Fuel smuggling talamak pa rin!


TULUY-TULOY ang huli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP-AIDSOTF sa pagpasok ng taong 2012 at nakikita natin kung gaano kahalaga ang mga huling ito na sumasagip ng maraming buhay.

Sana ay ipagpatuloy ang paglansag sa mga sindikato at pagkahuli ng mga laboratoryo upang nang sa ganun ay tuluyan nang mabawasan ang ating problema sa iligal na droga.

Dahil dito, congratulations muli sa ating PDEA at PNP-AIDSOTF sa kanilang kasipagan!

* * * *

Nais ko lang pong bigyan ng isang mahalagang update ang ating readers kaugnay sa mga accomplishments ng Dangerous Drugs Board (DDB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Walong kilo ng shabu ang nasabat at isang suspected international drug trafficker ang aming naaresto sa isang controlled delivery operation noong Lunes

Nagsimula ang operasyon nang lumapag sa Diosdado Macapagal International Airport ang isang misdeclared package na naglalaman ng walong kilos ng metamphetamine hydrochloride (shabu). Sinundan namin ang package matapos itong i-pick-up ng courier service mula sa airport at ibyahe ito patungong Quezon City.

Nagtapos ang pagmamanman nang ihatid ito ng courier sa Unit 21B Enclave Townhouse sa No. 71 Green Meadows Ave., Barangay Ugong Norte. Personal na tinanggap ito ni Marvin Sia, isang 27-taong gulang na Tsinoy businessman.

Mabilis kumilos ang mga agents ng PDEA at kaagad nilang nadakip si Sia. Nabawi din ng walang bawas ang malaking shipment ng droga. Ang ating mga alagad ng batas ay pinahihintulutan gumamit ng ganitong uri ng “sting” operations sa ilalim ng Section 3, Article 1 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dahil sa pagsusunog ng kilay ng ating mga awtoridad, muli pong napigilan ang pagdaloy ng malaking halaga ng shabu sa supply chain ng ilegal na droga. Sadyang mahirap pong sundan ang isang maliit na package mula sa pagkakatanggap ng tip tungkol sa illegal shipment hanggang maiabot ito sa suspected drug importer! Itoý naging posible dahil sa pagtutulungan ng PDEA at ng Bureau of Customs (BOC). Congrats sa mga masisipag na operatiba ng PDEA at BOC!!

* * * *

Hindi sikreto na talamak pa rin ang fuel smuggling sa Pilipinas. Sa freeports at special economic zones pumapasok ang mga kontrabandong langis at mula doon ay dumadaloy na ito sa mga maliliit na gas stations sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Malaking halaga ng buwis ang nawawala sa ating gobyerno dahil sa smuggling ng oil products.

Mayroon pong tax exemption ang langis na ipinapasok sa freeports at ecozones. Pinapayagan ito ng gobyerno bilang ayuda sa mga investors at locators upang mapanatili nilang mababa ang kanilang costs.

Ito’y sa kondisyon na ang nasabing oil products ay ikokonsumo sa loob lamang ng freeport at hindi ito maaaring ibenta sa labas. Subalit mayroong mga indikasyon na hanggang 90% ng langis na pumapasok sa freeports ang naipupuslit din palabas!!

Walang duda sa aking isipan na ang oil smuggling ay nagaganap dahil sa pagkukutsabahan ng mga importers at tiwaling opisyales. Malakas po ang hinala ko na sangkot diyan ang ilang matataas na opisyal ng freeports at ng Bureau of Customs (BOC). Posible kayang mailabas ang milyun-milyong litro ng produktong petrolyo mula sa freeports na walang nakakahalata?

Noong ako’y pinuno pa ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ilang taon na ang nakaraan, ni-raid namin ang depot ng kumpanyang Oil Link. Doon namin nakita kung gaano kalaking negosyo ang pagpupuslit ng mga produktong petrolyo. Sari-saring paraan ang sinubukan ng pamahalaan upang ito’y mahinto subalit hanggang sa ngayon nariyan pa rin ang problema!

