Riding in tandem sangkot na sa carnapping


MAY bagong modus operandi pala ngayon ang mga ‘riding in tandem’ at hindi na bag snatching at robbery holdup ngayon ang kanilang ginagawa kundi sangkot na rin sila sa carnapping.

Opo! Ilan sa mga ‘riding in tandem’ na ang ‘specialty’ ay mang-snatch ng bag sa kalye at mangholdap ay kasapi na ngayon ng malaking grupo ng ‘carnaping syndicate’.

Ang mga ito ay bumubuntot sa nanakawin nilang sasakyan tulad ng motorcycle, kotse at mga sports utility vehicles (SUVs).

Kapag ang may dala ng motorcycle o kotse ay huminto sa mga ‘intersection’ na may traffic light o sa mga pupuntahan nito ay agad na bababa ang isa sa riding in tandem at tututukan ang may dala ng sasakyan at itatakbo na nito ang nakuhang motorsiklo o kotse.

Tinityempuhan ng mga ito na makababa sa kotse o motorcycle ang bibiktimahn at saka isasagawa ang krimen.

Madali umanong nadadala ng riding in tandem sa kuta ng carnaping syndicate ang nakaw na sasakyan at dun na iiwan ang sasakyan matapos tumanggap ng kabayaran sa sindikato.

Madali din nairerehistro ng carnapping syndicate ang mga nakaw na sasakyan dahil sa koneksyon ng mga ito  sa mga tiwaling tauhan ng Land Transportation Office (LTO).

Kaya naman ang payo ng mga awtoridad sa publiko, motorista atmay-ari ng mga motorsiklo na maging mapagmatyag at pakiramdaman ang bumubuntot o kaagapay niyong ‘riding in tandem’ at baka isa na ito sa mga bibiktima sa inyo.

* * * *

Ilang mga kababayan nating ‘senior citizens’ ang nagparating sa akin ng kanilang reklamo hinggil sa ’di-pagbibigay sa kanila ng ‘prioridad’ na naaayon sa itinatadhana ng ‘Senior Citizens Law’ sa mga ‘fast-food chain’ na kanilang pinupuntahan tulad na lang ng McDonald sa loob ng University of Sto. Tomas (UST) compound gayundin ng Jollibee sa panulukan ng Dapitan at Lacson Streets sa Maynila.

Hindi lang sa mga sangay ng McDonald at Jollibee sa UST compound at Dapitan Streets nangyayari ang sinasabing reklamo kundi sa marami pang branches ng dalawang fast-food chain.

Kaya lang mas pinupuri nila lolo at lola ang McDonald dahil sa pagbibigay naman nito ng 20 porsiento at 12 percent e-VAT deduction sa mga nasabing ‘senior citizens’ kahit na sang katerbang apo at sangkaterba ang na-order ng mga lolo at lola. Kung baga, walang limitasyon  ang pagbibigay nila sa mga ‘senior citizen’ ng discounts kahit na gaano kalaki ang na-order ng mga ito.

’Di umano katulad sa lahat ng branches ng Jollibee na may limitasyon ang pagbibigay nila ng 20 percent discount at 12 percent e-vat exemption sa mga ‘senior citizens’ na kung saan hanggang P150 lang na na-order ng mga Lolo at Lola ang pwede nilang bigyan ng diskwento.

Ke kasama ng mga senior citizens ang mga paslit nilang mga apo ay walang pakialam ang Jollibee management bastat ang bibigyan lang nila ng discounts ay ang hanggang P150 lang.

Aba! Para lang sa isang ‘two-piece’ chicken joy at hamburger ang P150 eh! Paano na ang mga apo nina lolo at lola. Sobrang gahaman, swapang at switik n’yo naman!

* * * *

Sa pagpili ng bagong National Bureau of Investigation (NBI) chief, sana ay ikunsidera ng ating mga namumuno ang kalidad at integridad ng mga naging NBI chief noon tulad nina Bugarin, Carpio, at Lukban at marami pang iba na kung saan sa panahon nila ang NBI ay iginagalang at kinatatakutan ng masasamang loob.      

Simula nang pamunuan ng mga NBI director mula sa hanay ng mga retiradong police general ay nababoy na po ang ahensiya.

Dati-rati ay wala tayong nabababalitaang involve sila sa mga ‘illegal vices’ at hindi sila tumatanggap ng tong-pats pero ngayon, isang Ogie na umano’y bata-bata ng isang NBI Depurty Director at isang Regional Director ang kumukubra ng daan-libong piso linggo-linggo na kung susumahin ay aabot sa P4M weekly sa mga illegal vices.

Ang isa sa mga gatasan nitong si Ogie ay ang Amor KTV sa Roxas boulevard, daang libong piso lingo-linggo ang koleksyon niya dito. Sobrang lakas kasi ang pagbebenta ng laman araw-araw ng may-ari ng KTV na isang Koreano at kahit menor de edad ay isinasakay na lang sa isa o dalawang tourist bus upang dalhin sa mga motel o hotel na kung saan nandun ang mga parukyanong Koreano.

* * * *

Meron din kaming nasagap na balita na ang papalit sa pwesto bilang NBI chief  ay ang mga amo nitong sina Jake Duling, Boy Go at Gerry na nag-iingreso kay Romy Noriega. Naku! tiyak umanong malaking gulo ito dahil masisiba din ang mga mokong o kolektor na ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Tiyak na lalong mabababoy ang ahensya ng NBI ’pag nagkataon.

Wag n’yo namang babuyin ang NBI na itinatatag noong Nob. 13, 1936, o 78 taon na ang nakakalipas ay iginagalang at sinasandalan ng mga mamamayang hindi makakuha ng katarungan sa ibang ahensiya.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC