DUMARAMI ang barangay sa Maynila na drug-free, taliwas sa mga balitang ang siyudad ay isa sa mga drug-infested local government unit sa Metro Manila.
Ayon sa record ng PNP at PDEA, may 75 barangays na ang idineklarang drug-free sa siyudad. Sinabi ni Mayor Alfredo S. Lim na ang mga barangay na ito ay may zero-record of apprehension.
Wala ring residente sa mga lugar na ito ang nag-undergo ng rehabilitation, ayon kay Manila Barangay Bureau chief Analyn Buan. Hindi na tayo nagtataka kung dumarami ang drug-free barangays sa Maynila dahil si Lim ay kilalalang numero unong kaaway ng mga taong sangkot sa illegal drug business.
Pero kahit galit si Lim sa mga drug lord at drug dealer, nakahanda naman siyang tulungang ma-rehabilitate ang mga drug dependents.
Para kay Mayor Lim, sila’y mga biktima na dapat tulungan.
Oo nga naman…
* * * *
Hanggang ngayon ay umaani ng kaliwa’t kanang papuri si Pangulong Noynoy Aquino kapag sinasabi niya sa taumbayan na “Kayo ang boss ko.”
Pero hindi yata pabor ang maraming lingkod-bayan, kabilang ang ilang mambabatas, sa sinasabi ni P-Noy. Hanggang ngayon kasi ay nandiyan pa ang Oil Deregulation Law na kinasusuklaman ng taumbayan.
Sa totoo lang, natutulog sa Kongreso ang mga inihain na panukalang batas na naglalayong ibasura ang Oil Deregulation Law.
Ito ay sa kabila na aminado ang lahat na kaya madalas ang pagtaas ng presyo ng fossil fuel ay dahil sa batas na ito.
Iilang lingkod-bayan lang ang may lakas ng loob para isulong ang pagbasura sa nasabing batas. Isa na rito si Anakpawis Partylist Rep. Rafel Mariano at Mitos Magsaysay.
Binatikos ni Mariano ang House Committee on Energy na pinamumunuan ni Rep. Heredina Abad “for ignoring public clamor to junk the Oil Deregulation Law.”
Sinabi pa ni Mariano na ang kanyang House Bill 4317 at iba pang kahalintulad na panukalang batas ay nakatengga sa komite ni Abad, asawa ni Budget Secretary Butch Abad.
Ang mga bill na ito ay naglalayong i-regulate, i-amend o i-repeal ang batas na matagal nang nagpapahirap sa mga tao , lalo na sa mhihirap.
Pati Malakanyang at DOE ay aminado na ang culprit ay ang pag-deregulate ng industriya ng langis.
Tama si Mariano, “This situation cannot go on forever. The government must stop acting helpless and without remedy,” dagdag pa ni Mariano. At huwag nilang kalimutan na ang mga mambabatas ay inihalal ng taumbayan upang maging mata, tainga at tinig ng publiko sa Kongreso.
Ang patuloy na kawalang aksyon ng komite ni Abad sa panukalang batas ni Mariano at ng iba pang mambabatas ay patunay na hindi sila sumusunod sa kanilang boss.
Ano ba ang dahilan at ayaw aksyunan ni Abad ang mga inihaing panukalang batas para maamiyendahan kung hindi man tuluyang maibasura ang Oil Deregulation Law?
Sa totoo lang, alam naman ng taumbayan ang tunay na dahilan. Ang masakit nito, bobolahin na naman ng mga tusong pulitiko ang mamamayan sa 2013 elections.
Siguradong kung anu-ano na naman ang ipapangako nila sa taumbayan. Kaya sana, matuto na ang ating mga kababayan.
Sa tuwing sasabihin kasi ng mga kandidato na bibigyan tayo ng magandang buhay, mukhang lalong sumasama ang takbo ng ating pamumuhay!
Tama ba, Pangulong A?
* * * *
MGA REKLAMO AT REAKSIYON:
Ronald Llamas, mag-resign ka na. Pabigat ka lang sa amo mo -- RIC CABUSAO ng Manila.
Sen. Drilon, kung hindi mo kayang pigilin ang pagsuporta mo sa prosecution, mas maige pa na mag-inhibit ka na lang -- ALOHA GARCIA ng Makati.
Habang dinidinig ang impeachment trial, sinasamantala naman ng mga oil companies ang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo. Masyadong mga swapang. Dapat tanggalin na ang oil deregulation law -- RIZZA ANTOLIN ng Parañaque.
Salamat sa text nina ED SOTTO ng QC, JONAT FERNANDO ng Valenzuela, ANDY MEDRANO ng Batangas, DAISY FLORENCIO ng Manila, GIRLIE ALMERO ng San Juan, MARILOU SANTOS ng QC, FERDIE RESUTA ng Pasig, MATILDE OLIVEROS ng Marikina, JEAN KHO ng Mandaluyong, CECILLE MATIAS ng Pampanga. ARTHUR RELOSA ng Las Piñas, DAVE MENDEZ ng Makati at SONNIE ROSALES ng Pangasinan.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0915-9462777/email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more