Mga dugyot na tambakan sa San Jose Del Monte Bulakan


Ang tawag nila dito ay “sanitary” landfill. Ngunit ang itinatapon sa mga “sanitary landfill” na ito ay mga pinaghalong nabubulok at ‘di  nabubulok na tira-tirang bagay. May mga kemikal, kumpiskadong produktong agrikultural tulad ng mga gulay atbp. Kinumpiska ‘umano ito ng Bureau of Customs. Kung magkakahalong nabubulok at ‘di-nabubulok, basura ang tawag do’n.

Sa RA 9003 o Ecological solid Waste Management Act, dapat ay mga “residual wastes“ lang ang dinadala sa isang “sanitary” landfill. Halimbawa nito’y mga styrofoam, manipis na plastic bag, sachet, at

marami pang iba.

Kailan lamang ayon sa  Office of the Secretary ng Department of Environment and Natural Resources, tinanggal na raw ng Environmental Management Bureau (EMB) ng Region 3 DENR ang Cease and Desist Order sa Waste Custodian Management (Wacuman) sa Barangay San Isidro, San Jose Del Monte. Tinalakay ko na sa mga nakaraang kolum ko ang mga dahilan ng pagpapatigil sa naturang “sanitary” landfill. Ang Wacuman Slf ay nasa isang ancestral domain, watershed area, at agrarian reform community o ARC. Taniman ang mga barangay ng mga residenteng magsasaka.

Sa Cease and Desist Order para sa Wacuman, na nilagdaan ni EMB-Reg.3 Director Lormelyn Claudio, inilahad ni Claudio ang maraming paglabag na ginawa ng Wacuman kaya nila ito pinatawan ng CDO. Sa naturang CDO, makikitang sapat-sapat na ang mga dahilan ng maraming paglabag upang hindi lamang CDO ang dapat ipataw sa naturang kumpanya kundi cancellation na ng Environmental Clearance Certificate o ECC. Unang-una ay hindi nga ito dapat binigyan ng ECC dahil may paglabag na silang ginawa kahit wala pang inisyu sa kanilang ECC ay nagsagawa na sila ng clearing sa lugar na ngayon ay isa nang tambakan ng basura.

Mahigit anim na taon na ang nakararaan  kung hindi ako nagkakamali nang makaharap ko sa kapitolyo ng Bulacan si  G. Angelo na nagpakilalang isang engineer at siyang kinatawan ng Wacuman at si Engineer Jun Medina, head ng Provincial Environment Office ng lalawigan ng Bulacan. Sinabi ni Engr. Medina sa WACUMAN na hindi sila dapat nagsagawa ng anumang clearing operations sa Bgy. San Isidro kung wala pa silang ECC. Ito ay malinaw sa probisyon ng RA 9003.  Kung gayon ay may paglabag nang nangyari sa simula pa lang! Bakit sila nabigyan ng ECC? Anong klaseng sistema ng pagsunod ito sa batas?

Nakita ko ang ganda ng bundok na ito bago gawing tambakan ng basura ng WACUMAN. Nasa akin pa ang larawan ng mga mayayabong na puno at luntiang mga halaman sa Barangay San Isidro.

Sa isang liham na isinumite kay Sec. Paje ng mga residente kabilang ang mga kabataang estudyante, mga guro maging ang principal, ng apat na barangay malapit sa Wacuman “slf” ay inirereklamo nila ang palagiang mabahong amoy dahil sa basura, polusyon sa tubig at hangin, at ang kahilingang protektahan ang pagiging watershed, ancestral domain, at agrarian reform communities  ng apat na barangay. Ibig sabihin ay taniman ito ng mga magsasakang nakatira sa apat na barangay kabilang na ang kinalalagyan ng slf. Ito ang kanilang kabuhayan. Ang mga barangay na ito ay tinawag na bundok dahil papunta na ito sa paanan ng bundok ng Sierra Madre. Napakagandang lugar!

Sa ibaba naman ng SJDM, may isang ‘sanitary landfill” pa rin o glorified dumpsite sa Barangay Minuyan na higit na malaki ang lupang tinatambakan ng mga basura na noong una’y  basura lamang ng lunsod ng SJDM  ang itinatambak ngunit ‘di naglaon ay basura na ng mga bayan ng Bulacan ang itinambak. Ngayon ay nababalisa na ang mga mamamayan ng SJDM at dadalhin na diumano ang basura ng lunsod ng Kalookan sa kanilang lunsod. Magpapasukan na ang mga basura ng Metro Manila!

Ang tambakan ay kilala sa tawag na Virgilio Gonzalo Puyat o VGP “sanitary landfill.” Humarap na kay Environment Secretary Paje ang mga bata at magulang o mga residente ng mga barangay na apektado ng mabahong amoy ng Wacuman at VGP “sanitary” landfill. Sinabi ng isang magulang na taga- Bgy. Minuyan na dati ‘umano’y walang mga sakit tulad ng hika, pagtatae at sakit sa balat sa kanilang komunidad. Ngunit nang matayo umano ang VGP slf, hindi na nawalan ng nagtatae at hinihika lalo na sa mga bata.  Ang naturang ina ay isa ring barangay health worker kaya alam niya ang tunay na kalagayan ng kalusugan sa kanilang barangay.

Kaya dinggin sana ni Secretary Ramon JP Paje ang taghoy ng mga mamamayan ng San Jose Del Monte Bulacan, sapagkat bahagi rin ang SJDM ng kanyang pinagsisilbihan bilang pinuno ng departamentong nagtatanggol sa kalikasan na tahanan ng mga tao na kanya ring pinagmamalasakitan.

( This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC