Dapat parehas ang hatian


Kgg. na Atty. Acosta,

Mapagpalang araw po sa inyo.

Nais ko po humingi ng payong legal hinggil sa hatian ng lupang iniwan ng aming yumaong  mga magulang.

Tatlo po kaming magkakapatid at ang mga magulang namin ay parehong pumanaw na. May mga ari-arian po silang naiwan na nais na sana naming paghati-hatian. Wala pong naiwan na anumang kasulatan tungkol sa hatian ng ari-arian ang aming magulang subalit kaming magkakapatid ay nagkasundo na sa pagkakahati ng mga lupa.

Nais ko po sanang malaman kung ano ang hatian namin at paano ito isasagawa.

Lubos na gumagalang,

Harold



Dear Harold,

Ang sitwasyon ninyo ay sakop ng  Artikulo 980 ng Civil Code kung saan nakasaad na ang magkakapatid ay maghahati ng pantay-pantay sa naiwang ari-arian ng mga magulang:

“Article 980. The children of the deceased shall always inherit from him in their own right, dividing the inheritance in equal shares.” xxx

Mayroong mga paraan para maisakatuparan ang hatian na naiwan ng mga magulang ninyo sa inyong sitwasyon. Ang paraan na ito ay nakasaad sa section ng extrajudicial settlement by agreement between heirs na matatagpuan sa Rule 74 ng Rules of Court.  Sa pamamaraan na ito, ang mga heirs ay maaaring gumawa ng pampublikong kasunduan o public instrument na naghahati sa kabuuan ng ari-arian ng namatay kung: 1) walang naiwang utang ang namatay, 2) walang huling habilin, at 3) kung nasa wastong gulang na ang mga tagapagmana o kung sila man ay menor de edad ay kinakatawan sila ng kanilang judicial o legal representatives.

Ang kasulatan ay irerehistro sa Register of Deeds kasama ng bond  o deposito ng mga tagapagmana at ipa-publish sa pahayagan na pangkalahatan ang sirkulasyon ng tatlong sunud-sunod na linggo. 

Kung walang maningil ng naiwanang utang ng inyong mga magulang (kung mayroon man), ang deposito ay ibabalik sa inyo pagkaraan ng dalawang taon. Kung may naiwan naman silang utang, ito ay sisingilin sa naiwan nilang estate o ari-arian.

Kailangan din bayaran ang buwis na ipinapataw sa mga ari-arian kagaya ng amilyar ng lupa at ang estate tax sapagkat hindi makapagpapalabas ng malinis na titulo ang Register of Deeds kung mayroong nakabimbing obligasyon sa lupa ang inyong mga magulang.

Kung lahat ng ito ay matagumpay ninyong maisagawa, magpapalabas ang Register of Deeds ng titulo sa inyong pangalan.

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan.

Ang inyo pong lingkod bayan,

PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan

PAUNAWA:

“Manood ng “Pulic Atorni (Asunto o Areglo)” araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 4:30 ng hapon  sa TV5. Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m., mula Lunes hanggang Biyernes. Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.

Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.”



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC