AYON sa Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Rickets, ang mamimili ng piniratang DVD ay walang kaukulang kaparusahan ayon sa batas. Kaya’t walang kasalanan si Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas na nakunan pa ng litrato habang tumitingin at namimili ng piniratang DVD!
Hindi ko siya personal na kakilala ngunit sa palagay ko, hindi lang naman siya ang opisyal ng ating gobyerno na natutuwang mamili ng murang DVD ngunit marami pang iba d’yan na hindi lang natin nalalaman at nakikita! Ang laki nga naman kasi ng kamurahan nito kung ikukumpara sa mga orihinal na kopya!
Ang mga tindero naman ng piniratang DVD ay namo-morsyento lang naman ng katiting at sigurado ako na hindi sila kumikita rito ng malaki. Hangad lang siguro nila ang kaunting kita upang mabuhay sa halip na magnakaw at magtulak ng droga!
Sa halip na ang mga tindero at mamimili ang pagtuunan ng pansin, mas mabuti na umpisahan na natin ang panghuhuli sa mga namumuhunan dito at nagma-may-ari ng replicating machine na kayang gumawa ng 100,000 kopya ng piniratang DVD araw-araw!
Nasasabi ko ito sapagkat isa ito sa mga kasong tinutukan ng PASG noong aming panahon. Ang replicating machine ang aming hinuhuli noon upang hindi na muling makagawa pa ng piniratang kopya ng DVD!
Isa sa aming nakumpiska noon ay isang napakalaking replicating machine sa Magalang Avenue, Bgy. Pandan, Angeles City, Pampanga, na nakapag-po-produce ng 100,000 kopya ng piniratang DVD sa isang araw!
Mayroon ding “burner” na nabibili sa Hong Kong sa halagang P3 milyon! Kaya para sa mga namimirata, hindi talaga mahirap ang gumawa uli kung marami naman makukuhang makina.
Sila ang dapat hulihin at tutukan ng OMB, sampahan ng kaso, kumpiskahan ng replicating machine at tuluyang ipasara ang mga pagawaan upang hindi na makagawa ng piniratang DVD! Sila ang dapat na pagtuunan ng pansin at hindi ang inosenteng mamimili. Walang kasalanan si Llamas! Bakit pa pinalalaki ang isyu!
****
Pinupuri natin ang Philippine National Police Anti-Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) sa pangunguna ni Task Force Commander Gen. Arturo Cacdac sa kanilang bagong accomplishment kamakalawa sa San Juan City.
Ang pagkakahuli ng 20 kilos ng shabu na ito na may street value ng humigit-kumulang sa P100 milyon ay sumagip ng maraming buhay na sisirain pa sana kung ito’y hindi nahuli!
Sana’y magtuloy-tuloy ang concerted efforts ng ating mga law enforcement agencies nang sa ganoon ay mas marami pang clandestine lab ang mahuli na patuloy na magsasagip ng maraming buhay.
Congratulations PNP-AIDSOTF!
****
Sa harap ng banta ng isang malawakang transport strike at delubyo ng reklamo mula sa mga ordinaryong motorista, muling ibinaba ang presyo ng mga produktong petrolyo nitong nakaraang weekend.
Katulad ng dati, inaasahan natin na ang mga oil price rollback na ito ay magbibigay-daan para mabawasan ang public pressure kontra sa mga oil companies. At tiyak na iyan din ang inaasahan ng management ng nasabing mga kompanya kaya’t biglang ibinaba ang presyo ng kanilang produkto!!
Subalit hindi kaya pinalalamig lang muna ng oil firms ang isyu bago muling itaas ang presyo ng mga produktong petrolyo? Mayroon akong pangamba na baka ang susunod na umento sa presyo ng petrolyo ay doble pa sa ikinaltas nila ngayon!
Sa tingin ko ay Moro-Moro lamang ang ipinatutupad na oil price rollbacks dahil kung susumahin niyo ay sadyang pataas ng pataas ang average price ng langis taon-taon!
Ilang ekonomista ang aking nakausap tungkol sa isyu ng international oil prices, at lahat sila ay naniniwala na dapat mas malaki pa ang ang ibinababa ng presyo ng langis sa lokal na mercado.
Ayon sa mga nasabing economists, sa tuwing humuhupa ang winter season sa Europa at America, sadyang bumubulusok pababa ang presyo ng petrolyo sa world market. Itoý dahil ang demand para sa heating oil ay bumabagsak kung kaya’t ang supply ay nananatiling mataas. The Law of Supply and Demand lang po ýan!!
Umaapila po tayong muli sa Kongreso na magbalik-tanaw sa Oil Deregulation Law. Amyendahan po sana ng ating mga mambabatas ang mga probisyon sa batas na nagpapahintulot sa oil firms na isikreto ang kanilang tunay na costs. Nais lamang natin na ilayo ang mga consumers sa lubusang pagpapatubo ng mga kompanya ng langis.
Naiintindihan po natin na anumang kompanya ay kailangan magtamo ng hustong profits. Hindi rin naman tayo pabor na ibalik ang regulated environment sa oil industry dahil mapipilitan muling maglabas ng malaking pondo ang gobyerno para itatag ang panibagong oil price stabilization fund. Layunin lamang natin na mabigyan ng sapat na proteksyon ang publiko laban sa ilang mga negosyante na walang kunsyensya at namihasa na sa Tubong Lugaw!!
* * * *
Nagiging mabunga ang mga operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Benguet dahil sa pakikipagtulongan ng mga leaders ng Cordillera Autonomous Region (CAR).
Ito’y kabaligtaran ng sitwasyon ngayon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kung saan tila nagmimistulang above the law ang mga drug traffickers!
Mula January 19 to 22, may 12 marijuana plantations ang natuklasan at sinira ng PDEA sa iba’t-ibang bahagi ng Benguet. Ayon sa report, ang street-value ng canabis plants (marijuana) na uprooted dahil sa mga isinagawang marijuana eradication operations ay umaabot sa halos P13 million. May kabuuang 64,000 plants ang nabunot ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, Benguet Provincial Public Safety Office at CAR-PNP.
Nais ko rin iulat sa ating readers na noong 2011, ating nalansag ang may 129 marijuana plantations sa buong kapuluan. Mahigit kalahating bilyon piso ang halaga ng ating nasabat na canabis plants sa magkakahiwalay na marijuana eradication operations noong nakaraang taon.
Ito po ay magandang halimbawa ng pagpuntirya at pagwasak sa supply chain ng droga! Sa ganitong paraan lamang po natin mapapatid ang daloy ng marijuana sa street-level pushers.
Ang marijuana ay itinuturing na entry-level drug kaya’t madalas binabalewala lang. Subalit nais kong igiit na ang marijuana ay highly-addictive at nahahantong pa sa hormonal imbalance ang prolonged use nito.
Ito rin ang pinagmumulan ng masamang habit na nauuwi sa paggamit ng mas malalakas na uri ng droga katulad ng shabu, ecstacy at cocaine. Sineseryoso po ng Dangerous Drugs Board (DDB) at ng PDEA ang kampanya kontra sa marijuana cultivation!!
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
)
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 7
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more