Malaking papel ang ginagampanan ng corruption upang maging posible ang oil smuggling. Subalit hindi ito ang ugat ng mas malawak na problema. Ang tunay na ugat nito ay ang mataas na demand para sa low-priced petroleum products! Bakit?! Sapagkat sobrang mahal ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ating bansa ngayon!!

Madalas kong naririnig na dumadaing ang mga executives ng malalaking oil companies tungkol sa oil smuggling. Subalit kung tutuusin, ang kanilang pagiging gahaman ang lumikha sa problemang ito!

Nakatitiyak ako na kung ibababa ng mga oil firms ng kaunti ang kanilang profit margins, hihina rin ang demand para sa smuggled petroleum. Opo, demand-driven ang oil smuggling kaya ang tanging solusyon dito ay  tanggalin o bawasan ang demand!

****

Batay sa pagsusuri ng Manila City government, 98 barangays mula sa kabuuang 896 barangays sa siyudad ang maituturing nang drug-free sa ngayon.

Bagama’t ang 98 barangays ay katumbas lamang sa halos 11 porsyento sa total barangays sa Maynila, itinuturing pa rin natin ito na isang tagumpay para sa pamunuang lungsod at sa Manila Police District (MPD).

Marahil bago pag-ibayuhin ng mga awtoridad ang kampanya kontra sa iligal na droga, lahat o halos lahat ng barangay sa capital city ay nasa ilalim ng impluwensya ng mga drug syndicates.

Ang pagiging drug-free ngayon ng maraming mga barangay sa lungsod ay indikasyon na nagbubunga na ang pagsusumikap ng national at local government kontra sa salot ng lipunan.

Umaasa tayo na dahil sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan at ng MPD, mas marami pang mga barangay sa Maynila ang mapapabilang sa talaan ng mga drug-free barangays bago magtapos ang 2012.

Binabati natin ang lahat ng mga bumubuo sa pamunuang lungsod ng Maynila mula sa alkalde hanggang sa mga barangay chairmen, maging ang lahat ng miyembro ng MPD, para sa natamo nilang tagumpay! Magaling talaga ang kumpare kong Fred Lim!

****

Ang mga pamunuang lokal sa autonomous regions ay pinagkakalooban po ng Saligang Batas ng malawak na kapangyarihan. Sa Benguet, naging matagumpay ang ating anti-drug operations dahil kasangga natin ang mga liders ng CAR.

Samantala, nararamdaman naman namin ang hirap ng pagsasagawa ng matagumpay na operasyon sa ARMM kung saan hindi nakikiisa sa atin ang mga liders!

Sa harap ng zero-conviction rate sa suspected drug traffickers sa ARMM mula 2003, palagay ko napapanahon na upang pag-aralang muli ng Kongreso ang batas na nagtatag ng autonomy sa ilang probinsya sa Kamindanaoan.

Ang autonomy ay ipinagkaloob sa ilang probinsya bilang pagkilala sa mga katutubong kultura at hindi para kunsintihin ang kriminalidad! Marahil para sa kanilang kultura, ang droga ay hindi itinuturing na isang malaking salot?! Subalit kailangan din natin isaalang-alang ang interes ng mas nakararaming Pilipino!

Hiling natin sa mga mambabatas na pag-aralan kung saan nagkukulang ang  judicial system sa mga probinsya na sakop ng ARMM. Marahil kailangan ng mas masusing supervision mula sa Supreme Court ang mga regional at municipal trial courts sa ARMM! Hindi natin matutuklasan ang tamang solusyon kung hindi natin sisiyasatin ang problema.

Sana paglaanan din ito ng panahon ng ating mga senador at kongresista. Kaya lang tila lahat sila abalang-abala ngayon sa nagaganap na impeachment proceedings. Umaasa tayo na maglalaan din sila ng panahon para sa ibang mga suliranin ng bayan.

(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC