Bitangcor Enterprises, paano nabigyan ng akreditasyon?


SA buong mundo ay kilala ang Pilipinas bilang “Pearl of the Orient Seas” dahil  sa angking kagandahan ng marami sa libu-libong islang bumubuo nito.

Hindi lang ’yan. Maliban sa kanilang husay magsalita ng Ingles, alam na din ng mundo na tayo’y friendly, hospitable at magalang.

Kaya nga dapat ay sa airport pa lang ay maramdaman na ng mga banyagang turista na welcome na welcome sila sa ating bansa.

Ito ang dahilan kung bakit maraming sumusuporta sa mga  pagbabagong ini-implement ni Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David, dating hepe ng Armed Forces of the Philippines.

Isa ngang bagong “set of core values “ ang in-adopt ng BI pagpasok pa lang ng bagong taon.

Hinikayat ni David ang kanyang mga tauhan at stakeholders na suportahan ang patuloy na kampanya para baguhin ang “agency’s practices and professionalize its ranks as well.”

In-adopt ni David ang bagong “core values” at “serious efforts” ng ahensiya para pagandahin ang serbisyong ibinibigay sa publiko. “These values demonstrate our resolve to realize our vision of a Bureau of Immigration whose workers are proud of their role as gatekeepers of our country,” ayon kay David.

Aminado si David na ang kanyang “reform drive” ay matagal pang makukumpleto dahil marami pang proyekto at programa ang kailangan  pang i-implement.

Pero naniniwala tayo na sa tulong ng ibang  ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor ay lalo pang gaganda ang serbisyong ibinibigay ng BI sa publiko.

Kagaya ng ibang tanggapan, nandiyan pa rin sa BI ang ilang bugok na lingkod-bayan na ang tanging hangad ay magkamal ng pera sa mabilis pero masamang paraan.

Alam natin na matiyagang minamatyagan ng liderato ng BI ang mga kawaning ito na sumisira sa gumagandang imahe ng bansa.

Kasabay ng reform drive na ito ay ang pagpapatupad ng measures para mahadlangan ang pagpasok ng mga elementong kriminal sa ating bansa.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may mga terorista at drug manufacturers na nagpupumilit na pumasok sa bansa dahil sa kawalan ng death penalty sa Pilipinas.

Alam nila na kulong at deportasyon lang ang aabutin nila kung sila’y maaresto sa bansa.

Tama ba, Pangulong Aquino?

* * * *

Sobra naman ang kasakiman at kasamaan ng isang player diyan sa aduana at pati mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng shabu ay kanyang ipinupuslit sa bansa.

Lumalabas na wala siyang pakialam kung masira man ang buhay ng milyun-milyon nating kababayan sa ginagawa niya. Kumita lang ay hindi na baleng malulong sa mga ipinagbabawal na droga ang mga kababayan niya.

Mabuti na lang at nasakote ng mga alertong tauhan ng BOC ang anim na container vans sa Port of Manila na naglalaman ng mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng  shabu.

Hindi na din tayo nagulat nang lumabas sa paunang imbestigasyon na ang nasa likod ng importasyon na ito ay si Ruel, na kilalang player ng mga baluktot na kargamento sa aduana.

Kaya naman maraming sumasang-ayon kay Biazon kung paano naiparehistro sa I-CARE, ang siyang namamahala para magbigyan ng akreditasyon ang isang importer, ang kumpanyang ginamit sa importasyon.

Lahat daw kasi ng papeleles na isinimute sa I-CARE para marehistro ang Bitangcor Enterprises ay mga peke.

Ayon kasi sa mga kumalat na balita sa bakuran ng BOC, ang grupo daw ni Ruel T. ang talagang may-ari ng Bitangcor Enterprises.

Ano ba naman kayo diyan sa I-CARE? Alam kaya naman si Depcom Peter Manzano ang mga pinaggagawa niyo diyan?

Huwag niyo namang ipahiya si Depcom Peter kay ES Sec. Jojo Ochoa!

Kung may death penalty pa sana sa Pilipinas ay kandidatong ma-lethal injection itong si Ruel at kanyang mga kasabwat na protektor diyan sa aduana.

Sila’y mga salot sa lipunan. Talaga lang yatang bagyo itong si Ruel. Kahit ba naman sa panahon ni P-Noy at Biazon na kilalang mga matitinong lider, ay nagagawa pa niyang ituloy ang mga baluktot niyang trabaho sa pier?

Dapat imbestigahan na ni Biazon si Ruel T. dahil buhay na ng mga kababayan natin ang sisirain niya kapag ’di siya tumigil sa pag-angkat ng mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng shabu.

Busisiin niyo Com. Biazon at Depcom Manzano ang aktibidades ng mga tauhan ng I-CARE.

Sa totoo lang, marami na tayong natanggap na sumbong laban sa I-CARE pero ’di natin pinapansin dahil alam nating matinong hepe si Depcom Manzano.

Ang masakit lang, mukhang napapaikutan ng mga tao niya ang butihing Depcom.

Kilos na mga bossing!

MGA REKLAMO AT REAKSIYON

Sa dami ng ipiprisentang witnesses ng prosecution at defense, malamang abutin na ng susunod na eleksyon, ‘di pa tapos ang hearing -- EDEN MANLAPIG ng Parañaque,

Dapat magbitiw na si Drilon sa impeachment trial. Kitang-kita na pabor siya sa prosecution -- ANNA DE LEON ng Makati.

Habang tumatagal, lumalabas ang maraming katiwaliang ginawa ni CJ Corona at kanyang asawa. Sana matapos na ang pagdinig at parusahan ang may sala -- ODEL LOPEZ ng QC.

Salamat sa text nina  RIC CABUSAO ng Manila, ED SOTTO ng QC, MARILOU SANTOS ng QC, REOBERT GO ng Manila, FLOR HERNANDEZ ng Laguna, ANNE K. ng Pasig, CAMILLE SANCHEZ ng Marikina at LIZA ONG ng Manila.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0915-9462777/email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC