwasang madismaya! Sana konti lang ang katulad n’yang prosecutor dito sa Pilipinas!
* * * *
Lubos akong nagagalak na tila unti-unti nang nalilinis ang Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ni Commissioner Ruffy Biazon!
Patunay nito ang pagkakasibak kamakailan sa isang mataas na opisyal ng BOC dahil umano sa kasong extortion. Si Deputy Customs Commissioner Gregorio Chavez ay sinibak sa puwesto dahil sa grave misconduct and abuse of authority. Ang 13-page order na pinairal nitong January 26, ay pinirmahan mismo ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr.
Lumalabas na tinangka ni Chavez na kikilan ang Sanyo Seiki Steel Corporation. Subalit sumingaw ang kanyang mga balakin dahilan kung bakit siya’y pinatawan muna ng 90-day suspension habang iniimbestigahan ang kanyang kaso.
Lumabas sa pagsisiyasat na nagkasala nga si Chavez kaya ang kanyang suspension ay nagtuloy-tuloy na sa dismissal from service. Habambuhay din siyang disqualified na humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.
Pito pang mga customs officials sa ilalim ni Chavez ang nasibak din sa kanilang mga puwesto kaugnay ng extortion case. Ito marahil ang maituturing na pinakamalaking “massacre” ng mga buwaya sa BOC sa loob ng mahabang panahon! Mayroon din palang katapusan ang maliligayang araw ng mga kawatan sa Adwana!
Ang mga tiwaling opisyales ng BOC ang nagbigay ng pinakamatinding sakit ng ulo sa akin noong ako ay pinuno pa ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ilan taon na ang nakakaraan. Mas malaking problema pa sila kaysa sa mismong mga smugglers! Sila kasi ang mga protektor ng smugglers!!
Marami pa ang mga buwayang natitira sa loob ng BOC na may sakit na kanser sa pangungurakot! At ang kulturang ito ay napakalalim na sa pang-araw-araw na kalakaran sa BOC. Hindi ito basta na lamang mahihinto dahil sa pagkakasibak sa ilang mga customs officials. Gayunpaman, ito’y isang magandang simula!!
* * * *
Ano naman kaya ang gustong mangyari ng isang drug court judge umano ng Marikina City nang kanyang tanungin ang isang pasyente na naka-petisyon upang mag-pa-rehab ng “gusto mo bang mag-pa-rehab?” habang ang petisyon para sa isang “court order” ay dinidinig???
Naku po! Ano ba naman ang naisip ng judge na ito??? Ang pasyente ay karaniwang ipine-petisyon ng kanyang pamilya sa korte upang magkaroon ng “court order” na siyang requirement upang makapagpa-rehab!
Balita ko nga nakapasok na rin ang nasabing pasyente ng ilang araw sa rehab center sa pakiusap ng pamilya ngunit kailangan talaga ang opisyal na pagdinig ng korte sa hiling ng pamilyang “court order” upang maging legal naman ang kanyang pag-papagamot sa rehab center.
Ang isang “pasyente” ay hindi na kailangan pang tanungin ng hukom kung “gusto n’yang magparehab” sapagkat ang pagpa-file ng pamilya nito upang magkaroon ng “court order” upang s’ya ay maipasok sa rehab center ay isang matibay na katibayan na gusto nilang tulungan ang kanilang kaanak na gumaling mula sa pagiging adik!!!
Natural, ang isasagot ng pasyente ay “ayoko!” Sapagkat alam n’ya na ang pag-pasok sa rehab ay nangangahulugan ng kanyang pag-papagamot at pag-layo pansamantala sa kanyang pamilya!!!
Hindi na po tayo bago sa mga prosesong ito na pinag-titiyagaang daanan ng pamilya ng ating mga pasyente upang sila ay maibalik sa dati at normal na pamumuhay.
Mismong ang doktor na umeksamin sa pasyente at nagrekomendang magpagamot at ipasok sa rehab center ang mismong tumetestigo kapag dinidinig ang petisyon sa “court order” subalit tila hindi pinaniniwalaan ng judge na ito ang doktor kung kaya’t tinanong n’ya pa ang pasyente kung gustong magpa-rehab!
Ngunit kung ganitong judge naman po ang ating makakaharap sa bawat paghi-hearing upang magkaroon ng “court order” at makapagpa-rehab ang pasyente, mukhang madi-defeat ang ating layunin na sumagip ng buhay upang makapag-bagong buhay ang ating mga kababayang nalululong sa bawal na gamot!!!
Bakit ganito??? Kilala ang Marikina City na ka-agapay ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa matagal nang panahon pagdating sa kampanya laban sa iligal na droga, ngunit bakit ngayon bigla yatang nalihis ang kanilang programa mula nang magkaroon ng isang judge na ganito???
Sana naman, ang i-apoint na judge partikular sa mga drug courts natin ay isang taong alam ang kanyang trabaho sapagkat hindi lamang pagpapa-convict ang kanilang gagawin ngunit tutulong pa rin sa pagpapa-rehab ng mga pasyente!
Sa aksyon kasing ito ng nasabing judge ay lumalabas na kulang ang kanyang kaalaman sa problema ng droga! Para sa kanyang kaalaman, katulong natin ang Philippine Judicial Academy (PHILJA) sa pagbibigay ng mga seminars sa mga judges, prosecutors at law enforcers upang mapaayos at mapalakas ang mga kasong hawak nila laban sa iligal na droga!
Aware po ba kayo dito, mamang hukom ng Marikina City?
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
)
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more