CJ Corona gusto talagang alisan ng korona


Pursigido at determinado ang prosekusyon na alisan ng korona si CJ Corona. Tila sa itinatakbo ng impeachment proceedings gagawin ng prosekusyon ang lahat sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng Palasyo, mga kapanalig na Senator-Judges at ilang mga kakampi sa media para alisan ng korona ang Punong Huwes. Sa itinatakbo ng kasong ito, anuman ang maging katapusan nito – wala ng korona si CJ Corona. Kung siya’y mapawalang sala ng impeachment court, sirang-sira na rin siya sa opinyon ng publiko dahil sa mga ilang hindi patas na pagbabalita ng ilang media. Ang dating tahimik at pribadong buhay ng Punong Huwes, ngayon ay nakabuyangyang na sa publiko. Kung siya nama’y hindi palarin sa kamay ng mga Senator-Judges at hatulang maysala – may kasunod pa yan, kriminal na kaso naman dahil sa kanyang diumano’y mga krimen na nagawa. Panibagong paglilitis na naman yan hanggang sa humantong ang mga apila sa Korte Suprema.

Ang prosekusyon ay matusong naglalaro sa gitna ng kasong ito. Kung matalo sila impeachment court titiyakin nila na manalo sila sa opinyon ng publiko – sa pagsira sa katauhan ng Punong Huwes – at pagkatapos ng araw, mapilitan na lang siya’y magbitiw sa puwesto. Sa katapusan panalo pa rin sila.

Sumisigaw ng malakas ang panig ng depensa, “Foul!” Dahil diumano sa pagbibigay ng prosekusyon ng mga maselang impormasyon sa media. Ang publiko ay wala pang pinapanigan sa puntong ito – pero dahan-dahan ng nabubuo ang opinyon ng publiko, hindi pa man tapos ang kaso dahil sa isinusubo ng media sa publiko. 

Wala akong pinapanigan sa kasong ito. Ang sa akin lang ay sana maproteksyunan ang karapatan ng kahit sinong nasasakdal – The basic principle of justice states that one is considered innocent until proven guilty. Ang aplikasyon ng prinsipyong ito ay nagsasabi na legal na karapatan ng akusado sa kriminal na paglilitis na siya’y dapat ituring na walang kasalanan hanggang hindi pa napapatunayan. In my basic understanding is that the accused is always presumed innocent and it is the burden of the prosecution to prove the contrary. In fact, the accused has no responsibility to prove  his innocence – he is presumed innocent. The burden of proof is on the prosecution. Furthermore, in a criminal case the guilt has to be proven beyond reasonable doubt. The law requires that if reasonable doubt remains, the accused is to be acquitted.

Tandaan ninyo na ang Katuwiran at Katarungan ay pundasyon ng paghahari ng Diyos. The Bible says, “Righteousness and justice are the foundation of your throne.” [Psa. 89:14] Ang Diyos ay kilala sa kanyang katarungan. [Psa. 9:16]. Mahigpit ang tagubilin ng Diyos sa mga huwes na huwag magpapakita ng anumang pagkiling; huwag sirain ang hustisya at huwag tatanggap ng anumang suhol. The bible says, “for bribe blinds the eyes of the wise and twists the words of the righteous.” [Deut. 16:19]

Sa totoo lang, mayroon akong ilang reserbasyon sa isip sa pag-usad ng kasong ito. Sino ang maghuhusga sa Punong Huwes? Ang mga Senador  o ang Senado na maaaring minsan niyang nasagasaan sa mga desisyon na hindi popular mula sa Korte Suprema? Ang mga Senador na mayroong kinabibilangang partidong pulitikal? Ang mga Senador na mayroon mga pulitikal na ambisyon sa susunod na eleksyon? Ang mga Senador na lantarang kaalyado ng Pangulo? Ang mga Senador na ang kanilang pasya hinggil sa kasong ito ay maaaring pumatay sa kanilang pulitikal na ambisyon o kaya’y bumuhay sa naghihingalo nilang popularidad? Hindi kaya maging grandstanding lang ang impeachment para sa mga Senador na uhaw sa popularidad at media mileage? Nagtatanong lang po?

Tingnan ninyo – kung sa mata ng publiko si CJ Corona ay ‘guilty,’ hindi kaya maapektuhan ang paghusga ng mga Senador na tatakbo sa eleksyon 2013? Nagtatanong lang po? Ang paghusga ng mga Senador na “guilty” or “not guilty” para kay CJ Corona ay pulitikal na pagsasanay sa kalugihan ng Korte Suprema na kinakatawan ni Corona bilang Punong Huwes.

Ang nakikita kong malaking problema dito ay ang trial by publicity. Ang taong-bayan ay dahan-dahang bumubuo ng kanyang opinyon sa isyung ito na kanilang nakukuha mula sa media. Paano kung para sa taong-bayan siya’y guilty. Makaapekto kaya ito sa magiging hatol ng mga Senador?  O kaya nama’y para sa publiko siya’y ‘not guilty.’ Mag-iba kaya ang ihip ng hanggin?

Nasa kamay ng mga Senador ang paghusga kung si CJ Corona ay aalisan ng korona. Let me just remind our honorable Senators what Abraham said to God, “Far be it from you! Will not the Judge of all the earth do right?” [Gen. 18:25] Alang-alang sa Diyos at sa bayan, gawin ninyo ang tama. Humatol ng wasto ayon sa mga iniharap na ebidensya at testigo at hindi ayon sa agos ng opinyon ng iyong mga butante o kaya’y bulong ng inyong mga kapartido.

Tandaan ninyo isang araw haharap din kayo sa Diyos – ang tunay na hukom ng mga hukom.

ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC