Puwede bang gumawa ng ‘last will’ kahit walang abogado?


Kgg. na Chief Acosta,

Isang magandang araw po!

Nais ko po sanang malaman kung posible bang gumawa ang isang tao ng last will and testament kahit walang abogado na gagawa nito. Dahil hindi natin masasabi ang panahon, gusto ko sanang ako mismo ang gumawa ng isang will para maisaayos na ang kaunting naipon ko.

Lubos na gumagalang,

Fredo

 

Dear Fredo,

Ang will ay isang dokumento kung saan kusang loob na itinatakda ng isang tao kung paano paghahatian ang kanyang mga ari-arian na magkakaroon ng bisa sa panahong namatay na ito. Ang Article 783 ng Civil Code of the Philippines ay nagbibigay ng ganitong paliwanag:

“A will is an act whereby a person is permitted, with the formalities prescribed by law, to control to a certain degree the disposition of this estate, to take effect after his death.”

Sa batas ng Pilipinas, may dalawang uri ng will at ito ay ang notarial will at holographic will.

Ang notarial will ay pormal na dokumento na kailangang sumunod sa mga kahilingang itinakda ng Article 804 hanggang 809 ng Civil Code upang magkaroon ng bisa. Kasama sa mga kahilingang ito ay dapat na may acknowledgment ng isang notary public ang will at attested at subscribed ito ng tatlo o higit pang mga saksi (Article 805, Civil Code). Mahalaga na nasunod lahat ang kahilingan ng batas upang maging valid o may bisa ang will na ito.

Ang klase ng will na tugma sa iyong pangangailangan ay ang holographic will. Itinakda ng Article 810, Civil Code ang mga kahilingan sa paggawa ng holographic will.

“A person may execute a holographic will which must be entirely written, dated, and signed by the hand of the testator himself. It is subject to no other form, and may be made in or out of the Philippines, and need not be witnessed.”

Dahil sa pagiging simple ng kahilingan ng holographic will at hindi na kailangan ng acknowledgment ng isang notary public, maaari na kayo na mismo ang gumawa nito. Upang maging valid ang holographic will na gagawin ninyo, ang kailangan lamang ay nakasulat-kamay ninyo ang kabuuan ng dokumento, pirmado ninyo ito at mayroong petsang nakasulat dito. Kailangan din na ang will na ito ay nasusulat sa wikang alam ninyo (Article 804, Civil Code).

Maaari na ninyong itakda sa inyong holographic will kung papaano ninyo gustong ipamahagi ang inyong mga ari-arian sa panahong kayo ay pumanaw na. Gayunpaman, nais naming ipaliwanag na ang pagbabaha-bahagi ninyo sa inyong ari-arian ay hindi dapat maapektuhan ang legitimes ng inyong mga compulsory heirs, sang-ayon sa Article 886 ng Civil Code. Ito ay sa dahilang ang legitimes ay bahagi ng ari-arian ng isang tao na hindi niya maaaring ipamigay dahil ito ay inilaan ng batas para sa mga compulsory heirs nito (Article 886, Civil Code). Ang compulsory heirs ng isang tao ay ang mga tagapagmana nito kabilang ang kanyang anak, asawa at magulang ( Article 887,Civil Code).

Nawa ay malinaw naming nasagot ang iyong mga katanungan.

Ang inyo pong lingkod bayan,

PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan

Paunawa:

Manood ng “Public Atorni”  araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 4:30 ng hapon  sa TV5. Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes. Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.

Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury.

Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC