Ano ang na-miss ni P-Noy sa Bilibid?


SIYEMPRE, wala si Korean tv personality Grace Lee sa Biliibid. Umamin man sina P-Noy at Grace sa kanilang date noong Miyerkules umano  ng gabi ay hindi na mahalaga lalo na kung iisipin mo ang kabundok na problema ng bansa kabilang ang brouhaha sa pagbili ni presidential political adviser Ronald Llamas ng pirated DVDs sa isang mall sa Quezon City.

Subalit ano ang “na-miss” at nakaeskapo sa mata ni P-Noy sa kanyang pagbisita sa Bilibid na paniwala ng karamihan ay isang hellish at sinister world?

Mismong si P-Noy ang nagpista sa isang  blockbuster na concert na itinanghal ni BuCor chief Gaudencio Pangilinan  sa  launching kamakalawa ng 2022 Bucor RoadMap at Stakeholders Fellowship na idinaos sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City na tinaguriang “DisneyLand”.

Sayang nga lang at dahil sa security concerns, ay mahirap na isapalaran na personal na saksihan ni P-Noy ang bawat mala-sardinas na selda lalo na ang mga kontrobersyal na kubol dito. 

Maaaring marami na ang nabago sa mga selda at lalu na ang pagtrato sa mga inmates, pati ang kalidad ng  buhay ng mga inmates  at pagkain dito, lalo na ang ambience ng infirmary kung saan humigit kumulang sa 500 ang pasyente dito kabilang ang may 98 na ginagamot sa psychiatric ward.

Subalit  masalimuot at hindi madali ang hamon ni Pangilinan na iniaatang niya sa kanyang sarili sa gitna ng umano’y ilang anomaly katulad ng sa droga at prostitution sa Bilibid.

*****

Mismong ang façade ng  gusali ng Bilibid ay hugis kastilyo sa Disneyland.

Nakapaloob sa long- term plan ang decongestion ng  umano’y “dreaded” na Bilibid na may 20,000 population  samantalang 9,000 lamang ang capacity nito. Kabilang sa plano ang relokasyon o paglilipat nito sa mas malaking facility sa ibang lugar at paglilipat ng mga palayang preso sa military camps katulad ng PMA kung saan magsisilbi silang workforce at masanay sila sa pagbalik nila sa lipunan.

Batid natin na tanging ang kalayaan ng inmates ang inaalis sa kanila at karapatan nila ang basic services katulad ng healthcare, shelter at education. Nais din ni P-Noy na  maiwaksi na ang pag-doktor sa record ng mga carpeta sa pamamagitan ng isang modernong data base upang mas mabilis at hindi na maudlot  ang pagpapalaya sa mga qualified inmates.

“Sa paglulunsad natin ng Bureau of Corrections roadmap, itutulak natin ang ating sistemang koreksyonal tungo sa tuwid na daan, kung saan ang tanging layunin ng Bilibid at ng lahat ng bilangguan sa Pilipinas ay ang tiyakin ang makabuluhang rehabilitasyon at pagbabagong buhay ng mga bilanggo. Layon nating tapusin na ang mga araw ng mga seldang maihahambing sa lata ng sardinas, hangad nating wakasan na ang pagbabalewala sa kalusugan at karapatan ng mga nakabilanggo… nais nating putulin na ang talamak na kuntsabahan at palakasan ng may mga impluwensiyang tao.”

Saksi tayo sa pangit at  maruming kapaligiran, at umaalingasaw na nakakasulasok na amoy lalo na ng NBP infirmary sa may ilang taon na pagpunta natin sa New Bilibid Prisons  kaugnay ng PAO free legal at medical at dental mission at jail decongestion program ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta.

Subalit sa ipinakita ni Pangilinan sa bagong Bilibid ay saludo tayo sa  ating nasaksihan na  facelift ng facility   samantalang halos anim na buwan pa lamang siya ng umupo.

Mistulang magarbong open house ang okasyon habang ang may 20,000 inmates sa maximum security compound ay umawit at sumayaw sa nakakaindak na tugtog ng  banda nila  sa harap ng kumakayaw na si P-Noy.

Kabilang sa mga kanta ang “Tie a Yellow Ribbon,” at nauna pa dito ang pag-awit at pagsayaw ng mga inmate na college students ng  Univeristy of Perpetual Help System Dalta Extension School sa saliw ng awitin nila na “Bad Romance ni “Lady Gaga.”

May 400 na ang nagsipagtapos sa extension school ng Bachelor in Science major in Entrepreneurship, ayon kay co-founder Dr. Daisy Tamayo.

*****

Sayang nga lang at pwera ang pagpasok ni  PNoy sa loob ng maximum security dahil tiyak na security nightmare. Subalit hanga tayo at nakapunta sa wakas na rin si P-Noy sa Bilibid. Ito yata ang unang pagkakataon na isang Pangulo ng bansa ay binisita ang Bilibid.

Saksi si P-Noy sa kanyang “reform tour” ng Bilibid facilities sa mga art works at agricultural products ng mga inmates, ang death chamber, maging ang vintage electric chair.

Tiyak na balik-alaala kay P-Noy ang sinapit sa kulungan ng kanyang ama na si dating Sen. Ninoy Aquino.

Matapos ang okasyon ay “parolado, pardoned”  at laya na ang lahat pati si P-Noy na dumalo sa launching, subalit katulad ng isang nobela sa komiks, ating aabangan pa ang susunod na kabanata sa Bucor RoadMap.

Pinaunlakan din ni P-Noy  ang new  electronic ID system ng Bilibid. Sinamahan si P-Noy sa kanyang tour of “Disneyland”  sa Bilibid  ni Pangilinan, De Lima, Acosta at iba pang stakeholders.

Malaki ang naiambag ng mga stakeholders kabilang sina Bea Zobel de Ayala, Jesus Estanislao at Ramon Ang ng SMC, Petron at Diamond Hotel, na kabilang sa Board ng Bilibid. Siyempre papasok ang business interest dito ng mga nabanggit na negosyante.

Sa panaginip ng pitak na ito  ay may nakatayo na isang commercial district at shopping mall sa  isang bahagi ng may 440 ektaryang  lupain ng Bilibid. May 104 na ektarya ang naunang nailipat sa housing project ng empleado ng Justice department at iba pang ahensya ng gobyerno.

For comments and inquiries : 0922874628 or facebook:  e_- beatfamasrc@ yahoo.com.(emontano)



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC