Dapat magkusa si Corona na pabuksan ang bank accounts


KUDOS kay Commissioner Ruffy Biazon sa 100th year anniversary ng Bureau of Customs.

Congrats, Mr. Commissioner! Sana tuloy n’yo ang reporma at lumpuhin mo nang husto ang mga kawatan at smuggling sa bansa.

Mag-ingat lang kayo sa isang nagngangalang Jet delos Sangkot na super siga sa hanay ng mga smugglers o tiwaling players diyan sa Aduana.

Matindi na raw kasi ang hidwaan ng grupo ni Jet at ret. Gen. Danny Lim at ret. Gen. Rey Ordonez ng Intelligence Group na ‘masisigasig’ sa pagtulong sa inyong kampanya laban sa smugglers.

Balita ko, malapit nang masagad si Gen. Lim sa mga aktibidades ni Jet na hindi tugma sa patakaran ni Com. Biazon.

Iyong tipo bang mas masahol pa raw sa pagiging ‘corrupt’ si Jet sa isang BOC employee na si Paulino Elevado na nabukong nagmamay-ari ng Porsche nang gulpihin, paputukan, habulin at tangkaing patayin ang anak ng isang pulitiko kamakailan.

Ang dapat daw kina Jet at Elevado ay talupan nang buhay, saka sabuyan ng sili at kalamansi ang katawan para hindi na pamarisan ng mga tiwali sa pantalan.

* * * *

Krusyal ang araw na ’to para sa Day 12 ng Coronavela sa Senado dahil ipipilit ng 11-man prosecution team na pabuksan ang mga bank account ni Chief Justice Renato Corona na magpapatunay na may $700,000 dollar account o P34 million ’to!

Bukod sa $700,000 dollar account, nakadeposito rin sa PS Bank account (Katipunan branch) ni Corona ang P1 million na napanalunan nito sa isang raffle mismo ng nasabing bangko, samantalang may multi-million-peso rin ang nakadeposito sa isa pang account ni CJ sa BPI bank-Ayala branch.

Sa ‘supplemental request for subpoena/reply’ na ihahain ng prosecution team, nais patunayan ng mga kongresista na malaking bagay ang paghalukay sa mga bank account dahil mapapatunayan dito na hindi kasama ang mga limpak-limpak na salaping ito sa idineklarang Statement of Assets, Liabilities and Networth ni Corona. Sa SALN kasi ni Corona, ang idineklara lamang nito noong 2002 ay P2.7 M; P3.3 M noong 2003; P3.3 M noong 2004; P3.3 M noong 2005; P2.5 M noong 2006; P2.5 M noong 2007, 2008 at 2009; at P3.5 noong 2010.

Ayon sa prosekusyon, kaduda-duda na kaagad ang mga SALN na ’to kasi sa nakalipas na hearing, nabatid na puro tseke ang ibinayad ni Corona nang bilhin ang ari-arian sa Bellagio Tower at Bonifacio Ridge sa The Fort. Ang mga ito ay pawang BPI account na may halagang P5 million (April 20, 2009); P5 million (October 17, 2008); P4.5 million (October 16, 2009) at P4.8 million (August 29, 2008).

Ibig sabihin, lalong mabubuko ngayon na hindi talaga nagdeklara ng kanyang tunay na ari-arian at salapi si Corona sa kanyang SALN dahil bukod sa mga tseke ng BPI na iprinisinta sa impeachment trial, malalaman din ang tunay na pera pa nito na nakadeposito naman sa PS Bank.

Ang dollar account ni Corona ay binuksan daw noong April 16, 2007 at ang initial deposit nito ay $700,000 mismo o tumataginting na P34 million.

Natatandaan ko pa, noong umaga ng Abril 16, bago umpisahan ang Day 1 ng impeachment trial, buong tapang na sinabi ni Corona sa kanyang talumpati sa labas ng Supreme Court building na limang  ari-arian lamang at hindi totoong 45 properties mayroon siya.

Sabi pa nga ni Don Renato, kung may makita kayong ‘ebidensiya’ ay “sa inyo na!,” patungkol sa mga ibinibintang na ari-arian sa kanya.

Ibig sabihin, may paninindigan si CJ at tiwala siyang malilinis nang husto ang kanyang pangalan kaya kung talagang may itinatagong milagro si Don Renato, wala ring dahilan para pigilan na mabulatlat ito sa trial ngayon.

Dito rin makikita kung katotohanan ba talaga ang gusto ng mga magigiting nating senador dahil sa pamamagitan ng mga bank accounts, mabubuko na nang husto kong gaano kalaking pera na ang naipon ni Don Renato simula nang mapuwesto ito sa Supreme Court.

At dahil katotohanan ang isyu, dapat mismong si Corona na ang magkusa na pabuksan ang kanyang account. Tutal naman, kumpiyansa siyang malulusutan ang walong articles of impeachment na isinampa laban sa kanya!

* * * *

Nagkasakit pala si Presidential Spokesman Edwin Lacierda na kasama ni Justice Sec. Leila de Lima na ipinadi-disbar ng isang nagngangalang Atty. Agustin Sundiam.

Kahit paos at namamalat, naobliga si Lacierda na pumasok sa Palasyo kamakailan para harapin ang mga opisyales at miyembro ng Malacanang Press Corps.

Para sa akin, lehitimo ang reklamo ng mga kapatid natin sa hanapbuhay na dapat pagtuunan kaagad ng pansin ng opisina ni Lacierda.

Sana, maayos kaagad ang ang problemang ito ng grupo nina Lacierda at Sec. Ricky Carandang.

Marami kasing ulupong diyan sa Palasyo na anumang oras handa kayong tuklawin para gatungan ang sinuman na siraan kayo kay Pangulong Aquino at sa taumbayan. Para naman sila ang humalili sa inyong puwesto.

Good luck po sa MPC at mabuhay ang malayang pamamahayag!



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC