‘Petition for recognition of foreign judgment’


Kgg. na Chief Acosta,

Kasal po ako sa isang Hapon. Sa kasamaang-palad, hindi naging maganda ang aming pagsasama na nauwi rin sa hiwalayan. Nabalitaan ko po sa isang kaibigan sa bansang Japan na nagpa-divorce na raw po ang aking asawa. Halimbawang totoo po ito, ano po ang dapat kong gawin upang maging malaya na rin ako sa kanya?


Lubos na gumagalang,


Maan


Dear Maan,

Halimbawang nagpa-divorce na nga ang inyong asawa, upang makilala ang divorce decree dito sa ating bansa ay kailangan ninyong maghain ng petition for recognition of foreign judgment sa Regional Trial Court o RTC kung saan kayo naninirahan.

Dito ay kinakailangan ninyong magsumite ng isang authenticated copy ng inyong divorce decree. Kailangan rin ninyong patunayan na pinahihintulutan ng bansang Japan na magkaroon ng divorce ang Japanese citizens. Kailangan ninyong ihayag at patunayan ang partikular na batas patungkol sa divorce.

Upang mapatunayan ang tungkol sa isang foreign law, kailangan ninyong sundin ang nilalaman ng Seksyon 24 at 25 ng Rule 132 ng Rules of Court. Kailangan rin ninyong ipakita ang official publication o isang duly attested o authenticated copy ng naturang batas na ito.

Halimbawang wala sa Pilipinas ang mga nabanggit na dokumento, bukod sa mga nabanggit na dokumento sa itaas ay kinakailangan ring may kasamang certificate mula sa diplomatic or consular officer ng Philippine embassy o consular office ng Pilipinas na nakaistasyon sa bansang Japan o authenticated ng kanilang seal ang inyong magiging petisyon.

Kakailanganin ninyo ang serbisyo ng isang abogado upang kayo ay matulungan sa gagawin ninyong petisyon. Upang maging kwalipikado sa regular services ng aming tanggapan ay kinakailangang pumasa ang isang kliyente sa Merit at Indigency Tests alinsunod sa Republic Act No. 9406 o ang PAO Law, kaugnay ng Sections 2 and 3, Artikulo II ng  PAO Operations Manual, Office Order No. 137, Series of 2010.

Para sa Indigency Test, ang mga sumusunod na tao ay maituturing na indigent:

1. If residing in Metro Manila, whose net income does not exceed P14,000.00 a month;

2. If residing in other cities, whose net income does not exceed P13,000.00 a month; and

3. If residing in all other places, whose net income does not exceed P12,000.00 a month.

The term “net income” as herein employed, shall be understood to refer to the income of the litigant less statutory deductions.

“Statutory deductions” shall refer to withholding taxes, GSIS, SSS, Pag-ibig, Health Insurance and Philhealth premiums as well as mandatory deductions. For purposes of this Section, ownership of land shall not per se, constitute a ground for disqualification of an applicant for free legal assistance, in view of the ruling in Juan Enaje vs. Victorio Ramos, et al. (G.R. No. L-22109, January 30, 1970), that the determinative factor for indigency is the income of the litigant and not his ownership of real property.

To ensure that only those qualified shall be extended free legal assistance, the applicant shall be required to execute an Affidavit of Indigency, and to submit any of the following documents:

1. Latest Income Tax Return or pay slip or other proofs of income; or

2. Certificate of Indigency from the Department of Social Welfare and Development, its local District Office, or the Municipal Social Welfare and Development Office having jurisdiction over the residence of the applicant; or

3. Certificate of Indigency from the Barangay Chairman having jurisdiction over the residence of the applicant.

PAO lawyers and personnel shall exercise diligence in ascertaining the indigency qualification of said applicant/s.”

Samantala, ang Merit Test naman ay ang pagsusuri sa tibay ng inyong kaso base sa mga ebidensya at sa mga itinakda ng ating batas.

Upang kayo ay mabigyan ng libreng serbisyong legal, mangyari po lamang na kayo ay magsadya sa aming tanggapan na malapit sa inyong tirahan dala ang alinman sa mga nabanggit na requirements para sa Indigency Test. Ang amin pong mga opisina ay matatagpuan sa Hall of Justice ng bawat siyudad o munisipalidad.

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan.


Ang inyo pong lingkod bayan,

PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan


Paunawa:

Manood ng “Public Atorni” araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 4:30 ng hapon  sa TV5. Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes.  Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.

Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC