ANO raw ba ang ayaw ng 760 Private Emission Testing Center (PETC) operators sa recommendation ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Department of Transportation and Communications (DoTC) na alisin na ang threshold o ceiling sa smoke emission sa renewal ng mga vehicles?.
Ayon kasi sa balitang umiikot sa industriya ng PETC-DoTC at Land Transportation Office (LTO), magsasampa agad ng TRO ang mga PETC operators para pigilin ang lifting ng threshold oras na ipatupad ito ng DoTC.
Batay sa record ang natitikom na bayad sa emission testing ng mga sasakyan ay P2.7 billion bawa’t taon.
Batay kasi sa pag-aaral at observation ng OSG na pinagbasehan ng kanilang recommendation, ang threshold ay pinagmumulan ng corruption sa industriya ng emission testing sa pagitan ng PETC operators at tiwaling mga empleyado ng ahensiya.
Kung ang OSG ang masusunod, hindi dapat pinipigil at nilalagyan ng threshold o ceiling ang negosyo sa PETC o emission testing sa mga kotse dahil free trade tayo sa bansa.
Sa ngayon, limitado lamang sa 10,000 transaction (emission testing) ang ipinatutupad ng Land Transportation Office (LTO) sa bawat Motor Vehicle Inspection Center sa isang area.
* * * *
Speaking of LTO, nakakuha na raw ito ng clearance ang leadership ng LTO na nagbibigay ng permiso dito para ipa-bidding na ang papasong kontrata nito sa exclusive Information Technology Provider (ITP) nito.
Sa katunayan daw, noong nakaraan Huwebes at Biyernes habang isinasagawa ang regional meeting ng mga directors sa Central Office ng LTO , pinangunahan ng dalawang undersecretary ng DoTC ang isinagawang presentation ng ilang prominent ITP companies na gustong lumahok sa scheduled public bidding.
Minamadali raw ito ng DoTC dahil mage-expire na sa March 2013 ang contract nito sa IT Provider.
* * * *
Nagsoli raw ang finance office ng LTO ng P80 million saving funds sa National Treasury nitong nakaraang December 2011.
Marami palang savings ang agency pero bakit wala raw budget ang agency sa mga lubricant services sa mga sasakyan ng staff lalo na raw ’yung mga mobile services nito.
Sariling pera daw ng mga may staff cars ang ipinambabayad ng mga ito sa mga lubricants services gaya ng langis at iba pa sa tuwing ipase-service ang mga staff cars..
Wish din ng mga Job order employees sana raw huwag na nilang maranasang ma- delay ng apat na buwan ang kanilang sweldo dahil marami naman palang surplus saving funds ang LTO.
Ipagawa na raw ng LTO ang mga inconvenient odor sa mga comfort rooms ng ahensiya at ang mga sira-sirang mga district offices at mga defective air condition units nito.
* * * *
Tuluy-tuloy ang Performance Evaluation System (PES) ng National Capital Region-LTO sa mga empleyado nito, sa katunayan, natapos na ang batch ng mga district chiefs nitong nakaraang Sabado at sa darating na Sabado ay ang mga assistant district chiefs naman ang isasalang at susundan ng mga section chiefs.
Ayon sa Director ng NCR-LTO na si Atty. Teofilo “Jojo” Guadiz III, layun ng seminar na lalo pang sanayin at sumabay sa daloy ng panahon ang mga district heads ng NCR bilang mga public servants at bilang pagsunod sa alituntunin ng Civil Service Commission (CSC).
Maganda naman ito at sana raw pagbalik ng mga lumahok sa seminar ay lalo pang paigtinging ng mga ito ang kanilang serbisyo publiko bilang kanilang mga BOSS.
* * * *
Hindi nagkamali ang leadership ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na italaga si Army Major General Jolly Mabanta bilang bagong chief ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army based sa Visayas Region.
Dating division commander si MGen. Mabanta ng 7th ID naka-base sa Central Luzon.
Sana talaga raw hindi nagkamali ng expectation ang liderato ng AFP kay MGen. Mabanta dahil malaki ang pag-asang inaasahan ng mga mamamayan na kanyang nasasakupan ngayon.
Si MGen. Mabanta ay product ng PMA Class 1981 kasama si PNP-NCRPO Director Allan Madrid Purisima, at PNP Deputy Director for Visayas Napoleon “Nap” Estilles.
* * * *
Para sa mga reactions, pwede po kayong mag e-mail
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more