Kung ang Diyos ang ating Ama


HINDI lahat ng tao sa mundo ay anak ng Diyos. Ang wika mismo ng ating Panginoong Jesus, “Kayo ay sa inyong amang diyablo…” [Juan 8:44] Ang maging anak ng Diyos ay desisyon na tanggapin ang Panginoong Jesu-Cristo sa iyong puso. Isinulat ni Apostol Juan, “Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.” [Juan 1:12] Apostle Paul writes, “For you have not received a spirit of slavery leading to fear again, but you have received a Spirit of adoption as sons by which we cry out, ‘Abba! Father!’” [Rom. 8:15] 

Ang panalangin na “Ama Namin” o tawaging Ama ang Diyos ay resulta ng umiiral nating relasyon sa Diyos. Ang Diyos ang ating Ama at tayo’y Kaniyang mga anak. Kung ang Diyos ang ating Amang sumasalangit, ano ang implikasyon nito sa ating personal at praktikal na buhay? Kung ang Diyos ay Ama, anong uri ng Ama ang Diyos? Ang katuwiran ng Panginoong Jesus – Kung kayong mga ama na likas na masama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, lalo’t higit ang ating Amang sumasalangit. Ang wika pa ni Jesus, ‘Sinong ama ang magbibigay ng bato sa anak na humihingi ng tinapay?’ Sinong ama ang magbibigay ng ahas sa anak na humihingi na isda?’ [Mateo 7:9-11]

Kung ang Diyos ang ating Ama ito’y larawan ng tunay at dalisay na pag-ibig. Isa sa mga maliwanag na katuruan ng Biblia ay ‘ang Diyos ay pag-ibig.’ [1 Juan 4:8] Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan at walang kondisyong nakakabit – sa wikang Ingles, “Unconditional Love.” Wala tayong nagawa para ibigin tayo ng Diyos. Inibig na tayo ng Diyos mula sa ating abang kalagayan bilang makasalanan, si Cristo’y namatay para sa atin. Apostle Paul writes, “But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us.” [Rom. 5:8] Kung minahal na tayo ng Diyos mula sa kalagayan bilang makasalanan at hindi karapat-dapat – ano ang maaari pa nating gawin upang lalo niyang tayong mahalin? Wala. Hindi tayo mas mahal ng Diyos ngayon kaysa ng tayong mga makasalanan pa. Hindi rin nababawasan ang pag-ibig niya sa atin dahil sa ating mga nagagawang kasalanan. Wala tayong nagawa o magagawa upang ibigin tayo ng Diyos – wala rin tayong maaaring magawa upang ang pag-ibig na ito’y alisin ng Diyos sa atin.

Ang ganito kadakilang pag-ibig ay hindi kayang maunawaan ng husto ng ating limitadong kaisipan. Ganito ang panalangin ni Apostol Pablo para sa mga mananampalataya, “Nawa’y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya. Dalangin ko na ang lahat ng inyong gawain ay nag-uugat sa pag-ibig upang lubusang maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig. At nawa’y malaman ninyo ang buong pagibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip upang kayo’y mapuspos ng kapuspusan ng Diyos.” [Efeso 3:17-19]

Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nagbabago. Ganito inilarawan ng Salmista ang pag-ibig ng Diyos: “Kung tatalikuran ang aking kautusan ng kanyang mga anak, at hindi lumakad sa aking mga batas, at ang aking mga tuntunin ay kanilang labagin, at ang aking mga utos ay hindi nila sundin, kung magkagayo’y ang kanilang mga pagsuway, sa pamamagitan ng pamalo ay aking parurusahan, at sa pamamagitan ng mga hampas ang kanilang kasamaan. Ngunit hindi ko aalisin sa kanya ang aking tapat na pagmamahal, o maging hindi tunay sa aking katapatan. Ang aking tipan ay hindi ko lalabagin, ni ang salita na lumabas sa aking mga labi ay aking babaguhin.” [Mga Awit 89:30-34] Ang ganito kagandang pangako ng pag-ibig ng Diyos sa Matandang Tipan na ayon sa kaugnayan ng tao sa Diyos batay sa dugo ng hayop - Isipin mo kung gaano higit na maganda ng maraming beses ang ekspresyon ng pag-ibig ng Diyos sa atin sa Bagong Tipan batay sa dugo ni Jesu-Cristo. 

Si Jesu-Cristo ang tanging garantiya ng mas mabuting tipan sa atin ng Diyos sa Bagong Tipan. Ayon sa maysulat ng Hebreo, “Sa gayon, si Jesus ay naging tagapanagot ng isang higit na mabuting tipan.” [Hebreo 7:22] Sa wikang Ingles, “Jesus has become the gurantee of a better covenant.” Ang Bagong Tipan ay mas maigi kaysa Lumang Tipan. Ang Bagong Tipan ay batay sa dugo at sakrispisyo ng Panginoong Jesu-Cristo. Hindi tulad ng dugo ng hayop sa Matandang Tipan. Ang ganito kagandang relasyon natin sa Diyos-Ama sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay inilarawan ni Apostol Pablo na permanenteng relasyon.

Isinulat ni Apostol Pablo, “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Cristo? Ang paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o ang tabak? Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan,  ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos—pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.” [Roma 8:35, 38-39]

Nais mo bang maging Ama ang Diyos? Tanggapin mo ang Panginoong Jesus sa iyong puso at ikaw ay magiging anak ng Diyos – at ang Diyos ay iyong magiging Ama. Basahin mo ng taus-puso ang panalangin na ito at maging anak ng Diyos. “Panginoon Jesus, ako po ay makasalanan. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at tinatanggap kita sa aking puso bilang Panginoon at sariling Tagapagligtas. Sa pangalan ni Jesus, amen”

ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC