Palawan dinarayo ng tourists


KAPUNA-PUNA ang pagdagsa ng mga ‘foreign’ at ‘local migrants’ o ibig manirahan ng permanente sa Palawan.

Ito umano ay bunga ng magandang ‘peace and order situation’ doon at kaligtasan sa anumang dilubyo o kalamidad.

Bago pa man  mahirang ang Puerto Princesa Underground River bilang opisyal at pangalawang ninombrahang isa sa New7 Wonders of Nature noong Enero 28, 2012, ay dagsa na ang mga nagpaplanong manirahan ng pirmihan sa Palawan  na sumasabay sa mga ‘local and foreign tourists’.

Ang mga nagnanais na permanenteng manirahan ay kinabibilangan ng mga Koreans, Japanese, Australians at Americans. Bukod pa sa  mga Arabo at Chinese nationals.

At kung maraming dayuhan na nagnanais na permanenteng manirahan sa Palawan ay higit ang dami ng mga kababayan nating ibig manirahanng permanente doon.

Napabalita po kasi na ang Palawan ay isa sa mga ‘safest place’ na tirahan ng isang tao dahil doon ay walang bagyo, walang lindol at ilan pang uri ng kalamidad.

Balita din ang mahusay na pangangalaga sa kalikasan lalu’t higit sa Puerto Princesa at iyon ay dahil sa magandang pamamalakad ng butihing alkalde ng syudad na si Mayor Edward Hagedorn.

Patuloy po ang pagdagsa ng mga turistang banyaga maging ng ating mga kababayan sa Palawan, upang marating ang Puerto Princesa Underground River.

Personal pong nagtungo sa bansa si Bernard Weber, ang pangulo ng New 7 Wonders (N7WN) na kung saan kanyang personal at official na idineklara na ang Puerto Princesa Underground River ay ikalawang entry sa N7WN na opisyal na isinama sa New7 Wonders of Nature slot pangalawa sa Jeju Island ng Korea.

Lima pa po ang idineklarang provisional winners ng N7WN mula sa 28 nominado at ito ay ang mga sumusunod (in alphabetical order) 1. Amazon Rain Forest ng Bolivia, Brazil, Colombia, Ecuador, French, Guiana, Guyana, Peru, Suriname at Venezuela; 2. Halong Bay ng Vietnam; 3. Iguazu Falls ng Argentina, 4. ang opisyal na unang nanalo na Jeju Island ng South Korea; 5. Komodo National Park ng Indonesia; 6. ang Puerto Princesa Underground River, ang ika-2 official winner ng N7WN;  at ang ika-7 provisional winner na  Table Mountain ng South Africa.

Bago pa man i-announce na ang Puerto Princesa Underground River ay isa sa mga nanalo sa N7WN ay dumaragsa na ang mga local at foreign tourists sa Palawan upang silayan ang underground river.

At ayon sa pinakahuling balita ay hanggang katapusan na ng Abril o ‘first week’ ng May ay ‘fully booked’ na ang mga airline companies patungo ng Palawan gayundin ang mga ‘hotel accomodations’ doon.

Ang  maayos at mahigpit na pangangalaga sa kabundukan at kawalan ng mga ‘illegal loggers’ sa Palawan ang isa pa rin sa kinukunsidera ng ating mga ‘local migrants’ upang mamirmihan sa Palawan.

At kung ako ang personal na tatanungin, nais ko ring mamirmihan sa Puerto Princesa, Palawan, bunga naman ng  maganda, tahimik, malinis at mga kaayusang ipinatutupad ng mga namumuno doon.

****

Plano pala ni PNP chief, Director General Nicanor Bartolome na magkaron ng ‘One-stop-shop’ sa Camp Crame upang maibsan ang paghihirap ng mga tao at mamamayan na nakikipagtransaksyon sa punong himpilan ng Philippine National Police.

Napansin kasi ni Director General Bartolome ang paghihirap ng mga motorista sa paghanap ng parking space sa loob ng kampo at ang malayong nilalakad ng mga taong kumukuha ng firearms license at permit to carry firearms outside residence o PTCFOR, Traffic Management Group (TMG) clearance, security guard permit at clearances at maging resulta ng PNP Crime Laboratory examination.    

At bunga nito, nais gawin ng PNP chief na ang isang bahagi ng Kampo na kadikit ng EDSA na kung ikaw ay nasa harap ng Camp Crame ay nasa gawing dulong  kaliwa nito itatayo ang ‘one-stop-shop’

Pagbaba nga naman ng mga taong may sadya sa mga tanggapan sa Camp Crame na sakay ng mga pampasaherong bus at MRT ay nasa harap na nila ang ‘one-stop-shop’ na kung saan maari silang mag-renew at kumuha ng FA license, PTCFOR, TMG clearance, security guard clearances at iba pang serbisyo sa mga tanggapan ng PNP sa kampo.

May ilalaan ding mga ‘parking spaces’ sa loob ng gusaling itatayo sa gawing kaliwa  ng kampo na ‘exclusive’ para sa publiko.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 7
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC